Saturday, November 2, 2013

NAKAKABALIW NA KWENTO NG PAG-IBIG SA “CRAZY LOVE”

Tunghayan ang kwento ng dalawang pusong parehong nakakulong sa
relasyong nakakasakal at mahahanap ang inaasam na kalayaan sa isang
bawal na pagmamahalan simula ngayong Lunes (Nov 4) sa pag-uumpisa ng
Asianovelang nakakabaliw sa ganda, ang "Crazy Love," sa Umaganda ng
ABS-CBN.

Si Michelle ay may perpektong pamilya na unti-unting sisirain ng mga
taong nakapaligid sa kanya. Sa kabila ng pagkakaroon ng mapagmahal na
asawa at anak, siya ay may biyenang pilit isusumbat ang hindi niya
pagkakaroon ng lalaking anak. Dadagdag pa rito ang isang kaibigang
dadarangin sa tukso ang kanyang mismong asawa.

Si Rupert naman ay isang matagumpay na abogadong nakatali sa isang
asawang ubod ng selosa. Wala na siyang nagawa kung hindi pakasalan ang
babaeng hindi niya naman mahal dahil ito ang gusto ng kanyang mga
magulang.

Sa mga oras na parehong nanghihina ang kanilang mga puso, mahahanap
nila ang isa't isa at isang bawal na pag-ibig ang mamumuo.

Ano ang gagawin mo kapag ang taong nakatakda sa iyo ay nakilala mo sa
panahong nakatali na ang iyong puso?

Inawit ng unang "The X Factor Philippines" grand winner na si KZ
Tandingan ang theme song ng serye na pinamagatang "Bakit Lumuluha?"

Huwag palalampasin ang simula ng Asianovelang nakakabaliw sa ganda na
"Crazy Love" ngayong Lunes (Nov 4), 10:15 AM, sa first and true of
Asianovelas, ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...