Tuesday, November 19, 2013

XIAN LIM, BIBISITA SA BAHAY AMPUNAN KASAMA ANG MGA “GOIN’ BULILIT” KIDS

Ngayong Linggo (Nobyembre 24), hatid ng mga kiddie at teen show ng
Kapamilya network ang mensaheng dapat maging positibo sa panahon kung
kailan marami ang nangangailangan ng tulong sa pag-guest star ni Xian
Lim sa "Goin' Bulilit" at sa pagtulong na ibibigay ng mga "Luv U"
barkada sa kaibigang naghihirap.

Bibisita ang cast ng "Goin' Bulilit" sa isang bahay ampunan sa
darating na episode kasama si Xian, kung saan ipapakita ang kasiyahan
sa proseso ng adoption. Kasama rin ng mga bulilit ang kanilang kuya
Xian sa mga paboritong segment ng show tulad ng "Mutyaya ng Masa" at
"How? How? I know how with Islaw".

Sa "LUV U" naman ay takot pa rin umamin si Drake (Jairus Aquino) na
naghihirap na ang kanyang pamilya. Ang nakakaalam pa lang nito ay sina
Lexie (Alexa Ilacad) at Shirley (Sharlene San Pedro). Kahit
nakakahalata na ang kabarkada niyang si Archie (Kobi Vidanes) ay
idinedeny pa rin niya ito—pero dahil sa tunay na pagkakaibigan ng mga
teen ay malalaman din ni Drake na marami ang gustong dumamay at
tumulong sa kanya kung magiging tapat lang siya sa kanyang sarili.

Huwag palampasin ang "Goin' Bulilit" at "LUV U" ngayong Linggo
(Nobyembre 24). Mapapanood ang "Goin' Bulilit" pagkatapos ng "TV
Patrol Weekend" at ang "LUV U" pagkatapos ng "ASAP 18" sa ABS-CBN.

2 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...