Thursday, February 7, 2013

DAVID POMERANZ, AAWIT SA JS PROM NG “LUV U”

Hindi maitago ang kilig nina Miles, Kiray at Angeli, ang tatlong lead stars ng teen comedy series na "LUV U" dahil ngayong Linggo (February 10), ang American singer at composer na si David Pomeranz ang aawit sa kanilang Junior-Senior Prom. "Na-feel ko talaga yung kilig na hatid ng Valentine's Day kasi yung mga eksena namin sa LUV U, totoong-totoo tapos sinabayan pa po ng nakaka-inlove na pag-kanta ni Mr. David ng King and Queen of Hearts," ani Kiray. Masasabi naman ni Angeli Gonzales na 'perfect moment' ang prom nila sa "LUV U". "Pinaghandaan po talaga namin itong prom at hindi po siya basta-basta, kaya 'wag nyo po sanang palampasin." Panoorin ngayong Linggo ang JS Prom ng "LUV U" kung saan handa na ang lahat para sa magkasintahang JB (Marco) at Camille (Miles), Boom (CJ) at April (Angeli). Ngunit problemado si Rocky (Igi Boy) dahil naghanap ng ibang partner si Whitney (Kiray) at nang niyaya naman niya si Paris (Tippy), ipinagpalit din siya nito kay Max. Ano na ang mangyayari sa Valentines ni Rocky? Alamin sa "LUV U" ngayong Linggo (February 10) pagkatapos ng "ASAP 18" sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...