Magkakaisa ang buong ASAP Kapamilya ngayong Linggo (Nobyembre 17)
upang makibahagi sa 'Kwento ng Pagbangon' ng mga kapwa Pilipinong
naging biktima ng iba't ibang kalamidad kamakailan.
Pangungunahan ang makabuluhang programa ng "ASAP 18" ng mga
inspirational numbers mula kina Gary Valenciano, Martin Nievera,
Zsazsa Padilla, Sam Milby, Toni Gonzaga, Charice at Piolo Pascual.
Inspirasyon din ang hatid ni Miss Universe 2013 3rd runner-up na si
Ariella Arida na magbabahagi ng ngiti at pag-asa sa kanyang mga
kababayan.
Handog rin sa TV viewers ang performances nina Popstar Royalty Sarah
Geronimo ng pimakabog niyang single mula sa album na 'Expressions,' at
ang kaabang-abang na concert performances nina Yeng Constantino, Abra,
Jireh Lim, at Daniel Padilla.
Magkahalong kilig at saya naman ang ipararamdam ng "ASAP 18" sa mga
sorpresang ihahatid ng upcoming Star Cinema at Sky Light Films movie
"Call Center Girls" lead stars na sina Pokwang, Jessy Mendiola, at
Enchong Dee; at ng mga bida ng pelikulang "When The Love Is Gone" na
sina Cristine Reyes, Andi Eigenmann, at Jake Cuenca.
Tiyak na mapapaibig ang mga Kapamilya sa patikim na dance number ni
Enrique Gil para sa kanyang nalalapit na concert na 'King of the Gil'
at sa bonggang birthday treat mula kay Sam Concepcion.
Samantala, may ihahandog na world-class inspirational musical
performances sina Vina Morales Jed Madela, Aiza Seguerra, Nikki Gil,
Karylle, Richard Poon, Paolo Valenciano, at Daddy's Home.
Abangan din ang espesyal na 'Supahdance' showcase nina Gerald
Anderson, Maja Salvador, Rayver Cruz, Iya Villania, Empress, John
Prats, Julia Barretto, at Jane Oineza.
Makiisa sa kwento ng pagbangon sa consistent top-rating at palagiang
trending sa puso ng buong sambayanan, "ASAP 18," ngayong Linggo,
1:30pm sa ABS-CBN.
Para sa TV viewers na nais bumili ng ASAP official merchandise,
bumisita lamang sa ABS-CBN Store sa ground floor ng ELJ building sa
Quezon City, o bumisita saABSCBNstore.shopinas.com at MyRegalo.com.
Makihang-out nang live kasama ang stars ng ASAP Chill-Out sa
pamamagitan ng pag-log on sa ASAP.abs-cbn.com. Makisaya rin sa
official social networking accounts ng "ASAP 18″ sa
Facebook.com/asapofficial at Twitter.com/ASAPOFFICIAL, at makibalita
sa latest happenings sa programa sa pamamagitan ng pag-tweet ng
hashtag na #ASAPBangon.
No comments:
Post a Comment