Wednesday, November 6, 2013

KASAL NINA MAYA AT SER CHIEF, LILIKHA NG KASAYSAYAN SA TV

Lilikha ng kasaysayan ang pinakaaabangang "Fairytale Wedding of the
Year" nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap) ng "Be
Careful With My Heart" bilang pinakamahabang kasalang mapapanood sa
isang teleserye.

Ayon sa business unit head ng programa na si Ginny Ocampo, tiyak na
mararamdaman ng TV viewers na kasama sila sa pag-iisang dibdib nina
Maya at Richard sa Nobyembre 15 (Biyernes) dahil kukunan nila ang
seremonya nang buong-buo.

"Parang totoong kasal talaga ang masasaksihan natin dahil ite-tape
namin 'yung buong ceremony ng kasal nang tuloy-tuloy at walang cut
para ma-preserve 'yung spirit at solemnity ng okasyon," pahayag ni
Ginny.

Bahagi ng entourage ng simple ngunit eleganteng 'fairytale wedding'
ang mga mahahalagang tao sa love story nina Maya at Richard kabilang
na si Nanay Teresita (Sylvia Sanchez) at kapatid ni Maya na si Kute
(Aiza Seguerra), at mga magulang ni Richard na sina Don Roberto (Noel
Trinidad) at Donya Esmeralda (Marissa Delgado). Tatayong Best Man at
Maid of Honor ang mga anak ni Richard na sina Luke (Jerome Ponce) at
Nikki (Janella Salvador). Bride's Maid ang bestfriend ni Richard na si
Rafi (Maricar Reyes) at Groom's Man naman si Ryan (Cris Villanueva).
Coin at Ring Bearer ang pamangkin ni Maya na si Cho (JM Ibanez),
samantalang Flower Girl si Abby (Mutya Orquia).

Kabilang sa mga abay sina Doris (Tart Carlos), Sabel (Vivieka
Ravanes), Joma (Micah Muñoz), Emman (Nathan Lopez) at Simon (Paul Jake
Castillo). Kasama naman sa mga kinuhang ninang ang trainer ni Maya sa
Time Airways na si Ms. Belmonte (Pinky Amador) at ang mayordoma ng
pamilya Lim na si Manang Fe (Gloria Sevilla).

Kung sa ibang teleserye ay kasalan ng mga bida ang hudyat ng katapusan
ng kwento, iba ang "Be Careful With My Heart." Dahil ayon kina Jodi at
Richard, marami pang magaganap kina Maya at Ser Chief pagkatapos ng
kasal, kabilang ang honeymoon nila sa Japan.

"Pagkatapos ng kasal, magsisimula naman ang bagong chapter sa buhay
nina Maya at Ser Chief bilang mag-asawa," ani Jodi.

Huwag palampasin ang "Fairytale Wedding of the Year" nina Maya at Ser
Chief sa Nobyembre 15, 11:45am, sa ABS-CBN. Abangan rin sa "Sunday's
Best" ang "Richard-Maya Fairytale Wedding of the Year Special" sa
Nobyembre 24 upang mapanood ang kasal; after-wedding party; mga
behind-the-scene footage bago, habang at pagkatapos ng seremonya; at
iba pang eksklusibong impormasyon kaugnay ng pinakahihintay na kasalan
ng taon.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang
@becarefulheart sa Twitter; at i-'like' ang official Facebook fanpage
ng show sa Facebook.com/becarefulwithmyheartofficial. Makibahagi sa
trending na usapan sa Twitter tungkol sa kasal gamit ang official
hashtag na #BCWMHthefairytaleweddingoftheyear.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...