Tinutukan ng buong sambayanan ang pinakaaabangang 'Gabi ng Pagpapakilala' episode ng no.1 primetime family drama series ng ABS-CBN na "Ina Kapatid Anak." Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Biyernes (Pebrero 15) kung kailan nakuha ng serye ang all-time high rating nito na 40.1% national TV ratings, o lampas 20 puntos na kalamangan kumpara sa dalawang katapat nitong teleserye sa GMA na "Indio" na nakakuha lamang ng 17.4% at "Pahiram ng Sandali" na may 16.1% national TV ratings lamang.
Sa 'Gabi ng Pagpapakilala,' sinubaybayan ng TV viewers sa buong bansa hindi lamang ang pormal na pagpapakilala kay Celyn (Kim Chiu) bilang bahagi ng pamilya Marasigan kundi maging ang maiiinit na tapatan nina Celyn at Margaux (Maja Salvador).
Ngayong alam na ng lahat ang tunay na pagkatao ni Celyn, magpapatuloy pa rin ba si Margaux na sirain ang buhay ng kapatid? Ano ang pasabog na dala ng misteryosong karakter ni Diego (Alex Medina) na magbabago ng buhay nina Celyn, Margaux, at ng kanilang mga pamilya?
Huwag palampasin ang kuwento ng pakikipaglaban para sa karapatan, "Ina Kapatid Anak," gabi-gabi, 8:15pm, pagkatapos ng "Juan dela Cruz" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.facebook.com/InaKapatidAnak.TV o sundan ang @_InaKapatidAnak sa Twitter.
No comments:
Post a Comment