Saturday, February 23, 2013

PINAKAMALAKI AT BONGGANG OPM CONCERT NG 2013, AARANGKADA NA

Mapapanood sa ABS-CBN "Himig Handog P-Pop Love Songs" finals night ang pagsasama-sama ng pinakamagagaling na OPM artists para sa concert ng taon na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena ngayong Linggo (February 24).

Labindalawang artists ang aawit ng P-Pop entries; pakinggan sina Yeng Constantino para sa  "Alaala", Aiza Seguerra para sa "Anong Nangyari Sa Ating Dalawa", Juris Fernandez para sa "Hanggang Wakas",  Marion Aunor para sa "If You Ever Change Your Mind", Toni Gonzaga para sa "Kahit Na", Daniel Padilla para sa "Nasa Iyo Na Ang Lahat", Angeline Quinto para sa "One Day", Bugoy Drilon para sa "Puwede Bang Ako Na Lang Ulit", Jovit Baldivino para sa "Sana'y Magbalik", KZ Tandingan para sa "Scared To Death",  Wynn Andrada para sa "Tamang Panahon", at Erik Santos para sa awiting "This Song Is For You".

Bukod sa kanila, matutunghayan din ang performance nina Bamboo, Zia Quizon, Abra, Young JV, at ang mga dating interpreters ng Himig Handog na sina Bituin Escalante, Anna Fegi at Martin Nievera.  Ang Himig Handog P-pop Love Songs ay gaganapin sa direksyon ni Mr. Johnny Manahan at ang musika sa pamumuno ni Gerard Salonga kasama ang ABS CBN Philharmonic Orchestra. Sina Xian Lim, Matteo Guidicelli, Maegan Young at Kim Chiu ang magsisilbing hosts ng programa.

Ang mga tickets ay mabibili ng Php 2,499 para sa VIP, Php 1,999 para sa Patron, ang Lower Box naman ay nasa  Php 1,399, ang Upper Box sa Php 999 at Php 400 naman ang General Admission. Maaring tumawag sa SM Tickets, 470-22-22 o mag log on www.smtickets.com.

Para sa karagdagang impormasyon sa "Himig Handog P-Pop Love Songs," bumisita sa www.facebook.com/starrecordsphil o sundan ang @starrecordsph sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...