Tuesday, April 30, 2013

“WANSAPANATAYM,” BEST CHILDREN’S PROGRAM SA BANSA

Muling tumanggap ng pagkilala ang top-rating fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na "Wansapanataym" kamakailan matapos itong parangalan bilang Best Children's Program sa ginanap na 21st Golden Dove Awards sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP). Ito ay isa na namang karagdagan sa mga parangal na natanggap ng "Wansapanataym" mula sa iba't ibang award-giving bodies tulad ng Catholic Mass Media Awards (CMMA), PMPC Star Awards for TV, at ng National Commission on Culture and Arts.

Bilang pasasalamat sa patuloy na tagumpay ng 'story book ng batang Pinoy,' isa na namang kwento na punong puno ng aral ang ihahatid ng "Wansapanataym" ngayong Sabado (Mayo 4) sa espesyal na episode na 'Eye Naku.' 

Gagampanan ng Kapamilya child star na si Dexie Daulat ang karakter ni Maita, isang bata na mayroong malabong mga mata. Nang gawin ng reyna ng mga mikrobyo na tirahan ang kanyang mga mata, naging malinaw agad ang paningin ni Maita at nagkaroon ito ng kapangyarihan na makakita nang tulad ng isang microscope. Matutunan na kaya ni Maita na pahalagahan ang kanyang mga mata kapag nagkaroon na ng sakit ang kanyang mga kapatid at kaibigan dahil sa reyna ng mga mikrobyo? 

Kasama rin ni Dexie sa 'Eye Naku' episode sina Khalil Ramos, Michelle Vito, Ruby Rubi, Gigi Locsin, CJ de Guzman, Patricia Camo, at JM Briones. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Mariami Tanangco-Domingo, at direksyon ni Jerome Pobocan. 

Huwag palampasin ang storybook ng batang Pinoy, "Wansapanataym" tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng "Kapamilya: Deal or No Deal" sa ABS-CBN. Balikan din naman ang mga lumang episode nito na 'Cocoy Shokoy' sa Miyerkules (Mayo 1), 'Juan to Tree' sa Huwbes (Mayo 2), at 'Fairy Garden' sa Biyernes (Mayo 3) sa "WansapanaSummer," araw-araw, 10:15am sa ABS-CBN. 

Para sa karagdagang updates, mag-log on lang sa www.abs-cbn.com o sundan ang@abscbndotcom sa Twitter.

Monday, April 29, 2013

SIKAT NA JAPANESE MANGA CHARACTERS NA NGAYO’Y PANG-TELEBISYON: HANDOG NG HERO TV SA BUWAN NG MAYO

Ipinagpapatuloy at ipinapatindi ng Hero TV ang kanilang superhero invasion sa paghahatid ng mga bago at popular na anime ngayong buwan ng Mayo.

Nangunguna sa listahan ng mga inihahandog ng number one anime channel sa bansa ang tema nilang "Invincible Sketch of May", kung saan binibigyan ng buhay ang mga patok na Japanese komiks sa kanilang pagle-level up sa pagiging mga kwentong pangtelebisyon. Kasali sa temang ito ang mga bagong titulong "Bleach: Fade to Black", "Kuroko's Basketball", "Gintama: Season 5", "Vampire Knight", at "Digimon: Xros Wars".

Sa "Bleach: Fade to Black" ang main character na si Ichigo Kurosaki ay kinakailangang ibalik ang mga nawawalang memorya ng kanyang mga kaibigan. Ito ay ipapalabas sa Mayo 12, 12:00 a.m., 12:00 p.m., at 9:00 p.m.

Panooring ang mga nakakagulat na pwede palang mangyari sa mundo ng basketbol sa "Kuroko's Basketball", na maipapalabas sa Mayo 23 ng 9:00 p.m., 3:00 p.m, 4:00p.m, at 8:00 p.m.

Matuwa's matwa naman sa bagong season naman ng Gintama, kung saan magbabalik ang ating mga jack of all trades free lancers sa May 24 nang 9:00 p.m., na may replays nang 12:00 a.m., 3:00 a.m., 9:00 a.m., at 3:00 p.m.

Sa "Vampire Knight" naman na maguumpisa ngayong Mayo 10, makikita natinang isang mundo kung saa'y nagsasama-sama ang mga bampira at mga tao—kaya't sa Cross Academy, nakahiwalay ang mga estudyante sa dalawang seksyon—ang Day Class at ang Night Class.

Kasama't hindi talaga nahuhuli sa mga bagong titulo ng Hero TV ay ang "Digimon: Xros Wars", kung saan maibabalik tayo sa DigiWorld para sa laban ng bagong main character na si Shoutmon at ang kaniyang kinakalabang Bagura Empire.

Nagbabalik naman ang iba sa mga paborito niyong mga anime: ang "Yakitatae Japan", "Hack/Legend of the Twilight", "Legend of Legendary Heroes", at "Dubber's Cut: Kuroko's Basketball"—na lahat ay nagdadala pa rin ng mga kwentong nakaka-inspire at nakakapagbigay ng iba't ibang porma ng pagtulong at pagligtas sa mga nangangailangan.

Abangan ang paborito niyong mga animated characters sa Hero TV (SkyCable Channel 44), ang numero unong anime cable channel sa bansa. Para sa mga updates at airing schedule, bumisita sa official website nito nawww.myheronation.com.

LUIS, NAGING EMOSYONAL NANG MAGLARO SI EDU SA “DEAL” #DealOrNoDeal

Walang kamalay-malay si Luis Manzano, na nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakailan, na ang ama na pala niyang si Edu Manzano ang maglalaro at haharap kay Banker sa kanyang hit game show na "Kapamilya Deal or No Deal" noong Sabado (Abril 27). Sinorpesa ni Edu si Luis nang bigla itong lumabas sa entablado at sumayaw ng kanyang hit dance craze na "Papaya" kasama ang 24K girls. Hindi na nga napigilan ni Luis na mapaiyak habang yakap ng kanyang ama. "Isa sa pangarap ko nang tinanggap ko ang 'Deal' ay maghost para sa daddy ko, and tonight my wish is coming true," sabi ni Luis. Naging emosyonal na rin si Edu habang nagpapasalamat sa lahat ng nasa likod ng programa sa pag-imbita sa kanya. Dagdag pa ni Edu, "Sa mga taga-ABS-CBN, kahit nandoon ako sa kabilang bakod ay nandirito pa rin kayo sa puso ko." Hindi pinalad si Edu na mauwi ang milyon pero nakakuha naman siya ng halagang P50,000 na laman ng napili niyang briefcase number 9. Patuloy na tumutok tuwing Sabado ng gabi sa "Kapamilya Deal or No Deal," pagkatapos ng "TV Patrol Weekend" sa ABS-CBN. Ipahagay ang inyong mga opinyon, reaksyon, at saloobin sa programa sa Twitter gamit ang hashtag na #KapamilyaDOND.  

TUNAY NA KASARIAN NI JC, MABUBUNYAG NA KAY PAUL JOHN SA “TO THE BEAUTIFUL YOU”

Malalaman na ni Paul John ang lihim ni JC ngayong Miyerkules (May 1) sa mas nakakakilig pang kuwento ng "To the Beautiful You." Bibisita ang kapatid ni JC mula sa US na si Daniel sa Seoul na maglalagay sa alanganin kay JC. Susubukan niyang itago ang kanyang lihim kay Daniel sa pamamagitan ng pagbibihis babae uli. Pero tila wala talagang lihim na hindi nabubunyag dahil aksidenteng mapapadpad sa kanyang eskwelahan ang kanyang kapatid at mabubuko ang pagpapanggap niya bilang isang lalaki. Kukumprontahin si JC ni Daniel na siya namang aksidenteng maririnig ni Paul John. Paano ito tatanggapin ng high jump superstar? Itataboy niya ba si JC? Ito na kaya ang simula para mas lalo magkakilanlan ang dalawa? Huwag palalampasin ang mainit na rebelasyon ngayong Miyerkules (May 1) sa "To the Beautiful You," pagkatapos ng "Pinoy True Stories" sa first and true home of Asianovelas, ang ABS-CBN.

 

SIYAM NA SENATORIAL CANDIDATES, HINARAP ANG BAYAN SA HULING “HARAPAN 2013” DEBATE

Hinarap ng siyam na senatorial candidates ang buong bayan noong Linggo ng gabi (Abril 28) sa pangalawa at huling "Harapan 2013: The Senatorial Debate" ng ABS-CBN na ginanap sa La Consolacion College sa Maynila. Nagdebate sina Samson Alcantara, Rep. Sonny Angara, Greco Belgica, Baldomero Falcone, Richard Gordon, Ricardo Penson, Grace Poe-Llamanzares, Christian Seneres, at Bro. Eddie Villanueva at ipinahayag ang kanilang opinyon sa sari-saring isyu at usaping batas. Sa paspasan rounds, inilahad ng mga kandidato ang kanilang magkakaibang saloobin sa pagtatanggal ng pork barrel, ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa, kung sino ang susuportahan nila sa pagka-pangulo sa halalan sa 2016, at kung sinong superhero ang gusto nilang tularan. Samantala, inisa-isa naman ng moderator na si Ted Failon ang mga kandidato mula sa Team PNoy at United Nationalist Alliance na hindi sumali sa debate noong Linggo at noong nakaraang Linggo (Abril 21) na nagbigay ng iba't ibang dahilan sa kanilang hindi pagdalo. Sila ay sina Nancy Binay, Sen. Alan Peter Cayetano, Tingting Cojuangco, Rep. Jack Enrile, Sen. Francis Escudero, JV Ejercito Estrada, Sen. Gringo Honasan, Sen. Loren Legarda, Jamby Madrigal, Sen. Antonio Trillanes IV, Cynthia Villar, at Miguel Zubiri. Ang "HARAPAN 2013" ay bahagi ng "Halalan 2013," ang election coverage ng ABS-CBN na naglalayong mapalawak ang kaalaman ng mga Pilipino bago ang paparating na botohan sa Mayo. Layunin ng "Halalan 2013" na tulungan at bigyan ng sapat na kaalaman ang mga Pilipino nang makapamili sila ng mga karapat-dapat na lider upang makamit ang pagbabagong nais nilang mangyari sa bansa. Para sa updates, sundan ang @ABSCBN_Halalan sa Twitter o i-like halalan2013.abs-cbnnews.com.

ABS-CBN HUMAKOT NG 32 GOLDEN DOVES

Namayagpag muli ang ABS-CBN sa ika-21 na Golden Dove Awards ng Kapisanan ng Broadkaster ng Pilipinas (KBP) kamakailan matapos itong humakot ng 32 tropeo kabilang ang Best TV Station award, habang ipinagkaloob naman ang pinakamataas na parangal sa presidente at CEO ng network na si Charo Santos-Concio na binigyan ng KBP Lifetime Achievement Award, at ang batikang mamamahayag na si Ted Failon na pinarangalan naman bilang Ka Doroy Broadcaster of the Year.

Iginagawad ang KBP Lifetime Achievement Award kay Concio bilang pagkilala sa kanyang naiambag sa larangan ng broadcast journalism at sa kanyang pagpapamalas ng natatanging husay sa kanyang propesyon.

"Nakakataba ng puso na mapasali sa listahan ng KBP Lifetime Achievement Awardees. Nais kong pasalamatan si Gabby Lopez at ang masisipag na empleyado ng ABS-CBN. Ang nais ko lang naman ay sundan ang yapak ng aking ama bilang isang mahusay na tagapagsalaysay at sa pamamagitan ng aking trabaho ay naisasakatuparan ko ito," pahayag ni Santos-Concio.

Pinili namang pagkalooban ng Ka Doroy Broadcaster of the Year Award si Ted Failon para sa kanyang husay sa kanyang larangan at sa pagiging isang huwaran. Ang nasabing parangal ay ipinangalan kay Tedoro Valencia na isa sa mga nauna at respetadong lider ng KBP noong dekada '60.

Wagi ng mga parangal ang mga news and current affairs program ng ABS-CBN tulad ng "TV Patrol" na kinilalang Best TV Newscast Program, ang  "Patrol ng Pilipino" bilang Best TV Public Affairs Program para sa episode na "Sa Ilalim ng Tulay: Hagupit ng Habagat," ang "Sports Unlimited" bilang Best TV Sports Program,ang "Rated K" bilang Best Magazine Program, ang "San Pedro Calungsod" bialng Best Documentary Program.

Kinilala rin ang husay ni Korina Sanchez bilang anchor nang pinarangalan itong Best TV Magazine Program Host para sa "Rated K." Gayundin si Bernadette Sembrano ng "Salamat Dok" na nasungkit naman ang Best TV Public Service Host award, habang panalo naman si Anthony Taberna bilang Best TV Public Affairs Program Host.

Bumida rin ang husay ng Kapamilya entertainment shows sa gabi ng parangal. Kabilang diyan ang "Maalaala Mo Kaya," na inuwi ang Best TV Drama Program para sa kontrobersyal nitong episode na "Pulang Laso," na tungkol sa buhay ng dalawang lalaking magkarelasyon kung saan ang isa sa sa kanila ay lumalaban sa sakit ng HIV AIDS. Ginampanan ito nina Carlo Aquino at Joem Bascon.

Best Comedy Program naman ang sitcom na "Toda Max" habang wagi bilang Best TV Children's Program ang "Wansapanataym." Kinalala naman bilang Best Musical Variety Program ang weekly concert program ni Sarah Geronimo na "Sarah G. Live."

Para naman sa natatanging pagganap ni Gerald Anderson sa "Budoy" kung kaya't pinarangalan itong Best Actor, habang wagi naman bilang Best Actress si Janice De Belen para sa karakter nito sa teleseryeng "Ina Kapatid Anak."

Kinilala rin ang Christmas Station ID ng ABS-CBN na pinamagatang "Lumiliwanag Ang Mundo sa Kwento ng Pasko" bilang Best TV Station Promotional Materials, samantalang Best TV Public Service Announcement naman ang "Choose Philippines Penumbra."

Bukod sa telebisyon ay namayagpag din ang AM radio station ng ABS-CBN na DZMM sa naturang awards night nang tanghalin itong Best AM Radio Station. Humakot din ng mga parangal ang ilang programa ng DZMM kabilang na ang Best Radio Newscast Program para sa "Radyo Patrol Balita Alas-Siyete," Best Radio Public Affairs Program para sa "Failon Ngayon sa DZMM," at Best Radio Sports Program para sa "Sports Talk."

Si Julius Babao naman ang kinilala bilang Best Radio Newscaster para sa programang "Radyo Patrol Balita Alas-Dose." Ilan pa sa mga pinarangalang anchors sina Karen Davila bilang Best Radio Public Affairs Program Host para sa "Pasada 630," Winnie Cordero bilang Best Radio Magazine Host para sa "Todo-Todo Walang Preno," at Ka Louie Tabing bilang Best Radio Science and Technology Program Journalist para sa "Sa Kabukiran."

Hindi rin nagpahuli ang ABS-CBN Cagayan de Oro na itinanghal na Best Provincial TV Station. Bukod dito, bumida pa ang ABS-CBN Regional Network Group nang iuwi nito ang Best Provincial TV Newscast Program para sa "TV Patrol Central Mindanao" ng ABS-CBN Cagayan De Oro, Best Public Affairs Provincial Program para sa "T.K.O" ng ABS-CBN Cagayan De Oro, Best TV Special Program para sa  "SILIB: Balangay Festival Special Edition" ng ABS-CBN Butuan, at Best Culture and Arts Program para sa "Mag-TV na, Atin Ito!" ng ABS-CBN Baguio.

 

Ang Golden Dove Awards ay taunang inoorganisa ng KBP, ang samahan na binubuo ng iba't-ibang broadcast media organization sa bansa kung saan ang mga nagwawagi ay pinipili sa pamamagitan ng jurors na kinakatawan ang kabataan, mga eskwelahan, religious groups, advertising industry, at gobyerno.

Tropang Kulit, kikilitiin ang sambayanan simula Mayo 11

Matapos patawanin ang milyun-milyong Pilipino sa pamamagitan ng mga gag shows nito sa nakalipas na dalawang dekada, maghahain ng bagong pakulo ang TV5 ngayong summer—ang Tropang Kulit. Ito ang pinakabagong gag-variety show para sa buong pamilya kung saan tampok ang Artista Academy Kids at host na si Gelli de Belen. Magsisimula na ng isang oras na katatawanan sa Mayo 11 (Sabado), 7PM.

Maaalalang ang Channel 5 (dating ABC-5) ang nagpasimuno ng mga nakakaaliw na palabas noong '90s gaya ng Tropang Trumpo, Wow Mali, Ogags at Ispup. Mabenta rin sa mga manonood ang kwelang gag show na LokomokoU tuwing Linggo. At dahil nakilala ang Channel 5 sa mga ganitong format, hindi malayong maging patok ang Tropang Kulit kasama ang mga pinakabagong mukha tuwing Sabado ng gabi, ang Top 11 kids ng Artista Academy (may edad na 5 hanggang 10) na napili mula sa higit na 3,000 na nag-audition—kabilang sina Ixle Kyle Banzon (9), Julie Charlotte Cadeville (5), Peter Angelo Echaluce (7), Josh Clement Eugenio (8), Jonicka Cyleen Movido (5), Mariella Frances Grace Ortiz (7), Chloe Dominique Reyes (12), John Carlo Tan (8), ang magkakapatid na Jason (11), Jhiani (9), at Jhurel Zimmerman (5).

Pagmamalaki naman ni Gelli, walang tulak-kabigin ang mga nasalang kabataan dahil sa brilyo at talent ng mga ito. Hindi naman daw mag-dadalawang-isip ang dating mainstay at original cast member ng Tropang Trumpo na ibahagi sa mga bata ang husay niya sa comedic timing kung kinakailangan.

Habang halos lahat ay may angking husay sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte, may ilan din na nagtataglay ng ibang abilidad tulad ng walong taong gulang na si Josh Clement Eugenio na marunong tumugtog ng violin at gitara. Minsan din ay nagmomodel si Josh. Posible rin maging susunod na child wonder si Jonicka Cyleen Movido, limang taong gulang, na marunong mag-rap at umarte. Makakasama ng Top 11 kids ang 24 pang chikiting na magdadagdag ng kakulitan sa programa.

Ilan sa mga aabangang segment sa Tropang Kulit ang Peace to Peace, Kidliit, e.Byahe, Tanongers Sagoters, Itanong kay Butch, Idolo ko Sikat, Instacook, Ano 'Toh?, Payong Maliit at Detective Ed.

Huwag palalampasin ang bagong kahuhumalingan ng buong pamilya, ang Tropang Kulit, tuwing Sabado ng gabi simula Mayo 11, alas-7 sa TV5.

Saturday, April 27, 2013

JULIA AT ENRIQUE, BIBIDA SA UPCOMING PRIMETIME BIDA TELESERYE NG ABS-CBN

Opisyal nang inihayag ng ABS-CBN kamakailan na sina Julia Montes at Enrique Gil ang lead stars ng pinakabago at pinakaaabangang Primetime Bida teleserye ng Kapamilya network bilang bahagi ng pagdiriwang ng 60 taon ng Philippine Television. Mula sa matatagumpay na teleserye ni Julia na "Mara Clara" at "Walang Hanggan," at ni Enrique na "Budoy" at "Princess and I," muling magbabalik sa Primetime ang dalawa sa pinakasikat na Kapamilya young stars upang pagbidahan ang panibagong obra na tiyak na magbubukas sa puso ng bawat manunuod. Sa pananabik ng buong sambayanan sa kanilang tambalan, naging usap-usapan agad sa mga social networking site tulad ng Twitter ang bagong proyekto nina Julia at Enrique kaya naman mabilis din naging bahagi ng nationwide trending topics ang mga hashtag tulad ng #ExcitedForJuliaMontesAndEnriqueGilTeleserye at #HappyJulQuenDay. Abangan ang pinakabagong teleseryeng pagbibidahan nina Julia at Enrique sa Primetime Bida ng ABS-CBN.  Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and abscbndotcom sa Twitter.

Wednesday, April 24, 2013

CAST NG “JUAN DELA CRUZ,” MAKIKIPAG-BONDING SA KAPAMILYA FANS SA SAN PABLO NGAYONG SABADO

Bilang pasasalamat sa walang-sawang pagsuporta ng buong sambayanan sa Kapamilya Network, isang bonggang bonding experience ang ihahatid ng "Juan dela Cruz" cast na sina Coco Martin, Erich Gonzales, Arron Villaflor, at Neil Colleta ngayong Sabado (Abril 27), 2pm, sa San Pablo Central School Stadium, Laguna, para sa 'Bida Kapamilya' project ng ABS-CBN. Abangan ang pagbisita nina Coco, Erich, Arron at Neil ngayong Sabado at makisaya sa non-stop surprises at production numbers na kanilang inihanda para sa loyal TV viewers ng Kapamilya network. Huwag palampasin ang paboritong superhero ng mga Pilipino, "Juan dela Cruz," gabi-gabi pagkatapos ng "TV Patrol" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates tungkol sa "Juan dela Cruz," sundan ang @JUANDELACRUZ_TV sa Twitter o i-like ang official Facebook fanpage nito na http://www.facebook.com/JuanDelaCruz.TV.

Monday, April 22, 2013

Derek Ramsay and Eula Caballero team up for Kidlat finale

TV5's top-rating program Kidlat ends its first season with an epic superhero crossover. In the final two weeks of the series, Kidlat (played Derek Ramsay) finds an ally in the newest superhero in town, the warrior angel Cassandra. Primetime Princess Eula Caballero suits up and joins forces with Kidlat as they fend off forces of evil. This superhero pairing not only gives way to the much-anticipated airing ofCassandra: Warrior Angel (slated to replace Kidlat), but also gives hope to fans of the show that TV5 will come up with new and exciting superheroes in the future.

"This is only one of the many superhero crossovers that we plan to produce in the future," TV5 FVP for Creative and Entertainment Production Perci Intalan confirmed. "Viewers have responded so well to Kidlat and we hope that this fresh offering will be something that the fans will enjoy."

Along with this thrilling development, Kidlat celebrates its successful run by inviting all superhero aficionados to the first-ever Kidlat Konvention happening on Sunday (April 28) at the Annex Event Area of SM North EDSA. In partnership with SMART and Cosplay.ph, Kidlat Konvention will feature the cast of Kidlat, led by Derek, and Cassandra herself (Eula Caballero) to meet and greet fans.

Event attendees will surely enjoy the fun booths and activities in store, which include henna tattoo sessions, photobooths, games, and the much-anticipated Cosplay Competition. Amazing prizes also await those who will come in superhero costume.

"We're all excited to be part of the Konvention," Derek shares. "This show was first introduced in Cosplay Mania last year and it's only fitting that we end our first season with our own cosplay event."

Continue supporting Kidlat in his journey. Don't miss the exciting event and be sure to catch the action-packed two week finale of Kidlat's weekdays, 7:00PM only on TV5.

SHAINA MAGDAYAO, MATAGAL NANG HINIHINTAY SI COCO MARTIN

Isang dream come true para sa Kapamilya leading lady na si Shaina Magdayao na makatrabaho ang Teleserye Prince na si Coco Martin sa pagpasok ng kanyang karakter na si Mira sa hit superhero drama series ng ABS-CBN na "Juan dela Cruz." 

"I'm looking forward to working with Coco," pahayag ni Shaina. "Isa siya sa pinakamagaling na artista dito sa industriya. Isang malaking karangalan para sa akin na makatrabaho ang isang Coco Martin." 

Dagdag ni Shaina, matagal na niyang gustong makatrabaho muli si Coco mula nang makasama niya ito sa pelikula ng Star Cinema na "Sa'yo Lamang." Aniya, "Tuwing magkikita kami ni Coco lagi niya akong tinatanong kung kailan kami magkakatrabaho ulit. Sabi ko naman sa kanya na hinihintay ko lang siya kung kailan na puwede. Kaya nagpapasalamat po ako na finally, makikilala ko na si Juan dela Cruz." 

Gagampanan ni Shaina sa "Juan dela Cruz" ang karakter ni Mira, ang prinsesa ng mga engkanto. Sa kanyang pagpasok sa mundo ng mga tao, kilalanin ang misteryosong karakter ni Mira at tuklasin ang misyon na kailangang niyang gawin para sa mailigtas ang kanilang kaharian. Ano nga ba ang magiging papel ni Mira sa buhay ni Juan (Coco)? Magiging isa nga ba siyang kakampi o kaaway? 

Huwag palampasin ang pagbubukas ng bagong mundo sa kuwento ng paboritong superhero ng mga Pilipino, "Juan dela Cruz," gabi-gabi pagkatapos ng "TV Patrol" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates tungkol sa "Juan dela Cruz," sundan ang @JUANDELACRUZ_TV sa Twitter o i-like ang official Facebook fanpage nito na http://www.facebook.com/JuanDelaCruz.TV.

Sunday, April 21, 2013

Will the cast of Never Say Goodbye ever get their happy endings?

Tensions rise and tempers reach record highs as Never Say Goodbye reaches its exciting climax. The TV5 romantic drama may be counting down to its last two weeks but viewers will be thrilled to know that some of the most riveting dramatic sequences have yet to reach the small screen. Fans of the show, as well as those of its stars, should watch out for major twists as Never Say Goodbye's cast of characters get even more desperate to find their happily-ever-afters.

The men in Marta's (Nora Aunor) life—Javier (Cesar Montano), Dindo (Gardo Versoza) and William (Vin Abrenica)—have yet to come to terms with her amnesia. She only remembers her past romance with Javier, something her husband and son struggle with. However, a single gunshot quickly spells tragedy during the reunion of the former lovers.

For young lovers William and Kate (Sophie Albert), another chance at happiness beckons but Troy (Edgar Allan Guzman) is determined to keep them apart. Kate herself has not accepted the fact that Greta (Rita Avila), the flamboyant socialite who keeps butting heads with her adoptive mother Criselda (Alice Dixson), is her biological mother.

For her part, Criselda is hell-bent on settling the score with Greta—even resorting to threatening the life of Kate just to get her rival's undivided attention. Because of this, Never Say Goodbye's two lead actresses will finally come to blows where the better (and more bitter, perhaps?) woman will survive.

Fans will not want to miss a single scene as Never Say Goodbye's grand finale draws near. The romantic drama airs every week night at 7:30 PM on TV5 right after Kidlat.

Will.i.am Releases Music Video for #thatpower feat. Justin Bieber



 Check out Will.i.am's scifi-inspired music video for his new single "#thatPower" featuring Justin Bieber singing the song's hook and appearing on the video as a hologram image.

 Watch it here:

  Don't be the last to know on the latest news and hottest topics. Follow us on Twitter.

DEBUT ALBUM NI VICE GANDA SA STAR RECORDS, ILULUNSAD NA NGAYONG ABRIL

Unkabogable na saya at kakaibang ligaya ang ihahatid ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda para sa kanyang fans sa nalalapit na paglabas ng self-titled album niya sa kanyang bagong recording label na Star Records. 

Hindi pa man naire-release ang bagong album ni Vice ay nanguna na agad sa Philippine online musical portal na MyMusicStore.com.ph ang kanyang carrier single na 'Karakaraka' kung saan kasama niya ang Pinoy rapper na si Smugglaz. 

Tulad ng kanyang debut album sa Star Records, kaabang-abang din ang fun-filled music video ng 'Karakaraka' kung saan kasama ni Vice ang ilan sa pinakamalalapit niyang kaibigan sa showbiz tulad nina Kiefer Ravena, Eric Tai, Andrew Wolff, Chris Ervingham, at sina Jeron at Jeric Teng. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Raffy Francisco.

Bukod sa 'Karakaraka,' kukumpleto sa self-titled album ni Vice ang mga awitin na 'Manhid Ka;' 'Hindi Siya Kundi Ako;' 'Dahil Mahal Na Mahal Kita;' at ang 'Akin Ka Na Lang' kung saan kasama niya ang miyembro ng grupong 5th Wave Theory na si Migo Senires. 

Bahagi rin ng album ang lahat ng minus one ng mga kanta; ang Brian Cua Trap Style/ Dubstep/ Dutch Remix ng carrier single ni Vice; at ang isa pang bersyon ng kanyang mga awit na 'Karakaraka' at 'Akin Ka Na Lang.' 

Abangan ang paglabas ng self-titled album ni Vice Ganda sa record bars sa buong bansa sa Abril 30 sa halagang P199 lamang. Maaari nang ma-download ang 'Karakaraka' sa www.mymusicstore.com.ph at iTunes. 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records nawww.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.

Saturday, April 20, 2013

Magician Michael Fernando - Pilipinas Got Talent 4 Quarterfinals (Video)

 

 Masked Magician Michael Fernando impressed judges Kris Aquino and Ai Ai delas Alas after incorporating levitation and teleportation in his magic act during the quarterfinals of "Pilipinas Got Talent."

   

 Don't be the last to know on the latest news and hottest topics. Follow us on Twitter.

Symmetry - Pilipinas Got Talent 4 Quarter Finals (Video)


Five pairs of twins impressed the judges of "Pilipinas Got Talent" on Saturday night after they performed a dance routine with a unique twist: the illusion of reflections.

 
Don't be the last to know on the latest news and hottest topics. Follow us on Twitter.

Viral Video: Top 10 Cute Boys Doing the 'Giyomi'


A certain ShaiyaDenz made this video compilation featuring the Top 10 cutest boys from across Asia doing Korea's next global hit after the Gangnam Style, the "Giyomi." Taiwan, Indonesia, Thailand, Korea and the Philippines are represented.


Don't be the last to know on the latest news and hottest topics. Follow us on Twitter.

Friday, April 19, 2013

‘BANGIS’ NINA KC, KIM AT DANIEL, ILALABAS SA “ASAP 18”

Mababangis at mapapangahas na production numbers ang masasaksihan sa "ASAP 18" ngayong Linggo (Abril 21) sa back-to-back-to-back birthday celebrations ng tatlo sa pinaka-iniidolong artista ngayon na sina KC Concepcion, Kim Chiu, at Daniel Padilla.

Bukod sa espesyal na regalo nina KC, Kim, at Daniel, world-class beauty at talent naman ang ibibida sa "ASAP 18" centerstage sa ultimate rock concert experience na ihahatid ng Journey frontman at Pinoy Pride na si Arnel Pineda; sa nakamamanghang performances ng "Pilipinas Got Talent 4" finalists na si Eumee Lyn Capile at The Miss Tres; at sa nakahuhumaling na production number ng Bb. Pilipinas winners na sina Pia Wurtzbach, Mutya Datul, Joanna Miranda, Bea Rose Santiago, at ang Bb. Pilipinas Universe 2013 na si Ariella Arida. 

Hindi rin pahuhuli sa pasiklaban ng talento ng ASAP Kanto Boys Jr. na sina Bugoy Cariño, Izzy Canillo, Joshen Bernardo, at Zaijian Jaranilla na may inihandang cute na cute na sorpresa. 

Samantala, abangan ang explosive Latin dance ng dance royalties na sina Maja Salvador at Shaina Magdayao sa 'supah hot clash dance' na 'MASH;' na susundan ng makapigil-hiningang Supahdance showcase nina Gerald Anderson, Enchong Dee, Erich Gonzales, Rayver Cruz, Empress, Iya Villania, at Iza Calzado. 

Non-stop na galing naman ang matutunghayan sa concert stage sa makatindig-balahibong musical performances na ihahandog nina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Vina Morales, Erik Santos, Jed Madela, Yeng Constantino, Nikki Gil, Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, ASAP Sessionistas, at Piolo Pascual. 

Makisaya, makisayaw, at maki-party sa 2012 PMPC Best Musical Variety Show na "ASAP 18," 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sahttp://asap.abs-cbn.com/, i-'like'ang http://facebook.com/asapofficial, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter at makibalita sa latest happenings sa "ASAP 18" sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #ASAPRawr.

UNANG INDIE FILM NI CESAR, MAPAPANOOD SA CINEMA ONE NGAYONG LINGGO

Tunghayan ang pinakaunang indie film ng batikang aktor na si Cesar Montano tungkol sa lalaking si Mark na haharapin ang paghihiganti ng akala niya'y yumao nang asawa sa espesyal na screening ng indie thriller-drama na "Biktima" ngayong Linggo (Abril 21) sa Cinema One.

 

Kasama ni Cesar si Angel Aquino na gaganap bilang Alice, ang asawa ni Mark at isang reporter na pinaniniwalaang namatay matapos inambush ng mga rebelde.

 

Sa kabila ng kanyang pagkawala, patuloy ang buhay ni Mark at piniling magmahal muli sa katauhan ni Sandra (Mercedes Cabral). Ngunit matapos ng anim na buwan ng kanilang pagsasama, natagpuang buhay pala si Alice ngunit mayroon itong partial amnesia kung saan ang tanging naaalala na lang niya ay ang mga pangyayari bago ang ambush.

 

Hindi pa rin hiniwalayan ni Mark ang kanyang kabit na si Sandra kahit pa unti-unti nang bumabalik ang alaala ni Alice ng nangyari sa kanya. Unti-unti ring nagbabago si Alice at madalas na nagiging bayolente, lalo na nang mahuli niyang pinagtataksilan siya ng asawa.

 

Huwag palampasin ang "Biktima" ngayong Linggo (Abril 21), 8:00p.m. sa numero unong cable channel sa Pilipinas, ang Cinema One. Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang @cinema_one sa Twitter and at i-like angwww.facebook.com/Cinema1channel.

Balut Radio exceeds 10,000 listening hours in span of two weeks

A mere two weeks after its live open Beta launch, Balut Radio (www.balutradio.com) already made quite a splash among Pinoy netizens—having registered nearly 1,500 listeners and logged over 10,000 online listening hours. With these milestones, the music streaming site is quickly establishing itself as the new digital home of Original Pilipino Music (OPM). 

Balut Radio is the first site of its kind in the Philippines, being dedicated to streaming OPM at all times. The site allows users to control the music they listen to, as well as what they are able to share over social media. With Balut Radio, Pinoys can finally enjoy free streaming of some of the country's best music. 

Ultimately, Balut Radio provides Pinoy netizens the opportunity to re-discover the best of OPM across its different sub-genres. With the site's themed songcasts, they can either reminisce with classic chart-toppers or explore what up-and-coming talents are contributing to the country's already-rich music industry. Balut Radio takes music streaming up a notch with a dedicated news and information channel so that Pinoys remain in-the-know. 

Through Balut Radio, TV5 extends its online and digital offerings which include online news portal InterAksyon.com, digital go-to girl Kristin.com, and the PBAonAKTV app available for Android. The Kapatid Network is optimistic that through its digital innovations, more Filipinos will continue to embrace the digital lifestyle with the increasing demand for on-the-go information and services. 

According to Project Head Martin Andanar, the site reflects the Filipino's distinct musical tastes. "Balut Radio will cater to the different moods and music preferences of Filipinos all over the country as the site grows," he said. "We are also considered how Pinoys behave online in putting the site together. With Balut Radio, listeners are able to go beyond social media sharing—they can recommend and dedicate songs to their loved ones," he added. 

Further to the list of services on Balut Radio is the site's level of personalization. Balut Radio allows listeners to create their own songcasts based on their mood and for different purposes. The site also adjusts the audio streaming bitrate to the available network bandwidth, providing listeners a smooth, continuous listening experience. 

Andanar and the rest of the Balut Radio team are looking forward to exciting things in the site's future, teasing at an even more extensive music library featuring some of the country's most sought-after artists. He added that Balut Radio could very well be the online breeding grounds for independent OPM artists.

To keep track of updates related to Balut Radio, more information is available on its official Facebook page (www.facebook.com/BalutRadio) and Twitter account (@BalutRadio).

“APOY SA DAGAT,” SINUNOG ANG ‘LIES’ NG SIYETE

Patuloy na lumalagablab sa init ang pagsuporta ng TV viewers sa de-kalibreng primetime drama series ng ABS-CBN na "Apoy Sa Dagat" matapos nitong talunin ang katapat nitong programa sa GMA na "Love and Lies." 

Ayon sa datos ng Kantar Media noong Martes (Abril 16), humataw ng 23.7% national TV ratings ang "Apoy Sa Dagat" o mahigit sampung puntos na kalamangan kumpara sa nakuha ng katapat nitong teleserye na 13.5%. 

Samantala, bilang pasasalamat sa walang-sawang pagsuporta ng mga manunuod, isang grand fans day naman ang ihahandog ng "Apoy Sa Dagat" leadstars na sina Angelica Panganiban, Diether Ocampo, at Piolo Pascual ngayong Linggo (Abril 21), 5pm, sa SM North Skydome. 

Kasabay ng grand fans' day, ilulunsad din sa Linggo ang official soundtrack ng "Apoy Sa Dagat" kasama ang bagong singing sensation at 2013 Himig Handog P-Pop Love Songs finalist na si Marion Aunor. 

Huwag palampasin ang mas umiinit na kwento ng "Apoy Sa Dagat," gabi-gabi, 9pm, pagkatapos ng "Ina Kapatid Anak" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates at feeback kaugnay ng programa, i-'like' ang official Facebook fanpage ng "Apoy Sa Dagat" sa http://facebook.com/apoysadagat2013at sundan ang @Apoysadagat_TV sa Twitter.

Thursday, April 18, 2013

PINAKAMALAKING ASIAN ARTISTS, MAGTATAMBAL SA PRIMETIME KOREAN DRAMA NA “MISSING YOU”

Magtatambal sa unang pagkakataon ang dalawa sa pinakasikat na Asian artists ngayon na sina Park Yoo-Chun at Yoon Eun-Hye sa pinakainaabangang hit Korean drama ng 2012 na "Missing You," simula Lunes (Apr 22) sa ABS-CBN.

Sasabak si Yoo-Chun, na minahal ng mga Pinoy bilang si Lee Sun-Joon ng "Secret Love: Sungkyunkwan Scandal" at at Prince Lee Gak ng "Rooftop Prince," sa kanyang pinakamalaking hamon sa kanya bilang aktor sa kanyang pagganap bilang si Detective Julius Han sa dekalibreng melodrama na nagpapanalo sa kanya bilang Excellent Actor in a Mini-Series sa 2012 MBC Drama Awards. Isa rin siya sa piling Korean actors na gumawa ng dalawang serye sa loob ng isang taon at nakagawa ng TV projects sa tatlong magkakaibang Korean TV networks.

Si Eun-Hye naman ay nagbabalik sa Philippine TV matapos siyang huling mapanood ng mga Pinoy bilang si Janelle ng "Princess Hours" at Hannah ng "My Fair Lady." Isang premyadong aktres at fashion icon sa Korea, si Eun-Hye ay pinarangalan pa lang bilang Hallyu Star of the Year sa 2012 MBC Drama Awards para sa kanyang pagganap bilang Joy Lee sa "Missing You." Kinikilala siya ngayon bilang isa sa pinakamahalagang personalidad sa Korea at isa rin sa pinakamataas ang bayad bagamat nasa edad 30 pababa pa lang siya.

Kaya naman ganoon na lang ang pananabik ng Koreanovela fans sa bansa sa espesyal na handog na ito ng ABS-CBN ngayong summer.

Panoorin sa "Missing You" ang kuwento ng isang lalaking kailanman ay hindi isinuko ang pag-ibig para sa babaeng pinakamamahal niya.

Kinse anyos pa lang sina Julius at Joy ng mahanap nila ang pag-ibig sa isa't isa. Sa hindi inaasahang pangyayari ay susubukin sila ng tadhana ng pareho silang makidnap ng mga armadong kalalakihan.

Papalaring makatakas si Julius mula sa pagkakabihag at hihingi ng tulong. Ngunit iba ang naging dating nito kay Joy dahil para sa kanya ay inabandona siya ni Julius at mas pinili ang sarili niyang kaligtasan.

Nang binalikan siya ni Julius ay hindi na siya matagpuan at idineklara ng patay ng mga awtoridad. Lingid sa kaalaman ni Julius na isang kaibigan pala ang sumaklolo kay Joy at iniligtas siya sa bingit ng kamatayan.

Matapos ang 14 taon, isa ng homicide detective si Julius at hindi pa rin isinusuko ang pag-asang makita muli si Joy. Si Joy naman, sa kabilang dako, ay bumalik na sa Korea bilang si Zoe, isang fashion designer, kasama si Harry (Yoo Seung-Ho), ang lalaking tumulong at kumupkop sa kanya.

Sa muling pag-krus ng kanilang mga landa, muling mapupukaw ang kanilang mga damdamin. Nararamdaman ni Julius sa kanyang puso na si Zoe ang babaeng kanyang minahal noon at matagal ng hinahanap. Ngunit ikukubli naman ni Joy ang katotohanan mula sa dating minamahal para maghiganti sa pinaniniwalaan niyang pag-abandona sa kanya ni Julius sa gitna ng panganib.

Hanggang kailan lalaban si Julius para patunayang sina Zoe at Joy ay iisa? Ano ang mangyayari kapag nalaman ni Joy ang tunay na kwento sa biglang pag-iwan sa kanya ni Julius? Muli kaya nilang bigyan ng pagkakataon ang naudlot nilang pagmamahalan?

Huwag palalampasin ang pag-uumpisa ng "Missing You" ngayong Lunes (Apr 22) pagkatapos ng "Apoy sa Dagat" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-like ang https://www.facebook.com/abscbnkapamilyanovelas sa Facebook at i-follow ang @KapamilyaNovela sa Twitter.

Robin Dude continues his adventure in this week’s Istorifik: Pidol’s Kuwentong Fantastik

Robin Dude is out to save the day as his adventures continue every Sunday on Istorifik: Pidol's Kuwentong Fanstatik. Artista Academy alumni Akihiro Blanco and Chanel Morales are showcased in their first major show after the artista reality search.

Akihiro plays Hiro, a young man who grew up in the slums. Whenever danger beckons, he wields a magic bow and arrow that turn him to the masked hero, Robin Dude. Hiro's alter ego battles the evil forces led by the witch Mortianna (played by Bing Loyzaga). She wants to get a hold of Robin Dude's weapons to help her attain everlasting youth and beauty.

Playing the apple of Hiro's eye is Chanel in the role of Marian, a young student who is part of an immersion group in Hiro's community. Despite Hiro's proclamations of affection, Marian ironically only has eyes for his alter ego, Robin Dude.

Mortianna's patience is wearing thin with the hooded hero, especially since she is up against the clock in her mission. Robin Dude has already vanquished two of her evil minions – a werewolf and a vampire in the past two episodes of Istorifik. More evildoers are waiting to be unleashed, as Robin will try to escape the charms of a snake lady and ultimately battle Mortianna herself.

Find out in the next two Sundays if good triumphs over evil. Istorifik: Pidol's Kuwentong Fanstatik airs at 6:30pm on TV5.

"IT TAKES A MAN AND A WOMAN" SECOND HIGHEST-GROSSING PINOY FILM OF ALL-TIME NA!

Opisyal nang tinanghal ang "It Takes a Man and a Woman" na pinagbibidahan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz bilang pangalawa sa record ng highest-grossing Filipino film of all time matapos nitong kumita ng P345 milyon sa loob ng halos tatlong linggo lamang sa mga sinehan sa buong bansa. Ito na rin ang no.1 sa listahan ng mga may pinakamalaking kinita na non-Metro Manila Film Festival (MMFF) local movies. 

Nilampasan ng third installment ng hit romantic-comedy film series na idinerek ni Cathy Garcia-Molina ang box-office record ng comedy flick na pinagbidahan ni Vice Ganda na "The Unkabogable Praybeyt Benjamin" na kumita ng P331 milyon nang ipalabas ito noong 2011. Ang "It Takes a Man and a Woman" ay pumapangalawa na sa total box-office earnings kasunod ng 2012 MMFF entry na "Sisterakas" na pinagbidahan ng comedy trio nina Vice Ganda, Kris Aquino at AiAi delas Alas, na humataw ng P391. Ang lahat ng tatlong top-grossers-- "Sisterakas," "The Unkabogable Praybeyt Benjamin," at "It Takes a Man and a Woman"--ay co-productions ng Star Cinema at Viva Films.

Samantala, buong pagmamalaking ibinahagi kamakailan ng screenwriter ng "It Takes a Man and a Woman" na si Carmi Raymundo na ang pinakapinag-uusapang wedding vows nina Laida at Miggy na nagpaluha ng libo-libong manonood sa mga sinehan ay personal mismong sinulat nina Sarah and John Lloyd.

"Kinausap namin ni Direk Cathy sina Sarah at Lloydie dahil gusto namin talaga na sila ang magsulat ng wedding vows nina Laida at Miggy. Gusto ko din kasi marinig from them kung ano sa tingin nila yung learnings ng characters nila," paliwanag ni Carmi na siya ring headwriter ng unang dalawang installments ng series na "A Very Special Love" at "You Changed My Life." "Pareho silang kinabahan kung kaya ba nila magsulat, pero pareho rin silang sobrang excited. When they showed me what they wrote, I knew right away that they wrote from the hearts of their characters. They were so sincere, ang ganda!" 

Ibinahagi pa ni Carmi na sa ganda ng pagkakasulat nina Sarah at John Lloyd ng wedding vows, halos hindi na niya ito ginalaw. "Konti na lang ang inayos ko. Their vows made the ending of Laida and Miggy's love story a thousand times more special because they spoke their own words. As a writer, yun na ang gift ko sa kanila: to let them speak their own words. In the end, parang naging buhay na talaga sila Miggy at Laida," pahayag ni Carmi. 

Huwag palampasin ang pinaka-memorable na onscreen reunion nina Laida at Miggy sa "It Takes A Man And A Woman," palabas pa rin sa mga sinehan nationwide.

 

ALEX GONZAGA, NAGBABALIK –KAPAMILYA

Nagbabalik-Kapamilya ang actress-host na si Alex Gonzaga matapos itong pormal na pumirma ng two-year contract kamakailan sa ABS-CBN. Unang sasabak si Alex sa inaabangang singing competition na "The Voice of the Philippines" kung saan sasamahan niya si Robi Domingo bilang social media correspondent. Magbabalik-komedya din si Alex sa kanyang pagsama sa kwelang barkada ng "Banana Nite" at balik-drama din sa kanyang pagpasok sa isang teleserye. "Itong mga proyektong hinanda ng ABS-CBN para sa akin ay mga bagay na gustong gusto ko talagang gawin. May hosting, comedy at drama kaya naman wala na akong mahihiling pa," sabi ni Alex na nagsimulang mag-artista sa ABS-CBN noong 2006 bilang cast ng youth-oriented sitcom na "Let's Go." Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN president at CEO Charo Santos-Concio, ABS-CBN broadcast head Cory Vidanes, Star Magic consultant Johny Manahan at talent manager na si Pinty Gonzaga.

MARICEL LAXA-PANGILINAN, BAGONG KAAGAPAY NG PAMILYANG PILIPINO SA “KAPAMILYA KONEK” NG DZMM

Sasabak sa radyo ang celebrity mom at parenting advocate na si Maricel Laxa-Pangilinan upang pagbuklurin ang bawat pamilyang Pilipino at gabayan sila sa kanilang mga problema sa pinakabagong programa ng DZMM na "Kapamilya Konek" na magsisimula na ngayong Linggo (Abril 21), 5 PM.

Nagbabalik-Kapamilya si Maricel upang maghatid ng serbisyo publiko at makabuluhang talakayan linggu-linggo na aniya'y isang pambihirang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng DZMM.

"Tinanggap ko ang programa dahil malapit ito sa ginagawa ko at gusto kong maipalaganap ang advocacy ko sa pamamagitan ng radyo. Mas maraming tao rin ang maaabot nito," aniya.

Kilala si Maricel bilang isang hands-on mom sa kanyang limang anak at nakapaglathala na rin ng tatlong children's books. Nagtapos siya ng Master's Degree sa Family and Life Development mula sa UP Diliman at aktibo sa mga usapin ukol sa kalusugan, tamang nutrisyon, at edukasyon.

Sa "Payong Kapamilya" segment ng programa, tatalakayin ang mga suliranin sa tahanan kasama ang isang live guest na siya namang idudulog sa mga expert para sa payong propesyunal.

Magsisilbi namang tulay ang segment na "Konek sa Korek" para sa mga tagapakinig at manonood na may katanungan at nangangailangan ng gabay mula sa iba't ibang organisasyon, pati na mga pribado at pampublikong ahensiya.

Samantala, pagtatagpuin sa "Kapamilya Konek" ang magkakapamilyang pinaghiwalay ng kahirapan, trabaho, o tadhana sa loob o labas man ng bansa sa pamamagitan ng libreng kamustahan on-air o libreng pamasahe para sa kanila.

Tampok din sa programa ang guro na si Tina Zamora para himayin ang mga isyu sa eskwela ng mga bata, at ang "Family Friendly Ito!" segment kung saan magbibigay ng mga suhestiyon para sa abot-kaya, ligtas, at nakakalibang na bonding activities para sa buong mag-anak.

Dagdag pa ni Maricel, isa ring award-winning actress, na malaking responsibilidad para sa kanya at ng asawa niyang si Anthony Pangilinan na ituring na huwaran ng marami ang kanilang pamilya.

"Isa itong malaking karangalan pero pressure din para sa amin. Hindi kami perfect pero sineseryoso namin ang pagpapalaki sa aming mga anak. Madami kaming gustong ibahagi, pero ang pinakamalapit sa aming puso ay ang turuan ang mga bata na mahalin ang kanilang mga magulang at ituring silang role models," dagdag ni Maricel.

Huwag palampasin ang "Kapamilya Konek" kasama si Maricel-Laxa Pangilinan tuwing Linggo, 5 PM sa DZMM Radyo Patrol 630, DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), at dzmm.com.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/kapamilyakonek o sundan ang @konekkadyan sa Twitter.

GMA International lands two nominations in NAMIC Vision Awards

GMA International - the business unit that manages the operations and distribution of GMA Network's international channels GMA Pinoy TV, GMA Life TV and GMA News TV International - bagged two nominations in the 2013 NAMIC Vision Awardsalongside some of the biggest names in the US television industry. 

GMA Pinoy TV's long-running immigration program Pusong Pinoy Sa Amerika (Into the Hearts of Filipinos in America) was nominated in the Foreign Language category while the 30-minute cooking show Kusina Master, which is seen worldwide via GMA Life TV, earned a nomination in the Lifestyle category.

Hosted by immigration lawyer Atty. Lou Tancinco, Pusong Pinoy Sa Amerika is now on its 8th season of informing the Filipino-American community on immigration law. This time around, the show tackles immigrant issues and stories that are affected by new immigration policies. To unravel the complexities of the immigration system, the show is bringing its audience back to the basics with its episodes exclusively focused on the most common questions and challenges that people face in the immigration system.

Meanwhile, Chef Boy Logro's Kusina Master has become a popular source of entertainment and recipes among Filipinos abroad ever since it started airing on GMA Life TV, the first and only Filipino lifestyle channel abroad, in March 2012.With each episode, Filipino Americans are introduced to new and exciting dishes that remind them of the exceptional flavor and qualities of Pinoy cooking. 

"We welcome these nominations from NAMIC and are grateful for their continuous appreciation for our programs," said GMA Vice President and Head of International Operations Joseph T. Francia.

This is the second time that GMA International was nominated in the NAMIC Vision Awards. The first time was for multi-awarded broadcaster Mike Enriquez's Review Philippines, which aired on GMA Pinoy TV in 2007. 

The NAMIC Vision Awards is described in the NAMIC website as "one of the few national competitions that salutes original television or digital content that reflects the depth and breadth of experience, and contributions of people of color." It is founded in 1994 by NAMIC Southern California and is presented this year by the NAMIC National office in partnership with NAMIC-Southern California. 

The announcement of the NAMIC Vision Awards nominees was held during New Bay Media's Multiethnic TV Summit and Leadership Awards on April 17, 2013 at the Hilton New York, while the winners will be awarded in Los Angeles, California in May.

TRAVEL SHOW “BIYAHENG BULILIT” PREEMS ON STUDIO 23

Biyaheng Bulilit is a unique travel magazine show that features breathtaking scenic spots in the Philippines in the eyes of two adults and an inquisitive Filipino child who is eager to learn about her motherland.

Biyaheng Bulilit features Cha-Cha Canete (aka Bulilit), the funny Yachang and the soft-hearted Tatay Nishii, who will tour the eight-year old kid in various child-friendly tourist attractions here in the Philippines.

"Essentially, Biyaheng Bulilit is an entertaining vehicle where kids can learn about Philippine tourism and culture which include tourist attractions, historical landmarks, traditions, practices and the like," said Tofie Runas, managing director of Batcave Productions.

Watch the season premiere of "Biyaheng Bulilit" on Saturday (April 20), at 10 am on Studio 23.

Wednesday, April 17, 2013

ABS-CBN STATEMENT ON KRIS AQUINO'S RESIGNATION

Ang pamunuan ng ABS-CBN at si Kris Aquino ay nagkaroon ng magkakasunod na meetings para pag-usapan ang kanyang intensyong mag-resign.
 
Nauunawaan ng ABS-CBN ang kagustuhan ni Kris na maging isang mabuting ina sa kanyang mga anak na sina Bimby at Josh. Ngunit sa kabilang banda ay pinahahalagahan din ng network si Kris bilang isang iconic talent at respetadong media personality sa bansa. Kinikilala naman ng ABS-CBN at ni Kris  ang responsibilidad niya sa publiko, sa kanyang mga katrabaho, at sa mga advertiser.
 
Kaya matapos ang masusing pag-uusap, sumang-ayon si Kris na pansamantala na munang mag-leave upang magkaroon siya ng panahon sa kanyang anak na si Bimby ngayong Hunyo habang ito'y nakabakasyon sa  eskwela, at para madala na rin niya si Josh sa ibang bansa upang maisulong ang kanyang developmental progress.
 
Pagkatapos ng kanyang leave haharaping muli ni Kris ang mga responsibilidad niya sa ating mga kapamilyang patuloy na tumatangkilik at sumusuporta sa kanya, at tutuparin ang kanyang contractual commitments sa ABS-CBN ng hindi naapektuhan ang kanyang mahalagang tungkulin bilang isang ina.
 
- Bong R. Osorio
  Head, ABS-CBN Integrated Corporate Communication

ZAIJIAN JARANILLA, MAGPAPALUHA SA “MMK” NGAYONG SABADO

Muling pabibilibin ng Kapamilya child wonder na si Zaijian Jaranilla ang TV viewers ngayong Sabado (Abril 20) sa kanyang natatanging pagganap sa upcoming episode ng "Maaala Mo Kaya." Bibigyang buhay ni Zaijian sa episode ang karakter ni Brian, isang bata na maagang namulat sa kahirapan. Sa murang edad, si Brian ang kumakayod para sa pagkain ng kanyang pamilya at nagsisilbing mga mata, kamay, at paa ng kanyang ina na malapit nang mabulag. Sa dami ng problema na kanilang kinakaharap, paano pa nga ba makababangon ang pamilya ni Brian sa pagdating ng isang trahedya na magbabago ng kanilang buhay? Bukod kay Zaijian, tampok din sa "MMK" sina Epi Quizon, Precious Lara Quigaman, Paul Salas, Maggie dela Riva, Miguelito de Guzman, at Marnie Lapus. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Agatha Lee Ruadap, panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos, at direksyon ni Raz de la Torre. Huwag palampasin ang isa namang de-kalibreng family drama episode ng "MMK" ngayong Sabado, pagkatapos ng "Wansapanataym," sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sawww.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" angwww.facebook.com/MMKOfficial.

SENATORIAL CANDIDATES, MAGTATAPATAN SA “HARAPAN 2013: THE SENATORIAL DEBATE”

Magtutunggali ang mga senatorial candidate upang gisahin ang mga plano at pananaw ng isa't isa at sagutin ang mga pinakamahahalagang isyu sa bansa sa "Harapan 2013: The Senatorial Debate" ng ABS-CBN ngayong Abril 21 at 28, live mula sa La Consolacion College sa Maynila kasama ang anchor na si Ted Failon.

Maghaharap-harap ang mga kandidato, kasama sina Samson Alcantara, Bam Aquino, Rep. Sonny Angara, Greco Belgica, Rep. Teddy Casino, Tingting Cojuangco, Rizalito David, JC Delos Reyes, JV Ejercito Estrada, Baldomero Falcone, Richard Gordon, Mayor Edward Hagedorn, Sen. Gringo Honasan, Risa Hontiveros, Marwil Llasos, Jamby Madrigal, Sen. Koko Pimentel, Ernesto Maceda, Jun Magsasay, Rep. Mitos Magsaysay, Ramon Montano, Ricardo Penson, Grace Poe-Llamanzares, Christian Seneres, Bro. Eddie Villanueva, and Miguel Zubiri upang magpalitan ng opinyon sa mga suliranin sa kalusugan, kahirapan, trabaho, krimen, batas at kaayusan, sakuna, at iba pa.

Bukod sa face-off ng "Harapan 2013" na pagtatapatin ang mga kandidato sa isa't isa, masusubukan din ang kakayahan ng bawat kandidato sa mga tanong na manggagaling sa panelists na binubuo nina Lynda Jumilla, Tony Velasquez at ang political analyst na si Prof. Prospero de Vera mula sa UP Diliman, mga kinatawan ng iba't ibang sektor ng lipunan, netizens sa social media, mga ordinaryong mamamayan, at mga estudyante sa live audience na siyang pupulsuhan ni Doris Bigornia.

Ang "HARAPAN 2013" ay bahagi ng "Halalan 2013," ang election coverage ng ABS-CBN na naglalayong mapalawak ang kaalaman ng mga Pilipino bago ang paparating na botohan sa Mayo. Nakaangkla sa "Halalan 2013" ang buong puwersa ng Bayan Patrollers ng "Bayan Mo, iPatrol Mo," ang mga mala-teleseryeng dokumentaryong sa "KampanyaSerye," at mga election forum.

Layunin ng "Halalan 2013" na tulungan at bigyan ng sapat na kaalaman ang mga Pilipino nang makapamili sila ng mga karapat-dapat na lider upang makamit ang pagbabagong nais nilang mangyari sa bansa.

Panoorin ang "Harapan 2013: The Senatorial Debate" sa Abril 21 at 28 sa ABS-CBN Sunday's Best na kasabay ring mapapanood sa Studio 23, ANC (SkyCable Channel 27), at sa livestreaming sa  www.ABS-CBNNews.com. Para sa mga komento, tanong, at saloobin habang tumatakbo ang debate, gamitin ang hashtag na #HARAPAN2013 sa Twitter.

Tuesday, April 16, 2013

KUWENTO NG ‘BATANG BUHAWI’ TAMPOK SA “WANSAPANATAYM”

Aral tungkol sa tunay na kahulugan ng pagtulong ang ibabaghagi ng award-winning fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na "Wansapanataym" ngayong Sabado (Abril 20) sa episode na pinamagatang 'Batang Buhawi.' Sa kwento, gagampanan ng Kapamilya child star na si Maliksi Morales ang karakter ni Badong, isang batang gustong maging isang superhero. Nang matuklasan na may superpowers ng isang buhawi ang kapa ng kanyang kaibigan, kukunin ito ni Badong at gagamitin upang tumulong sa mga tao para sa pera. Mapagtanto kaya ni Badong ang halaga ng kanyang responsibilidad at ang tunay na ibig sabihin ng pagtulong sa kapwa kapag nailagay niya sa peligro ang lahat ng tao sa kanilang bayan? Makakasama ni Maliksi sa 'Batang Buhawi' episode sila Benjie Paras, K Brosas, at Angelo Garcia. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Michelle Cruz at sa direksyon ni Tots Sanchez-Mariscal. Huwag palampasin ang storybook ng batang Pinoy, "Wansapanataym" tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng "Kapamilya: Deal or No Deal" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lang sa www.abs-cbn.com o sundan ang@abscbndotcom sa Twitter.

MAN OF STEEL - MAIN TRAILER

 

 Warner Bros. Pictures and Legendary Pictures have just released the main trailer of Zack Snyder’s upcoming action adventure “Man of Steel” starring Henry Cavill as Clark Kent/Kal-El.

 Watch the trailer here:

 
Don't be the last to know on the latest news and hottest topics. Follow us on Twitter.

ZILENT OVERLOAD AT EUMEE LYN CAPILE, GANAP NG SEMI-FINALISTS SA PGT

Isa na namang pasabog na talent showdown ang nagtapos ngayong linggo sa pinakamalaki at pinakaengrandeng talent-reality show na "Pilipinas Got Talent" kung saan ang black light dancers na  Zilent Overload at singer na si Eumee Lyn Capile ang kinilala bilang ikatlo at ikaapat na semi-finalists. Nakuha ng dance group mula Pasig ang 48.65% sa pangkalahatang text at online votes kaya naman sigurado na silang pasok sa semis. Pinaglabanan naman ni Eumee at ng boy crooner na si John Neil Roa ang boto ng judges sa battle for survival round. Sa huli, pinili ng Big Three si Eumee para umabante sa susunod na laban. Sasamahan na ng Zilent Overload at ni Eumee ang dalawa pang naunang semi-finalists na sina Chaeremon Basa at The Mis Tres. Sino kaya ang susunod na papasok sa semis? Maglalaban laban ngayong linggo para sa dalawa sa natitirang walong semi-finalist slots ang comedic magician na si Michael Fernando a.k.a. Mifer; singer na si Randy De Silva; dog trainer na si Florendo "Randy" Macalma; Mp3 Band; wheelchair dancers  na Tahanang Walang Hagdan Wheelchair Dancesport and BMG; at twins dance group na Symmetry. Abangan ang kanilang pagtutunggali sa 3rd quarterfinals performance night sa Sabado (Apr 20), pagkatapos ng "MMK," na susundan ng 3rd quarterfinals results night sa Linggo (Apr 21), pagkatapos ng "Rated K" sa ABS-CBN. I-tweet ang inyong mga opinion gamit ang hashtag na #PGT4.

ZAMBOANGA KINGPIN, KILALANIN SA KAMPANYASERYE

Kilalanin ang tinaguriang Zamboanga Kingpin na si Romeo "Nonong" Jalosjos at kung gaano kaimpluwensyal ang kanyang pamilya pagdating sa pulitika sa buong Zamboanga peninsula ngayong linggo sa panibagong KampanyaSerye na handog ng ABS-CBN News and Current Affairs. Binuksan ni Romeo ang pintuan sa pulitika para sa kanyang pamilya nang siya ay mahalal na kinatawan ng unang distrito ng Zamboanga Del Sur noong 1995. Dito pa lang ay sinusuportahan na siya at ang kanyang kaanak ng mga taga-Zamboanga kaya naman kahit napiit ito noong 2007 sa kasong statutory rape, nanalo ap rin si Romeo Jalosjos sa pagka-congressman. Sa darating na halalan, tatakbo ang kanyang mga kapamilya sa pagka-mayor, gubernador, at kongresista ng Zamboanga Del Norte, Zamboanga Del Sur, at maging Zamboanga Sibugay. Kaya naman ganoon na lang kung akusahan ang mga Jalosjos ng kalaban nito sa pulitika ng diumano'y pagtatayo ng political dynasty. Inakusahan din ng mga ito ang mga Jalosjos ng paggamit daw ng dahas mapanatili lang ang kapangyarihan sa lugar. Ano ang bwelta ng mga Jalosjos sa akusasyong ito? Ang "KampanyaSerye" ay bahagi ng ABS-CBN Halalan 2013 na naglalayong mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan bago bumoto. Isang serye ang bubuksan linggo linggo sa "TV Patrol" kung saan bibigyang diin ang kuwento sa likod ng mga pangako at talumpati ng mga pulitikong nanliligaw sa boto ng sambayanan. Naisisiwalat din dito kung ano ang mga isyung mahalaga sa kanila at kung ano ba talaga ang kakayahan nilang bilang lider. Huwag palalampasin ang panibagong KampanyaSerye, sa ulat ni Abner Mercado, ngayong linggo sa "TV Patrol" na may simulcast sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630. Panoorin ang buong episode nito sa espesyal na Producer's Cut na mapapanood sa ANC tuwing Sabado, 2:30 PM, at tuwing Linggo, 11 AM. Mapapanood din ito online via www.abs-cbnnews.com/KampanyaSerye. I-tweet ang inyong mga opinyon gamit ang hashtag na #KampanyaSerye.

BAGONG CINEMA ONE, MASISILAYAN NGAYONG MIYERKULES

Bilang selebrasyon sa mahigit sampung taon na pangunguna ng Cinema One sa lahat ng cable channel sa bansa, ilulunsad nito ang mas pinaganda at pinakulay nitong anyo ngayong Miyerkules (Abril 17).

Bagama't isang malaking pagbabago ang magaganap sa Cinema One, sinisiguro naman nito na de-kalidad pa rin at mas paghuhusayin pa nito ang mga programang ihahatid sa mga tagasubaybay.

Katunayan,  ginawang mas kapana-panabik ang movie blocks ng Cinema One tulad ng "Monday Drama," na nagtatampok ng mga pelikulang kukurot sa puso ng mga manonood tuwing 9:00 ng gabi; "Tuesday Comedy," na naghahatid ng katatawanan sa bawat tahanan tuwing 9:00 ng gabi; "Wednesday Winners," kung saan bida ang mga pelikulang humakot ng mga parangal sa loob at labas ng bansa tuwing 9:00 ng gabi, "Thursday Horror," na nagbibigay ng mga makapanindig-balahibong pelikula tuwing 9:00 ng gabi; "Star Power Fridays," na nagpapalabas ng mga pelikula ng ilang tampok na artista tuwing 10:00 ng gabi; "Sine Astig" na maghahandog ng mga independent films tuwing Sabado ng gabi mula Mayo; "Romance Central" tuwing Linggo, 6:00 ng gabi; at "Blockbuster Sundays" na nagtatampok ng mga pinakapatok sa takilya tuwing 8:00 ng gabi.

Kasama rin sa makeover ng Cinema One ang bago nitong logo na ginawang mas moderno na sumasalamin sa pagiging numero unong cable channel nito. Limang taon na mula ngayon nang ipinakilala ang kasalukuyang logo ng Cinema One noong 2008 na may disenyong three-dimensional o 3D.

'Wag palampasin ang paglulunsad ng bagong Cinema One ngayong Miyerkules, 7:00 ng umaga. Ang Cinema One ay mapapanood sa SkyCable Gold, SkyCable Silver at sa iba pang cable operators nationwide. Para sa ibang impormasyon at updates, mag-log on lamang sa http://www.facebook.com/Cinema1channel.

‘PAGTUTUOS’ NINA KIM AT MAJA WAGI SA NATIONAL TV RATINGS

Tinutukan ng buong sambayanan ang paglalantad ng pagiging kambal nina Celyn (Kim Chiu) at Margaux (Maja Salvador) sa pinakaaabangang 'Gabi ng Pagtutuos' ng no.1 primetime family drama series ng ABS-CBN na "Ina Kapatid Anak." Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Biyernes (Abril 12) kung kailan humataw ng 36.7% national TV ratings ang nasabing episode kumpara sa dalawa nitong katapat na programa sa GMA na "Indio" na nakakuha ng 19.3% at "Mundo Mo'y Akin" na mayroon namang 16.4% national TV ratings. Samantala, abangan ang patuloy na pagtindi ng tensyon sa "Ina Kapatid Anak" ngayong unti-unti nang binabago ng rebelasyon ang takbo ng buhay ng lahat. Ano nga ba ang gagawin ni Margaux upang mabawi kay Celyn ang mga bagay na pinaniniwalaan niyang inagaw nito? Paano nga ba ipaglalaban ni Teresa (Cherry Pie Picache) ang kanyang karapatan sa kambal na kanyang ipinanganak? Sa pagbubunyag ngkatotohanan, may pag-asa na nga bang magkaayos muli ang magkapatid na Teresa at Beatrice (Janice de Belen), at Celyn at Margaux? Huwag palampasin ang mga makapigil-hiningang eksena sa "Ina Kapatid Anak," gabi-gabi, 8:15 PM, pagkatapos ng "Juan dela Cruz" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.facebook.com/InaKapatidAnak.TV o sundan ang @_InaKapatidAnak sa Twitter.

Monday, April 15, 2013

SARAH AT JOHN LLOYD, NAG-UUMAPAW ANG PASASALAMAT SA BUONG SAMBAYANAN

Tulad ng dami ng tao sa mga sinehan, nag-uumapaw rin ang kaligayahan ng box-office royalties na sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa matinding suporta ng sambayanan sa hit romantic-comedy film nilang "It Takes A Man and A Woman" na kumita agad ng P300 milyon sa loob lamang ng dalawang linggo. Ito ang ikatlong pelikulang Pilipino na umabot ng P300 milyon pagkatapos ng "Sisterakas" at "The Unkabogable Praybeyt Benjamin" na parehong kabilang sa listahan ng highest-grossing Filipino films of all time. 

Ayon kay Sarah, kapwa sila nagpapasalamat ni John Lloyd sa lahat ng mga nagmamahal sa love story nina Laida (Sarah) at Miggy (John Lloyd). "Overflowing 'yung suportang binigay ng tao sa amin," pahayag ni Sarah. "Actually, 'yung umabot kami ng P100 million in less than a week ay sobra-sobra na. Tapos ngayon, na-reach na ng movie 'yung P300 million mark. Wow! Maraming-maraming salamat po talaga." 

Graded 'A' ng Cinema Evaluation Board (CEB), ang "It Takes A Man And A Woman" ay certified box-office hit na mula sa unang araw nito noong March 30 kung kailan tumabo ito ng ₱32.6 million. Higit pang napatunayan ang lakas ng 'Laida-Miggy magic' nang kumita ang pelikulang idinerek ni Cathy Garcia-Molina ng P100 million sa ikaapat na araw pa lamang nito at humataw ng P200 million sa loob lamang ng walong araw. 

Dahil sa pagtabo nito ng P300 milyon, na-break na ng "It Takes A Man And A Woman" ang record ng unang dalawang installments ng itinuturing ng most successful Filipino romantic-comedy movie series. Ang unang Laida-Miggy film na "A Very Special Love" ay kumita ng P179.3 milyon noong 2008. Samantala, ang sequel nitong "You Changed My Life" ay humataw ng P225.2 milyon noong 2009. 

Co-produced ng Star Cinema at Viva Films at sa ilalim ng panulat ni Carmi Raymundo, tampok rin sa "It Takes A Man And A Woman" sina Joross Gamboa, Gio Alvarez, Matet De Leon, Al Tantay, Irma Adlawan, Guji Lorenzana, Rowell Santiago, at Dante Rivero. Introducing sa pelikula ang model-host na si Isabelle Daza. 

Huwag palampasin ang grand onscreen reunion nina Laida at Miggy sa "It Takes A Man And A Woman," palabas pa rin ngayon sa mga sinehan nationwide.

A Balancing Act for Kapuso Star Dingdong Dantes

Bacolod City, Philippines – Juggling the demands of work and school can be very challenging. Especially in the busy world of showbiz, not many artists would still want to pursue their studies when they're already successful in the business.

But for multi-awarded Kapuso actor, host, and producer Dingdong Dantes, who is busy preparing for his upcoming international movie titled "Dance of the Steelbars" and is also currently taking up BS Technology Management in West Negros University (WNU) Bacolod, keeping a balanced career and education requires sacrifice.

"Importante kasi sa akin ang degree kasi I plan to pursue masters… Due to my busy schedule sa work, I only get to travel here in Bacolod to study once a month. Kaya I'm very thankful with my school because they make it easy for me as a working student," said Dingdong.

Just recently, Dingdong was in the city together with fast-rising Kapuso actress Max Collins and versatile singer-actress Julie Anne San Jose for the 20th Panaad Festival Opening. After the annual local dance contest, they staged a mini concert party at the Panaad Park and Stadium last April 8 for all present Kapusong Negrenses who came from the province's various cities and municipalities.

The actor admitted that the province of Negros is really close to his heart because aside from spending some of his free time studying in Bacolod, he revealed that he also has Ilonggo roots. "Malapit po talaga ang province ngNegros sa akin. Especially the Ilonggos because the family of my Mom ay saIloilo galing. That's why I've always considered it as my second home."

Meanwhile last April 12, Indio's Aljur Abrenica and Kakambal ni Eliana's Chynna Ortaleza spiced up the Panaad festivities even more as they graced the Lin-Ay Sang Negros Pageant Night as guest singer and host, respectively. The following day, Tween stars Barbie Forteza and Derrick Monasterio bannered a Kapuso Mall Show in SM City Bacolod.

"Our sincerest thanks to all Kapusong Negrenses who celebrated the Kapuso Panaad Festival activities with us. We dedicate the success of our events to them who have been there all the way. As our way of giving back to their support, we promise to mount more exciting activities and bring more of our brightest Kapuso stars all throughout Negros Occidental in the coming months," said Oliver Amoroso, AVP for GMA Regional TV.

The full details of the Network's participation in the Panaad Festival will be featured in the the weekly travelogue "Let's Fiesta" via the Network's regional stations in Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod, and CDO.

Jose and Wally Concert 2013 - A Party for Juan and All (Full Video)



Watch the full concert of Eat Bulaga's Jose Manalo and Wally Bayola at the SMART Araneta Coliseum with the special participation of Ryzza Mae Dizon.

 

Don't be the last to know on the latest news and hottest topics. Follow us on Twitter.

GRACE POE AT ALCANTARA MAGSASALPUKAN SA “HARAPAN 2013”

Magbabakbakan ang senatorial candidates na sina Grace Poe-Llamanzares at ang abugadong si Samson Alcantara ukol sa kanilang mga plataporma at sa mga isyu ng bayan sa "Harapan 2013" ng ANC bukas (Abril 16) kasama ang batikang mamamahayag na si Lynda Jumilla. Bagama't parehong maituturing na baguhan sa larangan ng pulitika, lamang ni Poe ang suporta mula kay Pnoy at dala-dala pa ang pangalan ng amang si Fernando Poe Jr., habang independent candidate at halos hindi naman kilala ng publiko ang 77 taong gulang na propesor na si Alcantara. Bilang miyembro ng Social Justice Society, isa sa mga ipinaglalaban ni Alcantara ang pantay-pantay na oportunidad at karapatan para sa mga mamamayan. Aniya, gusto rin niyang maging alternatibong kandidato para sa mga botanteng sawa na sa mga political dynasty. Pangungunahan naman daw ni Poe ang pagpupuksa ng kahirapan sa bansa dahil ito aniya ang ipinaglaban ng kanyang ama, ngunit paano naman kaya niya dedepensahan ang sarili sa mga pumupunang sinasamantala niya ang paggamit ng pangalan ni FPJ? Ang "HARAPAN 2013" ay bahagi ng "Halalan 2013," ang election coverage ng ABS-CBN na naglalayong mapalawak ang kaalaman ng mga Pilipino bago bumoto. Kilalanin ang mga senatorial candidate base sa kanilang mga kakayahang baguhin ang kinabukasan ng bayan. Panoorin ang "HARAPAN 2013," 7PM bukas (Apr 16) sa ANC (SkyCable Channel 27). Para sa updates, sundan ang @ANCALERTS sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/ANCalerts.

COCO MARTIN, PAPALIT SA TRONO NI EDDIE GARCIA

Matapos ang malupit na pagkabigo sa pakikipaglaban sa aswang na si Omar (Jason Abalos), nakatakda nang ipagpatuloy ni Juan (Coco Martin) ang kanyang misyon sa no.1 superhero drama series ng ABS-CBN na "Juan dela Cruz." Sa pag-amin ni Julian (Eddie Garcia) ng kanyang tunay na pagkatao kay Juan ay buong-puso na nitong ipinasa sa apo ang mga responsibilidad ng Tagabantay. Paano nga ba makababangon si Juan mula sa pagpapabagsak sa kaniya ng mga aswang na sina Omar at ng inaakala niyang kaibigan na si Kael (Arron Villaflor)? Handa na nga ba siyang panindigan ang mga tungkulin na ipinamana sa kaniya ni Lolo Julian? Sa pagbabalak ni Haring Samuel (Albert Martinez) na gawin siyang isang aswang, matutuklasan na ba ni Juan ang isa pang lihim ng kanyang pagkatao? Huwag palampasin ang kuwento ng paboritong superhero ng mga Pilipino, "Juan dela Cruz," gabi-gabi pagkatapos ng "TV Patrol" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates tungkol sa "Juan dela Cruz," sundan ang @JUANDELACRUZ_TV sa Twitter o i-like ang official Facebook fanpage nito nahttp://www.facebook.com/JuanDelaCruz.TV.

Sunday, April 14, 2013

HORROR COMES ALIVE IN “EVIL DEAD”

            A remote cabin in the woods becomes a blood-soaked chamber of horrors when a group of 20-something friends unwittingly awakens an ancient demon in Columbia Pictures' "Evil Dead," the highly anticipated reboot of Sam Raimi's 1981 cult-hit horror film "The Evil Dead."

            Featuring a fresh young cast, "Evil Dead" is a bone-chilling film that combines all the raw excitement and gleeful gore of the acclaimed original with a series of shocking new twists.

            Mia (Jane Levy), a young woman whose life has been marred by loss and addiction, asks her brother David (Shiloh Fernandez), his girlfriend Natalie (Elizabeth Blackmore) and their childhood friends Olivia (Jessica Lucas) and Eric (Lou Taylor Pucci) to join her at the family's rustic cabin to help her overcome her demons. Once there, she ceremoniously destroys the last of her stash and swears off drugs for good in front of her friends.

            Inside, they are shocked to discover that the abandoned cabin has been broken into. The cellar has been transformed into a grotesque altar surrounded by dozens of mummified animals. Eric becomes fascinated with an ancient book he discovers there. In thrall to its mysterious contents, he reads aloud from it, never suspecting the terrifying consequences he is about to unleash.

            As Mia's withdrawals worsen, she begins to unravel and attempts to flee, but is turned back by a frightening vision. At the cabin, her behavior becomes so violent that her friends are forced to restrain her. Trapped by a dangerous storm raging outside, they begin to turn on each other one by one. As the brutality of their attacks increases, David is faced with an unimaginable choice.

            Fede Alvarez makes his feature film-directing debut with a screenplay written by Alvarez, and Rodo Sayagues. Producers are Rob Tapert ("30 Days of Night"), Sam Raimi ("Spider-Man" franchise), and Bruce Campbell (who starred in and co-produced the first film).

            Alvarez says his primary goal was always to create the scariest movie possible. "The movie that I pitched was for me the movie that I saw when I was twelve and saw `The Evil Dead' for the first time. It didn't look like anything I had seen before and it was set in such a crazy universe. That was the tone I wanted to recreate and that's the idea that we all agreed upon, right away.

            "We were committed to one thing: making sure that we kept everything that is necessary and timeless about the original and updated the rest," Alvarez says. "We kept the idea of a group of best friends in what is meant to be a safe place. Once there, they try to kill each other. For me, that is a very scary feeling, worse than strangers menacing you in a zombie movie. Your best friends are turning against you one by one. The walls are closing in. That is part of the magic of the originals. It has always stayed with me."

            Raimi guarantees there will also be a lot of surprises in the new film "It's got a whole new storyline," he says. "The situation's similar, but the ways in which the kids are possessed and their interactions are all different. It delivers great new visuals and scares for the audience."

            Campbell describes the new film with one simple word. "Relentless. Fede has done everything he could story-wise to slowly suck you into a vortex that you just can't get out of. It grips you and it doesn't let you go.

            "This isn't a jokey little horror movie," he warns. "This is a full-on, strap-yourself-in sort of ride. It gets more and more outrageous as it goes. It's high-octane fun. And kids: if you find a book in a cabin in the woods, just turn around and drive away."

            Adds Raimi, "It's the ultimate experience in grueling terror. And I dare you to see it."

            (Rated R-18 Without Cuts by the MTRCB, "Evil Dead" will be shown soon exclusively at Ayala Malls Cinemas nationwide.)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...