Sunday, November 17, 2013

CRISTINE, MAGDADAGDAG-KULAY SA “HONESTO”

Malaking palaisipan sa mga manonood ang gagampanang karakter ng
award-winning actress na Cristine Reyes sa top-rating primetime
teleserye ng ABS-CBN na "Honesto."

Bibigyang-buhay ni Cristine sa "Honesto" ang karakter ni Marie, ang
misteryosang dalagang pinagkatiwalaan ni Hugo Layer (Joel Torre) na
mag-alaga sa kanyang anak na si Diego (Paulo) habang ito ay
nagpapagaling.

Sa pagpasok ni Marie sa buhay ng pamilya Layer at Galang, tunghayan
ang pagbabagong dadalhin niya sa mag-amang Diego at Honesto (Raikko
Mateo). Ano ang tunay na pagkatao ni Marie at ano ang ugnayan niya sa
pamilyang Layer? Magiging isa ba siyang matapat na kaibigan ni Diego,
o isa rin ba siyang manloloko at sakim na tulad nina Hugo at Cleto
(Nonie Buencamino)?

Mula sa kanyang markadong pagganap sa mga hit Kapamilya teleserye
tulad ng "Eva Fonda," "Kahit Isang Saglit," "Reputasyon," "Dahil Sa
Pag-ibig," at sa katatapos pa lamang na "Bukas Na Lang Kita
Mamahalin," muling mapapanood sa Primetine Bida si Cristine bilang
pinakabagong katambal ng Kapamilya actor na si Paulo.

Huwag palampasin ang pagpasok ni Marie sa napapanahong kwentong
nagbabahagi sa kahalagahan ng katotohanan at katapatan, "Honesto,"
gabi-gabi, pagkatapos ng "TV Patrol" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para
sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, at videos, mag--log on sa
official social media accounts ng "Honesto" sa Facebook.com/Honesto.TV
at Twitter.com/Honesto_TV.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...