Sa pagbubukas ng summer season, init ng pagmamahal ang ipaparamdam sa TV viewers ngayong Linggo (Marso 3) sa "ASAP 18" ng Kapamilya teen sensation at other half ng hottest love team ng bagong henerasyon na si Daniel Padilla. Tutukan ang special production number ni Daniel at alamin kung may aaminin na nga ba ang love team partner ni Kathryn Bernardo sa upcoming Star Cinema romantic movie na "Must Be… Love."
Bilang pagbibigay-pugay naman sa musikang Pilipino, sunod-sunod na makatindig-balahibong musical performances ng "Himig Handog P-Pop Love Songs 2013" winning compositions na aawitin nina Toni Gonzaga, Juris, KZ Tandingan, Marion Aunor, at Aiza Seguerra. Susundan ito ng back-to-back grand launch ng official soundtrack ng no.1 superhero drama series na "Juan dela Cruz;" at ng debut album ng world singing champion na si Jed Madela sa Star Records na may titulong 'All Original.'
Sa pagbubukas ng Women's Month, saksihan sa "ASAP 18" concert stage ang world-class tribute para sa mga kababaihan na inihanda nina Gary Valenciano, Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Vina Morales, Angeline Quinto, at Piolo Pascual.
Muling mapapabilib naman ang lahat sa must-watch vocal act ng '90s jukebox singers na sina Renz Verano, Jude Michael, at Jessa Zaragosa kasama ang ASAP Pinoy Champs; sa ultimate concert experience na ihahandog nina Erik Santos, Zia Quizon, Sam Concepcion, at Bryan Termulo, at sa pagpapakilig ng ASAP Boyfriendz na sina Daniel, Khalil Ramos, at Enrique Gil.
Samantala, tiyak na mag-aapoy ang "ASAP 18" dance floor sa nakakapasong Supahdance moves nina KC Concepcion, Gerald Anderson, Shaina Magdayao, John Prats, Empress, Iya Villania, Gab Valenciano, at Rayver Cruz, kasama ang bagong stars ng susunod na henerasyon.
Salubungin ang tag-init at makisaya sa 2012 PMPC Best Musical Variety Show na "ASAP 18" 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sahttp://asap.abs-cbn.com/, i-'like'ang http://facebook.com/asapofficial, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter at makibalita sa latest happenings sa "ASAP 18" sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #ASAPonFire.
No comments:
Post a Comment