Friday, November 29, 2013

“PAGPAG, SIYAM NA BUHAY” – PINANGUNGUNAHAN NG STAR-STUDDED CAST

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo nito, muling magsasama
ang Star Cinema at ang Regal Films sa darating na holiday season.
Pinagsama ng dalawang higanteng film companies ang hottest young stars
sa bansa ngayon sa Pagpag, Siyam Na Buhay – ang pinaka-malaki at
pinaka-nakakatakot na pelikula ng taon.

Ang Pagpag ang kaisa-isang horror movie na lalahok sa pinakahihintay
na 39th Metro Manila Film Festival na magaganap ngayong Disyembre.
Pinagbibidahan ang pelikulang ito nina Daniel Padilla, Kathryn
Bernardo, Paolo Avelino, Shaina Magdayao at Clarence Delgado kasama
sina Matet De Leon, Dominic Roque, Miles Ocampo, CJ Navato, Michelle
Vito, Janus Del Prado, at Marvin Yap.

Sa direksyon ni Frasco Santos Mortiz at panulat ni Joel Mercado, hango
ang Pagpag sa pamahiin na hindi dapat dumiretso sa bahay matapos
makiramay at bumisita sa isang burol dahil maaring sumunod ang malas
at masasamang espiritu.

Ang subtitle ng pelikula, ang Siyam Na Buhay ay kumakatawan sa 9 na
pamahiin na kunektado sa kamatayan at mga burol na siyang
pinapaniwalaan at sinusunod ng madaming Pilipino hanggang sa mga araw
na ito. May kasabihan na maaaring humantong sa labis na kamalasan ang
mangyayari sa sino mang lalabag sa alin man sa mga 9 na paniniwalang
ito.

Ang mga paniniwalang ito ay: bawal hindi magpagpag pagkatapos ng
lamay; bawal magwalis sa burol; bawal magpatak ng luha sa ataul;
bawal manalamin sa burol; bawal maguwi ng pagkain mula sa burol; bawal
pumunta sa burol kapag may sugat; bawal punasan ang luha sa ataul;
bawal nakawin ang abuloy sa burol at bawal maghatid sa mga nakilamay.

Sa Pagpag, kahindikhindik na mga pangyayari ang magaganap sa di
inaasahang pagbisita nina Cedric (Daniel Padilla) at ng kanyang mga
kaibigan sa isang burol na inayos ni Leni (Kathryn Bernardo). Ang
bawat miyembro ng grupo ay lalabag sa mga paniniwala at kasabihan. Di
namamalayan nina Cedric at Leni na naguwi pala sila ng masama at
mapaghiganting espiritu

Magtutulungan sina Cedric at Lani sa pagasang matatalo nila ang mga
kababalaghang na kanilang kinakalaban. Ngunit parami ng parami ang mga
napapahamak at nawawalan na sila ng mga paraan upang iligtas ang
kanilang pamilya at mga kaibigan.

Bukod sa mga spine-chilling scenes ng Pagpag, mayroon ding touch of
humor at romance ang pelikula na tiyak na kagigiliwan ng mga fans at
ng buong pamilya lalo na't sina Daniel at Kathryn ang matuturing na
reigning teen royalty ng primetime television kasama pa si Paulo
Avelino at Shaina Magdayao na ngayon lang magtatambal sa pelikula.

"Sobrang nakakatakot po ang Pagpag pero sa likod ng nakakakilabot na
istorya nito ay ang mensahe na ang pagmamahal at pagsasakripisyo para
pamilya ang pinakamalakas na puwersa sa lahat," says Daniel.

Ayon naman kay Kathryn, bukod sa pagiging isang suspense-thriller,
adventure movie din ang Pagpag na tiyak na magugustuhan ng lahat,
"Pinapakita po ng pelikula namin ang age-old conflict ng mabuti laban
sa masama at napaka-exciting pong makita ang paglalakbay ng aming mga
karakter. Makikita po natin kung magwawagi kami o hindi."

Ipapalabas ang Pagpag, Siyam Na Buhay sa mga sinehan sa buong bansa
simula sa darating na Disyembre 25.

Para sa karagdagang impormasyon at pinakabagong updates tungkol sa
"PAGPAG" at sa iba pang 20th anniversary movie offerings ng Star
Cinema, bisitahin lamang ang
www.StarCinema.com.ph,http://facebook.com/StarCinema at
http://twitter.com/StarCinema.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...