Friday, November 8, 2013

ISA, JESSICA, PENELOPE, MAKI AT YUKI NG “THE VOICE” BIBIDA SA “THE SINGING BEE”

Matapos sumabak sa matinding kantahan sa "The Voice of the
Philippines," muling sasabak sa naiibang Bee-ritan sina Isa Fabregas,
Jessica Reynoso, Penelope Matanguihan, Maki Ricafort at Yuki Ito
bilang "Songbees" ng nagbabalik na musical game show sa telebisyon na
"The Singing Bee" simula ngayong Nobyembre.

Linggu-linggo ngang matutunghayan ang limang mang-aawit bilang house
singers ng programa. Ang "Songbees" ang siyang magbibigay-buhay sa
pahuhulaang mga awit sa mga kalahok.

Magbabalik din ang banda ng programa na "Bandle Bee" sa pangunguna
muli ng beteranong musical director na si Mel Villena.

Bukod sa kantahan ay mapapaindak din ang mga manonood kasama ang
seksing mga dancer na "Honeybees."

Higit sa lahat, pinaka-inaabangan din sa "The Singing Bee" ang muling
pagtatambal ng patok na tandem nina Roderick Paulate at Amy Perez
bilang mga host.

Tutukan ang bagong BEEsyo ng bayan na "The Singing Bee" na BEE-BEErit
na ngayong Nobyembre sa ABS-CBN Channel 2.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...