Monday, November 25, 2013

MATTEO, MAS ‘MAKAMANDAG’ MATAPOS MANALO NG AWARD

Hindi lamang sa kanyang supporters inaalay ng "Galema" star na si
Matteo Guidicelli ang kanyang unang acting award kundi maging sa mga
taong noong una'y hindi naniwala sa kakayahan niya bilang aktor.

"Para 'to sa pamilya ko, sa lahat ng fans na sumusuporta sa akin, at
maging sa 'haters' na inisip na hindi ito mangyayari," pahayag ni
Matteo na hinirang kamakailan ng 2013 Cinema One Originals Film
Festival-Currents Category bilang Best Actor kasama ang co-actors
niyang sina Joseph Marco at Rayver Cruz para sa indie film nilang
"Saturday Nights Chills."

"Akala ko sa racing at triathlon lang ako makakakuha ng awards. Pero
totoo ngang 'dreams come true' at kapag gusto mo ang ginagawa mo at
magsisipag ka para dito, may patutunguhan ang lahat," ani Matteo na
mas kilala ngayon ng afternoon TV viewers bilang si Morgan, ang
lalaking malapit sa puso ni Galema (Andi Eigenmann).

Dahil sa natanggap na pagkilala, aminado ang leading man ni Andi na
mas ganado siyang magtrabaho para sa teleserye nilang mas gumaganda pa
ang takbo ng kwento. Aniya, "Bukod sa action scenes ni Zuma (Derrick
Hubalde), dapat ring abangan ng viewers ang relasyon nina Galema at
Morgan na nagiging mas romantic at mas matured."

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...