Sunday, November 17, 2013

ENRIQUE GIL, LOKONG-LOKO SA ISANG RADIO DJ?

Humaling na humaling sa isang liberated na babae ang role na
bibigyang-buhay ni Enrique Gil ngayong Lunes (Nobyembre 18) sa
kauna-unahan niyang pagsabak bilang voice talent sa "Dear M.O.R.," ang
nangungunang drama program tuwing alas-dose ng tanghali ng "My Only
Radio (MOR) 101.9 For Life!" at "MOR TV" (www.MOR1019.com).

Bago humataw sa kanyang 'King of the Gil' concert sa Smart-Araneta
Coliseum sa Nobyembre 29(Biyernes), magpapaluha muna si Enrique sa
listeners ng "Dear MOR" bilang si Carlo, isang binatang todo ang
pagmamahal sa dominante niyang girlfriend na si Lois na gagampanan ng
first-ever roving FM radio DJ at 'Darling ng Masa' na si Eva Ronda.

Lulunukin ba ni Carlo ang kanyang pride at patuloy na magpapakamartir
para sa babaeng minamahal sa sandaling malaman niyang kinakaliwan siya
nito?

Bukod kay Enrique, itatampok rin bilang voice talents sa "Dear MOR"
ngayong Linggo ang mga Kapamilya stars na sina Enchong Dee, Aaron
Villaflor at Pokwang.

Ang "MOR 101.9 For Life" ang kauna-unahang FM radio station na
naglunsad ng drama program sa FM band. Ang "Dear MOR" ay tatlong taon
nang patok sa FM listeners hindi lamang dahil sa mga madamdaming liham
at payong ibinabahagi rito tungkol sa pag-ibig, relasyon, pamilya at
buhay, kundi maging dahil sa mahusay na pagkakaganap ng mga voice
talent ng radio program--kabilang ang "MOR" DJs at ilang bituin ng
ABS-CBN.

Ang "Dear MOR" ay umeere araw-araw, mula alas-dose ng tanghali
hanggang alas-dos ng hapon. Ang UPLB Gandingan Award 2011 Best FM DJ
na si DJ Jasmin at si DJ Popoy ang hosts nito mula Lunes hanggang
Biyernes; samantalang si Ms. M naman tuwing Sabado at Linggo.

Patuloy na tumutok sa MORe music, MORe fun at MORe sorpresa ng hottest
FM radio station sa Mega Manila, "MOR 101.9 For Life!" at "MOR TV" sa
www.MOR1019.com. Para sa iba pang updates kaugnay ng "M.O.R. 101.9 For
Life!" i-'like' lamang ang Facebook fanpage nito sa
www.facebook.com/mor1019 at i-follow ang @MOR1019 sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...