Sunday, November 17, 2013

FIRST ANNIVERSARY CONCERT NG JEEPNEY TV, FUNDRAISER PARA SA MGA NABIKTIMA NG YOLANDA

Sa pagdiwang ng unang anibersaryo ng Jeepney TV, hinatid ng cable
channel kung saan araw-araw ang pag-throwback ang concert na
"Hapi-Hapi Kaara-One" para sa mga relief operation ng Sagip Kapamilya
Campaign noong nakaraang Biyernes (November 15).

Kasama sa mga nag-perform sa unang anniversary concert ng Jeepney TV
sina Mister Pure Energy Gary Valenciano, na nag-duet kasama ang anak
niyang si Paolo Valenciano, The Voice of the Philippines top-placer
Radha Cuadrado, at ang bandang Fair Warning.

Maliban sa mga performances ay nag-set up ng booth ang ABS-CBN
Foundation para sa kanilang Sagip Kapamilya campaign kung saan naging
available ang mga #TulongPH na t-shirt. Ang proceeds ng pagbenta nito
ay napunta sa relief operations.

Ang "Hapi-Hapi Kaara-One" ay ginanap sa 19 East Bar and Grill sa
Sucat, Paranaque.

Huwag palampasin ang bagong show ng Jeepney TV na "Biyaheng Retro,"
kung saan ang mga host ay si Mario Dumaual at si Janella Salvador ng
"Be Careful With My Heart". Ang "Biyaheng Retro" ay umeere tuwing
Linggo ng 9:00pm.

Ang Jeepney TV ay mapapanood sa SkyCable channel 9 at sa iba pang mga
nangungunang cable system sa bansa.

1 comment:

  1. miss universe Barry Belda Otenatela in WWW.BARRYBELDAOTENATELA.SALN.PH

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...