Thursday, November 14, 2013

ALL-STAR BENEFIT CONCERT, HANDOG NG ABS-CBN PARA SA SURVIVORS NG LINDOL AT ‘YOLANDA'

'Makiisa sa Kwento ng Pagbangon.'

Ito ang panawagan ng ABS-CBN sa buong sambayanan na hinihikayat nitong
makiisa sa makabuluhang "ABS-CBN Presents: Tulong Na, Tabang Na, Tayo
Na! An All-Star Benefit Concert" ngayong Sabado (Noyembre 16) sa
Smart-Araneta Coliseum kung saan magsasanib-pwersa ang ilan sa mga
pinakasikat na personalidad sa mundo ng TV, pelikula, at musika upang
makalikom ng pondo at makatulong sa mga biktima ng kalamidad sa iba't
ibang bahagi ng bansa, kabilang na ang mga survivor sa Cebu at Bohol
na niyanig ng magnitude 7.2 na lindol noong Oktubre at sa Visayan
region na labis na pininsala kamakailan ng 'super typhoon' na si
Yolanda.

Ang lahat ng kikitain mula sa ibebentang tickets ng fundraising
concert ay ido-donate sa calamity fund ng Sagip Kapamilya, ang
emergency humanitarian assistance program ng ABS-CBN Foundation.

Pangungunahan ang concert nina Gary Valenciano, Lea Salonga, Judy Ann
Santos, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Toni Gonzaga, Angelica
Panganiban, Maja Salvador, Sam Milby, Shaina Magdayao, Enchong Dee,
Xian Lim, Charice, at iba pang Kapamilya stars.

Dadalo rin sa gabing iyon ang University of the Philippines (UP)
Singing Ambassadors, Mandaluyong Children's Choir, El Gamma Penumbra,
Moonstar 88, 6 Cyclemind, Banda ni Kleggy, at ang inspirational
singers na sina Jamie Rivera at Fatima Soriano.

Ang tickets ay nagkakahalaga ng P300 (general admission); P400 (upper
box B); P500 (upper box A); P700 (lower box); at P1,000 (patron).
Mabibili na ang tickets sa opisina ng Smart-Araneta Coliseum,
Ticketnet outlets, at Ticketnet website (Ticketnet.com.ph).

Ang lahat ng ticket buyers ay magkakaroon ng free-sized #TulongPH
T-shirts na ipamamahagi sa venue sa mismong araw ng concert.

"ABS-CBN Presents: Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na! An All-Star Benefit
Concert" ay magsisimula sa ganap na 8pm. Magbubukas ang mga gate ng
6pm.

Ang benefit concert ay simulcast live sa iba't ibang 'global
platforms' ng ABS-CBN katulad ng TFC Pay-Per-View, TFC.tv at TFC IPTV;
at sa cable TV sa pamamagitan ng SkyCable Pay-Per-View at Destiny
Pay-Per-View. May live reports rin na ibabahagi sa AM at FM radio sa
pamamagitan ng DZMM at My Only Radio (MOR) 101.9 For Life!

Ang pay-per-view ng TFC.tv ay nagkakahalaga ng $5, samantalang P199
naman ang halaga ng SkyCable pay-per view opera sa mga subscriber nito
sa Metro Manila, Cebu, Davao, Baguio at Iloilo.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng "ABS-CBN Presents: Tulong
Na, Tabang Na, Tayo Na! An All-Star Benefit Concert," bisitahin ang
ABS-CBNnews.com/TulongPH. Makibahagi sa fundraising event at patuloy
na ibahagi ang pandaigdigang panawagan para sa tulong sa Twitter gamit
ang hashtag na #TulongPH.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...