Monday, March 4, 2013

JULIA MONTES, PROSTITUTE!

Bago ang kanyang pinakaaabangang grand debut celebration ngayong buwan, sasabak muna ang Kapamilya teen actress na si Julia Montes sa isang heavy drama episode ng "Maalaala Mo Kaya" sa Sabado (Marso 9) kung saan gagampanan niya ang karakter ng isang prostitute. 

Ayon sa aktres, ang kanyang upcoming "MMK" episode ay early birthday treat niya sa lahat ng mga manonood na sinuportahan siya mula pagkabata hanggang ngayon. 

"Noong malaman kong may bagong 'MMK' project ako, gusto ko nang mag-taping agad. Tapos nung nalaman ko 'yung story, mas na-excite pa ako kasi ibang Julia ang makikita ng TV viewers," pahayag ni Julia na bibigyang buhay ang karakter ni Diana, ang dalagitang pinasok ang buhay dancer at prostitute sa edad na 15. "Nung una, napaisip ako kung paano ko ipo-portray kasi kakaibang role, mature talaga. Pero tinanggap ko 'yung challenge." 

Kasama ni Julia sa "MMK" ngayong Sabado sina Kiko Estrada, Daisy Reyes, Mike Lloren, Giselle Sanchez, Wendy Valdez, Kazel Kinouchi, Madz Nicolas, Glenda Garcia, Joe Vargas at Alexa Ilacad. Ang episode ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Akeem Jordan del Rosario, sinulat ni Enrique S. Villasis, at direksyon ni Ted Boborol. 

Huwag palampasin ang mas matapang at mas mature na Julia sa isa na namang de-kalibreng heavy drama episode ng "MMK" ngayong Sabado, pagkatapos ng "Wansapanataym," sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sawww.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" angwww.facebook.com/MMKOfficial.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...