Thursday, November 28, 2013

SINGING CHAMPIONS SASABAK SA SHOWDOWN SA “THE SINGING BEE

Napatunayan na nina Jovit Baldivino, Bugoy Drilon, Marcelito Pomoy,
Mitoy Yonting, at Janice Javier sa sambayanan ang galing nila sa
biritan matapos silang manguna sa iba't-bang singing reality shows,
ngunit mapahanga rin kaya nila ang mga manonood pagdating sa paghula
ng tamang lyrics sa "The Singing Bee"? Panoorin ang kapanapanabik na
banggaan ng limang magagaling na mag-aawit para sa jackpot na P1
milyon ngayong Sabado (Nob. 30). Sino sa kanila ang magwawagi at
sasabak sa "Final Countdown"? Magawa kaya ng isa sa kanila na talunin
ang two-week defending champion na si Eric Fructuoso, na nakapag-uwi
na ng P40,000? Madepensahan kaya ni Eric ang kanyang titulo?
Maki-BEErit sa bagong BEEsyo ng bayan na "The Singing Bee" ngayong
Sabado kasama sina Roderick Paulate at Amy Perez, pagkatapos ng "It's
Showtime" sa ABS-CBN. Para sa updates, i-like ang Facebook page nitong
www.facebook.com/singingbeeabscbn; i-follow ito sa Twitter,
@TheSingingBeePH; at i-follow rin sa Instagram, @thesingingbeeph.
Ipahayag ang inyong mga opinyon at komento sa programa gamit ang
hashtag na #TheSingingBeePH.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...