Tuesday, February 12, 2013

"MMK" MAY SPECIAL VALENTINE'S EPISODE NGAYONG SABADO

Pag-ibig na dinaan sa sipag at lakas ng loob ang ibabahagi ng "Maalaala Mo Kaya" sa special Valentine's episode nito ngayong Sabado (Pebrero 16) na katatampukan ng naiibang love story nina Andres (Ketchup Eusebio) at Paz (Meg Imperial). Hindi man kagwapuhan at hindi man mayaman, kilala naman si Andres sa nag-uumapaw niyang kasipagan at kabutihang loob. Kung kaya nang dumating ang araw na nakilala niya si Paz, ang babaeng bumihag ng kanyang puso, ay walang nakapigil sa kanya na gawin ang lahat upang suyuin ito. Gayunpaman, may isang malaking problema si Andres--walang kahit anong nararamdaman para sa kanya si Paz. May pag-asa bang masungkit ang puso ng isang minamahal kung simula't sapul ay inayawan ka na? Ano ang magiging susi ni Andres upang mabuksan ang saradong damdamin ni Paz? 

Kasama nina Ketchup at Meg sa "MMK" ngayong Sabado sina Irma Adlawan, Al Tantay, Dang Cruz, Louella de Cordova, Jess Mendoza, Devon Seron, Jommy Teotico, Christian Ramirez, Alec Dungo, Christian Samson, Roy Requejo, Alcris Galura, Charles Christianson, at Bianca Casado. Ang episode ay isinaliksik ni Akeem del Rosario, sinulat ni Benson Logronio, at sa ilalim ng direksyon ni Ted Boborol. Huwag palampasin ang Valentine's episode ng "MMK" ngayong Sabado, pagkatapos ng "Wansapanataym," sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" ang www.facebook.com/MMKOfficial.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...