Thursday, November 14, 2013

"HIMIG HANDOG" MULING NAGBABALIK!

Handang-handa na ang ABS-CBN na muling tuklasin ang mga bagong
de-kalibreng Filipino composers sa pagbabalik ngayong Nobyembre 15
(Biyernes) ng pinakamalaking multimedia songwriting competition sa
bansa na "Himig Handog."

Matapos ang matagumpay nitong edisyon nakaraang taon na nagkaloob ng P
1 milyon sa director-composer na si Jovinor Tan para sa
makabagdamdaming love song na "Ano'ng Nangyari Sa Ating Dalawa,"
magpapatuloy ang "Himig Handog" sa paghahanap ng mga natatanging
Pilipinong kompositor na may mga obra maestra obra na tiyak na tatatak
sa puso ng bayan gaya ng mga sikat na Original Pilipino Music (OPM)
classic love songs.

Ang original song entries para sa "Himig Handog P-POP Love Songs 2014"
ay maaaring ipadala mula Nobyembre 15, 2013 hanggang Enero 31, 2014 sa
pamamagitan ng Internet sa website na Himighandog.abs-cbn.com.

Bukas ang "Himig Handog: P-POP Love Songs 2014" sa sinumang Pilipinong
kompositor (Filipino citizen o Filipino descent); dito o sa ibang
bansa, amateur o professional; solo man o grupo na may hanggang
tatlong miyembro. Ang isang composer ay maaaring magpasa ng hindi
hihigit sa tatlong kanta. Ang mga entry ay maaaring isulat sa wikang
Filipino, Ingles, o Taglish at sa anumang kilalang music genre o
kombinasyon ng iba't ibang genres.

Para sa karagdagang detalye, ang mga interesadong sumali ay maaaring
bumisita sa "Himig Handog" Secretariat sa Star Creatives Group, 2/F
ABS-CBN Broadcasting Corporation, ELJCC Bldg., Eugenio Lopez Drive,
Quezon City 1100, Philippines; tumawag sa 415-2272 locals 3423, 3437,
3415, at 3621; o mag-log on sa official website na
Himighandog.abs-cbn.com, Facebook fan page na
Facebook.com/HimigHandogPPop, o sundan ang @PPopLoveSongs sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...