Sunday, November 10, 2013

MYX MO! 2013, PINAKAMALAKING SELEBRASYON NG OPM HATID NG NO. 1 MUSIC CHANNEL NG PINAS AY ISA NANG FUNDRAISER PARA SA MGA NASALANTA NG BAGYONG YOLANDA

Ang pinakamalaking selebrasyon ng Pinoy music na maghahatid ng "Your
Choice. Your Music." ay parating na sa pagganap ng MYX Mo! 2013 na
hatid ng MYX, ang numero unong music channel sa bansa.

Sa isang imporanteng taon para sa industriya ng musika, higit sa 40 ng
mga pinakamahusay na music act ng Pinas ang dala ng MYX sa pagbuo ng
lineup ng engrandeng music event. Kasama rito ang Wolfgang, Rivermaya,
Parokya ni Edgar, Chicosci, Callalily, Moonstar88, Never the
Strangers, Rico Blanco, Rocksteddy, Gloc 9, Karylle at marami pang
iba.

Para mapanood nang live ang MYX Mo! 2013, maaaring bumili ng tickets
sa SM Ticket outlets at via online @www.smtickets.com. Ang mga VIP
ticket ay P300, Gold ay P150, at Silver ay P50. Ang proceeds ng MYX
Mo! 2013 ay mapupunta sa Sagip Kapamilya campaign ng ABS-CBN
Foundation para makatulong sa mga kababayang nasalanta ng
super-typhoon na Yolanda.

Magaganap ang MYX Mo! 2013 sa Martes (Nobyembre 12) sa SM Mall of Asia
Grounds ng 6:00pm.

Para sa karagdagang impormasyon, mag log-on lang sa www.myxph.com.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...