Friday, December 13, 2013

EJAY FALCON AT JOSEPH MARCO NAGSANIB PUWERSA SA SAKA SAKA

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsanib puwersa sina Ejay Falcon at Jospeh Marco sa action-packed family drama na Saka Saka.

Ang Saka Saka ay ang maiden offering ng Cinebro – Dinirek ni Toto Natividad ang Saka Saka at ito ang opisyal na entry ng Cinebro sa New Wave Full Feature Film category ng 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang Saka Saka ay kuwento ng dalawang magkapatid na sina Alex Abueg (Falcon) at Abner Abueg (Marco). Nasira ang kanilang buhay at pamilya sa kanilang initiation sa bayolenteng mundo ng mga political assassins o saka sakas. Ipinapakita ng pelikula ang sikretong mundo ng mga saka saka habang ini-explore at ini-interrogate nito ang age-old conflict sa pagitan ng batas at paghihiganti. Ang pelikulang ito ay naka-set sa magkaibang mga backdrops ng tahimik na probinsya at ng fast-paced, modern culture ng Maynila. Ang Saka Saka ay isang family movie na hahamon sa mga manonood na pagisipan ang mga extreme extents na maari nilang gawin upang ipagtanggol at protektahan ang kanilang mga pamilya laban sa opresyon at kurapsyon.      

Magbigigay ang Saka Saka ng insightful na komentaryo sa highly marginalized na social structure sa Pilipinas habang pinapakita nito na may mga tao na gagawin ang lahat  upang maibigay ang mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya kahit na labagin pa nila ang mga prevalent social norms at religious beliefs.  

Para kay Ejay Falcon, na isa sa mga bankable young action stars sa industriya ngayon as evident sa kanyang recent top-rating afternoon series sa ABS-CBN Gold na Dugong Buhay, he has such big shoes to fill dahil napili siya bilang isa sa mga lead actors sa opening salvo ng Cinebro. "Napaka-laking karangalan po para sa akin na maging bahagi ng Saka Saka. Madami nang pong magagaling na action stars ang nauna sa akin at isang malaking paghamon at inspirasyon para sa akin na ipagpatuloy ang kanilang legacy sa silver screen."

Sa kabialng banda naman, ang model turned actor na si Joseph Marco ay very thrilled naman na mag-bida sa kanyang unang full-length feature film. "It's such a wonderful blessing na mabigyan ng oportunidad na makatrabaho sina Direk Toto at Ejay. Ito ang unang pagkakataon na magbibida ako sa isang pelikula at lubos po ang pasasalamat ko sa ABS-CBN at pati na rin sa buong staff at crew at sa mga co-actors ko sa tiwala at suporta na pautoly nilang binibigay sa akin. Napakadami ko pong natutunan at nag-grow po ako bilang isang actor sa paggawa ng pelikulang ito."

Sinulat din ni Toto Natividad ang Saka Saka sa pakikipagtulungan kina Willy Laconsay at Manuel R. Buising. Starring din dito sina Baron Geisler, Toby Alejar, Perla Bautista, Kathleen Hermosa, at introducing sina Akiko Solon at Martin Imperial. Ipapalabas ang Saka Saka sa SM Megamall at Glorietta mula Disyembre 18 hanggang 24.      

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...