Friday, November 15, 2013

“When a Man Falls in Love” at “Princess Hours” mapapanood na simula Nov 18

Dalawang magkaibang kwento ng pag-ibig ang sasainyo simula Lunes (Nov
18) sa pag-uumpisa ng Korean drama na magpapakita kung paano magmahal
ang tunay na lalaki sa "Whan a Man Falls in Love" at
pagbabalik-telebisyon ng royal love story sa pagitan ng ordinaryong
high school girl at isang crown prince sa "Princess Hours."

Mag-iiba ang pananaw mo sa pag-ibig sa naiibang kwento na
pangungunahan ni Song Seung-Heon, na unang minahal ng mga Pilipino
bilang Ethan sa "My Princess."

Kilalanin si Anthony, isang lalaking hindi makuhang magmahal dahil sa
kanyang hindi malimutang nakaraan. Masasadlak siya sa buhay ng
pagiging isang gangster hanggang sa isang araw ay makikilala niya ang
babaeng unang magpapatibok sa puso niya, si Mia (Shin Se-Kyung). Iibig
siya kay Mia ngunit hindi lang siya ang lalaking maghahangad na makuha
ang puso ng dalaga. Paano ipaglalaban ni Anthony ang nararamdaman kay
Mia? Paano siya babaguhin ng pag-ibig?

Samantala, ang maka-fairy tale na kwento nina Janelle (Yoon Eun-Hye)
at Gian (Ju Ji-hoon) ay muling mapapanood para magpakilig tuwing hapon
sa Kapamilya Gold.

Balikan ang makulay na buhay ni Janelle, isang ordinaryong high school
student na ipagkakasundong ipakasal ng kanyang lolo sa prinsipeng si
Gian. Tututol ang dalaga sa planong ito ngunit sa bandang huli ay
mapipilitan na ring pumayag para na rin sa kapakanan ng kanyang
pamilya na baon na baon sa utang.

Habang hinaharap niya ang biglaang responsibilidad ng pagiging isang
prinsesas, mas makikilala ni Janelle ang tunay na pagkatao ni Gian na
kinamumuhian niya sa eskwela. Paano nila mahahanap ang pag-ibig sa
kabila ng kanilang pagkakaiba? Ano ang mangyayari kapag pumagitna sa
kanila ang pinsan ni Gian at second-in-line sa trono na si Troy?

Inawit at ni-revive nina Bugoy Drilon at Liezel Garcia ang awiting
"Pag-ibig Na Kaya" para gamiting theme song ng "Princess Hours."

Huwag palalampasin ang pagsisimula ng "Whan a Man Falls in Love" sa
Lunes (Nov 18) pagkatapos ng "Maria Mercedes" sa Primetime Bida at ang
pagbabalik ng "Princess Hours," 5PM, sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.
Para sa karagdagang updates, sundan ang @Kapamilyanovela sa Twitter o
i-like ang official Kapamilyanovela Facebook page sa
http://www.facebook.com/ABSCBNKapamilyanovelas.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...