Wednesday, February 6, 2013

“BOTTOMLINE” HIHIMAYIN ANG ANTI-DYNASTY BILL

Buong tapang na haharap sa "The Bottomline With Boy Abunda" ngayong Sabado (Pebrero 9) si San Juan City Representative na si JV Ejercito upang ibahagi ang kanyang opinyon at saloobin kaugnay ng nakahaing Anti-Dynasty Bill sa Senado na naglalayong tapusin ang monopolyo ng kapangyarihan ng magkakapamilya. Sa kabila ng pagkakaroon ng iisang apelyido, ano nga ba ang pinagkaiba ni JV sa kanyang ama na si dating Presidente Erap at sa kanyang kapatid na si Senator Jinggoy? Bakit nga ba hilig ng mga Estrada na pasukin ang mundo ng pulitika? Sa kanyang palagay, kinakailangan na nga ba ng Pilipinas na magkaroon ng batas laban sa political dynasties? Makialam sa mga isyung panlipunan at huwag palampasin ang 2012 PMPC Best Public Affairs Program na "The Bottomline with Boy Abunda" ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng "Banana Split" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...