Friday, November 8, 2013

PINAY BEAUTY QUEENS KIKISLAP SA“ASAP 18” NGAYONG LINGGO

Magrereyna sa "ASAP 18" ang world-class Pinay beauty queens ngayong
Linggo (Nobyembre 10) sa pagrampa ng Miss Universe runner-ups na sina
Venus Raj at Shamcey Supsup at 2013 Miss Supranational na si Mutya
Johanna Datul.

Bukod sa pagbisita ng naggagandahang beauty queens, lalong magiging
maganda ang Christmas countdown ng TV viewers sa bonggang birthday
bash para kina Vina Morales, Angeline Quinto, at Enchong Dee; sa
star-studded na Christmas gift nina Jamie Rivera at Arnel Pineda; at
sa bagong concert spectacle ni Jed Madela para sa kanyang upcoming
concert na 'X: Jed Madela's 10th Year Concert.'

Aapaw naman ang kilig sa "ASAP 18" center stage sa special production
number ng hardcourt heartthrobs na sina Arnold Van Opstal at
magkapatid na Jeric at Jeron Teng; sa panghaharana ng ilan sa
pinakatinitilian Kapamilya leading men na sina Piolo Pascual, Sam
Milby, Xian Lim, Enrique Gil, JC de Vera, Joseph Marco, at Jake
Cuenca; at sa grand thanksgiving at farewell ng "Bukas Na Lang Kita
Mamahalin" lead actors na sina Gerald Anderson at Rayver Cruz.

Samantala, tunghayan ang espesyal na production number na ihahatid ng
"The Voice of the Philippines" finalists na sina Janice Javier, Radha,
Klarisse de Guzman, Morissette Amon, at ang grand winner na si Mitoy
Yonting; at alamin ang latest music trends sa show-stopping
performance ng ultimate multimedia star na si Toni Gonzaga sa kanyang
ASAP segment na 'T-Zone.'

Tiyak na mapapaindak ang lahat sa nakahahawang dance moves nina Kim
Chiu, Kathryn Bernardo, Iya Villania, Erich Gonzales, John Prats,
Empress, Rayver Cruz, Meg Imperial, at Iza Calzado sa 'Supahdance.'

Abangan din ang makatindig-balahibong musical number nina Martin
Nievera, ZsaZsa Padilla, Erik Santos, Yeng Constantino, Jovit
Baldivino, Marcelito Pomoy, Bugoy Drilon, Liezel Garcia, at Gary
Valenciano.

Makisaya, makisayaw, at makikanta sa consistent top-rating at
palagiang trending sa puso ng buong sambayanan, "ASAP 18," ngayong
Linggo, 1:30pm sa ABS-CBN.

Maaari bumoto ang fans at TV viewers para sa '2013 ASAP Pop Viewers'
Choice Awards' sa pamamagitan ng text at online voting sa
ASAP.abs-cbn.com. Puwede ring bumoto sa pamamagitan ng pagsagot ng
'POP Balota' na makukuha sa Star Studio at Chalk magazines na maaaring
ihulog sa drop boxes na matatagpuan sa ABS-CBN regional offices at
National Bookstore branches sa buong bansa.

Para sa TV viewers na nais bumili ng ASAP official merchandise,
bumisita lamang sa ABS-CBN Store sa ground floor ng ELJ building sa
Quezon City, o bumisita sa ABSCBNstore.shopinas.com at MyRegalo.com.

Makihang-out nang live kasama ang stars ng ASAP Chill-Out sa
pamamagitan ng pag-log on sa ASAP.abs-cbn.com. Makisaya rin sa
official social networking accounts ng "ASAP 18″ sa
Facebook.com/asapofficial at Twitter.com/ASAPOFFICIAL, at makibalita
sa latest happenings sa programa sa pamamagitan ng pag-tweet ng
hashtag na #ASAPUniverse.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...