Wednesday, November 20, 2013

MGA EDAD 45 AT PATAAS, MAGPAPASIKAT NA SA “IT’S SHOWTIME”

Sila ang magpapatunay na ang pag-abot ng pangarap ay walang pinipiling
edad. Simula na ng pasikatan sa "Stars on 45," ang pinakabagong
singing competition ng "It's Showtime" para sa mga babae at lalaking
edad 45 at pataas.

Umarangkada na ang "Stars on 45" noong Lunes (Nov 18), tampok ang
pagpapakitang gilas ng mga kalahok sa pamamagitan ng pag-awit ng
parehong luma at nauusong kanta.

Unang idineklarang winner ng segment ang 53 anyos na si Felicitas
Garcia na unang kumanta ng "Blue Bayou" at sinundan pa ng mapangahas
niyang pag-awit ng "Wrecking Ball" ni Miley Cyrus.

Talaga namang pinag-usapan ang "Stars on 45" sa unang dalawang araw
nito kaya naman nag-trend ito sa Twitter sa buong bansa. Dahil dito ay
mas lumakas pa ang handog ng "It's Showtime" para sa madlang people
kasama ang "That's My Tomboy" sa lineup nito.

Inaanyayahang sumali ang mga edad 45 anyos at pataas na magpakitang
gilas sa auditions na ginaganap mula Lunes hanggang Biyernes, 3-5PM sa
ABS-CBN Audience Entrance at hanapin si Jimmy Capulong. Magdala lang
ng valid ID, birth certificate, at minus one ng luma at bagong kanta.

Huwag palampasin ang "It's Showtime" sa ABS-CBN, 12:30 PM mula Lunes
hanggang Biyernes at 12NN tuwing Sabado. Manatiling updated sa
programa sa pamamagitan ng pag-follow sa @ItsShowtimeNa sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...