Monday, November 25, 2013

KATHRYN, HANDANG IPAGLABAN SI DANIEL

Nag-level up man sa 'TNT' o 'Tayo Na 'di Tayo' ang status ng relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa top-rating primetime teleserye nilang "Got To Believe," sunod-sunod naman ang pagsubok sa kanila ng karakter ni Carmina Villaroel na si Julianna. Sa pagpapakilala kay Joaquin (Daniel) sa Crillon Ball ni Madam Lucille (Tetchie Agbayani), magagawa ba ng serbidorang si Chichay (Kathryn) na tapatan ang mga 'prisensa' ng mayayaman o susukuan niyang sabayan ang kasosyalan ng mga kasing yaman ng mga San Juan? Magtatagumpay ba si Julianna sa planong paghiwalayin sina Joaquin at Chichay? Patuloy na damahin ang kakaibang magic ng pag-ibig sa most romantic series ng 2013, "Got To Believe," gabi-gabi, pagkatapos ng "Juan dela Cruz" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, o videos, mag-log on lamang sa www.got2believe.abs-cbn.com at sa official social media accounts ng programa sa www.facebook.com/G2B at www.twitter.com/G2BGottobelieve.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...