Wednesday, December 25, 2013

PINAKAMALALAKING BALITA NG 2013, BABALIKAN NI KABAYAN SA ABS-CBN NEWS YEAREND REPORT

Aling mga balita ang pinaka-yumanig sa bansa at sa buong mundo nitong 2013?

Isa-isang sasariwain ni Kabayan Noli De Castro ang mga pinakamalaki at pinakamahalagang balita ng taon sa isang espesyal na yearend report ng ABS-CBN News, ang "Ulo ng Mga Balita" ngayong Linggo ng gabi (Dec 29) sa ABS-CBN.

Babalikan sa special ang naging epekto ng pananalasa ng bagyong Yolanda, ang lindol sa Bohol, ang kontrobersyal na pork barrel scam, ang gulo sa Zamboanga, ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, mga trahedyang kagagawan din ng tao, at ang midterm at barangay elections.

Iaangat din sa Kapamilya Yearender ang mga tagumpay ng Pinoy sa larangan ng sports at international beauty pageants, at iba pang headline news ng 2013.

"Ihahatid namin sa inyong muli ang mga pangyayaring bumandera sa mga pahayagan, radyo, telebisyon at maging sa Internet," sabi ni Kabayan.

Kasama ni Kabayan sa pagtatampok sa "Sa Ulo ng Mga Balita" ang mga mamamahayag na sina Lynda Jumilla, Jorge Carino, Henry Omaga-Diaz, Atom Araullo, Gigi Grande, Maan Macapagal, Jeff Canoy, RG Cruz, Niko Baua, Rico Lucena , TJ Manotoc, at Ginger Conejero.

Huwag palampasin ang "Ulo Ng Mga Balita" sa ABS-CBN Sunday's Best ngayong Linggo (Dec 29) pagkatapos ng "Gandang Gabi Vice."

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...