Friday, November 8, 2013

TONI GONZAGA HANDA NA RAW MAGKAANAK?... NAKI-BONDING SA GOIN' BULILIT KIDS

Ang isa sa mga paboritong komedyana ng bansa na si Toni Gonzaga ay mukhang handa nang magkaanak dahil nakita itong komportableng naki-bonding sa mga Goin' Bulilit kids kamakailan. Hudyat na kaya ito na malapit na siyang magsimula ng pamilya kasama ang boyfriend na si Direk Paul Soriano? Maghahatid ng ibang klaseng saya  si Toni bilang guest star ngayong paparating na Pasko kasama ang cast ng kiddie gag show na "Goin' Bulilit" sa episode ngayong Linggo (Nov 10).

Malapit na ang Disyembre, kaya malapit na rin ang panahon para mag-shopping ng mga regalo para sa mga Kapamilya at kaibigan—kaya pupunta sa isang Christmas bazaar ang mga bata ng "Goin' Bulilit," at tutulungan sila ni Toni para lalong magningning ang kanilang mga nakakatawang gag at sketch tungkol sa mga bazaar sa season na ito.

Marami rin ang paparating para sa mga teen ng "LUV U" sa episode na eere sa Linggo rin, kung saan magdedesisyon na si Benj (Nash Aguas) kung sino na ang babaeng kanyang liligawan. Si Drake (Jairus Aquino) ay may crush din sa isa sa mga babae, at determinado si Shirley (Sharlene San Pedro) na malaman kung sino ito.

Huwag palampasin ang "Goin' Bulilit" at "LUV U" ngayong Linggo (Nov 10) sa ABS-CBN. Panoorin ang "Goin' Bulilit" pagkatapos ng "TV Patrol Weekend" at "LUV U" pagkatapos ng "ASAP 18". Huwag din palampasin ang "Toda Max" at "Banana Split: Extra Scoop" na umeere nang back-to-back tuwing Sabado pagkatapos ng "I Dare You".

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...