Wednesday, February 20, 2013

HATAK NI “JUAN DELA CRUZ,” PALAKAS NANG PALAKAS!

Hook na hook na ang buong sambayanan sa number 'Juan' Primetime Bida series ng ABS-CBN na "Juan dela Cruz" na pinagbibidahan ng Teleserye Prince na si Coco Martin. Patunay dito ang pinakahuling datos mula sa Kantar Media noong Martes (Pebrero 19) kung kailan nakamit ng programa ang ang all-time high national TV ratings nito na 40.5% o halos 23 puntos na kalamangan kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na "Indio" na nakakuha lamang ng 17.6%. Samantala, patuloy na tutukan ang exciting na adventures ni Juan (Coco) ngayong nagsisimula na siyang makakita ng mga aswang. Ano nga ba ang gagawin ni Juan kapag natuklasan niya ang lihim ng kanyang tunay na pagkatao? Sa paghahanap sa sikreto ng kanyang nakaraan, sino nga ba ang dalawang taong makikilala ni Juan na babago ng buhay niya? Huwag palampasin ang kuwento ng bagong super hero ng mga Pilipino, "Juan dela Cruz," gabi-gabi pagkatapos ng "TV Patrol" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...