Wednesday, November 27, 2013

INTERNATIONAL ALBUM NI JURIS, NASA ‘PINAS NA!

Inilabas na kamakailan ng Star Records ang hit international album ng
platinum-selling at award-winning recording artist na si Juris.

"Dreaming of You" Naungusan ni Juris sa HMV jazz chart ang mgakilalang
Singaporean singer at maging ang international singer na si Norah
Jones.

Ang "Dreaming of You" album na co-produced ng Star Records at ng
kilalang Singaporean music company na S2S ay nanguna kamakailan sa
listahan ng top jazz albums sa HMV, ang sikat na record bar label sa
Singapore.

Tampok sa 19-track album ni Juris ang mga nakaka-in love na revival ng
mga all-time classic ballads gaya ng "Again" ni Janet Jackson,
"Everything I Do (I Do It For You)" ni Bryan Adams, "I Honestly Love
You" ni Olivia Newton John, "Do You Know Where You're Going To" ni
Diana Ross, "I Love You Goodbye" ni Celine Dion, "Don't Say Goodbye,"
"Say You Love Me," "If Wishes Came True," "If You And Me," "Wishes"
at ang carrier single na "Dreaming of You" na orihinal na inawit ng
yumaong Latin singer na si Selina.

Bahagi rin ng tracklist ang mga awiting "Got To Believe In Magic,"
"Langis at Tubig," "Hanggang Wakas," "Sa Isip Ko," "Akala Mo," "Di Ko
Inakala," Dahil Sa 'Yo" at "Sa 'Yo Lamang."

Ang "Dreaming of You" album ni Juris ay mabibili na sa record bars
nationwide sa halagang P350 lamang. Maaari na ring ma-download ang
tracks nito sa iTunes, Amazon.com at MyMusicStore.com.ph.

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang Facebook fanpage ng Star
Records sahttp://www.facebook.com/starrecordsphil o sundan ang
@starrecordsph sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...