Tuesday, November 5, 2013

“THAT’S MY TOMBOY,” BAGONG PINAGKAKAGULUHAN NG BAYAN

Astig, gwapo, at tinitilian.  Sila ngayon ang bagong pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa sikat na segment ng "It's Showtime" na "That's My Tomboy," ang beauty pageant kung saan ang mga tomboy naman ang bida at nagpapasikat sa madlang people.

Anim na magkakasunod na araw na nag-number one trending topic sa Twitter sa buong mundo ang pinakabagong contest ng Kapamilya noontime show matapos itong ilunsad, at hanggang ngayon ay gumagawa pa rin ng matinding ingay sa social media.

Tampok dito ang tagisan ng mga tomboy hindi lang sa porma at dating, kundi pati na sa talento, talas at galing sa pagsagot, at ang kabuuang appeal sa madlang people.

Sa mga gustong sumali sa "That's My Tomboy," may auditions na ginaganap mula Lunes hanggang Biyernes, 3-6PM sa ABS-CBN Audience Entrance. Magdala lamang ng valid IDs at hanapin sina Dan Josh Zacarias at Bing Ramos.

Maaari ring mag-audition online sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga litrato o video sa thatsmytomboy@yahoo.com.

Huwag palampasin ang "It's Showtime" sa ABS-CBN, 12:30 PM mula Lunes hanggang Biyernes at 12NN tuwing Sabado.Para sa updates ng programa, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter at @itsshowtimeofficial_ig sa Instagram o i-like angwww.facebook.com/itsShowtimena

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...