Thursday, November 7, 2013

ARIELLA, UMARIBA SA PRELIMINARY SWIMSUIT AT EVENING GOWN COMPETITION NG “MISS UNIVERSE”

Agaw eksena ang pambato ng Pilipinas sa "Miss Universe" na si Ariella
Arida matapos itong humataw sa rampahan sa ginanap na preliminary
competition ng inaabangang "Miss Universe 2013" pageant.

Kahit madaling araw na ay nakatutok pa rin ang maraming Pilipino
online via live streaming para suportahan si Ara. Maging sa mismong
venue ay todo hiyawan ang kanyang fans sa tuwing nasa entablado na
siya.

Sa dami ng papuring nakuha niya online ay nag-trend pa ang dalaga sa
social networking site na Twitter.

Kumpiyansang ipinakita ni Ara ang kanyang seksing katawan suot ang
pulang bikini sa kanyang katawan at masiglang ngiti naman sa kanyang
mukha.

Mula sa pagiging "bubbly," ipinakita naman ni Ara ang pagiging
elegante suot ang kanyang dilaw na evening gown. Habang rumarampa,
inilarawan siya ng hosts bilang athletic at mahilig sa sports dahil
ang kanyang ama ay isang gym teacher.

Sinabi rin na siya ay nagtapos na valedictorian sa kursong chemistry
na nais niyang gamitin para makalikha ng organikong mga pabango.

Lahat ay excited na sa Linggo (Nov 10) kung saan idadaos na ang "Miss
Universe 2013" sa Crocus City Hall sa Moscow, Russia. Panoorin ito
live sa Velvet Channel sa ganap na 2 AM na may delayed telecast sa
ABS-CBN ng 9 AM at primetime replay ng 10 PM.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...