Thursday, November 7, 2013

ANNALIZA, MAS PALABAN NA!

Mas tumitindi ang away ng magkapatid sa ama na sina Annaliza (Andrea
Brillantes) at Arlene (Kyline Alcantara) sa pagpapatuloy ng kwento ng
top-rating primetime family drama na "Annaliza." Matututo na nga si
Annaliza na lumaban at ipagtanggol ang sarili sa pagmamalupit na
ginagawa sa kanya ni Arlene. Mas lalala rin ang away ng mga inang sina
Isabel (Denise Laurel) at Stella (Kaye Abad) na mauuwi pa sa matinding
sampalan at sabunutan. Dahil dito kung kaya't mas determinado si
Stella na kunin ang dapat sana'y para sa kanya at akitin pabalik sa
kanya si Lazaro (Patrick Garcia). Si Guido (Zanjoe Marudo) naman ay
patuloy na hinahanap ang lugar niya sa buhay ni Annaliza habang si
Makoy (Carlo) ay tahimik pa rin na nagmamanman sa kanila at naghahanda
ng kanyang susunod na hakbang. Patuloy na namamayagpag ang "Annaliza"
sa time slot nito gabi-gabi. Base sa datos ng Kantar Media,
nakapagtala ang "Annaliza" ng average national TV rating na 24.9%
kumpara sa kalabang "Prinsesa ng Buhay Ko" na may 13.1% para sa buong
buwan ng Oktubre. Huwag nang bibitiw sa makapigil-hiningangmga eksena
sa "Annaliza" gabi-gabi, bago mag-"TV Patrol" sa Primetime Bida ng
ABS-CBN. Para sa updates, i-like ang official Facebook page nito sa
https://www.facebook.com/Annaliza2013 o sundan ang @Annaliza2013
sa Twitter. Pag-usapan ang "Annaliza" online gamit ang hashtag na
#Annaliza.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...