Saturday, December 14, 2013

KAPAMILYA STARS AT PROGRAMS, PINAKAAPRUBADO NG MGA MAGULANG SA ANAK TV AWARDS

Muling namayagpag ang ABS-CBN sa Anak TV Awards dahil aprubado ng mas maraming magulang, guro, non-government organizations at iba pang sektor ng lipunan ang panonood ng mga bata sa Kapamilya programs at pag-idolo sa Kapamilya stars.

Namayagpag ang mga personalidad ng ABS-CBN sa listahan ng male at female Makabata stars ngayong taon na binase sa Boto Ko 'To survey kung saan tinanong ang ilang nakakatanda kung sino sa local TV personalities ang pinakahinahangaan sa kani-kanilang tahanan.
 
Nanguna sa listahan sina Sarah Geronimo at Bernadette Sembrano na kapwa nailuklok na sa Hall of Fame ng Anak TV Awards dahil sa tuloy-tuloy nilang pagkakabilang sa naturang survey sa loob ng walong taon. Kasama naman sa top ten female Makabata stars ang presidente at CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos, sina Angel Locsin, Jodi Sta. Maria, Judy Ann Santos, Karen Davila, Kathryn Bernardo at Kim Chiu.

Sina Anthony Taberna, Coco Martin, Daniel Padilla, Kim Atienza, Noli de Castro, Richard Yap, at Ted Failon ang ilan naman sa mga tinanghal na male Makabata stars at kinilalang mabuting huwaran ng kabataan.

Pagdating sa mga Kapamilya program, pasok ang "TV Patrol," "Be Careful With My Heart," "Matanglawin," "Ina, Kapatid, Anak," "Maalaala Mo Kaya," "Rated K," "Juan dela Cruz," at "It's Showtime" sa listahan ng Most Well-Liked TV Programs sa bansa ngayong 2013.

Ginawaran naman ng Anak TV seal ang mga programang "wholesome" at ligtas panoorin ng mga bata, kabilang ang Kapamilya programs na "Animazing Tales," "Be Careful With My Heart," "I Got It," "Matanglawin," "Ni Hao Kailan," "Salamat Dok," "Wansapanataym," at "Why Not."

Wagi rin ng prestihiyosong Anak TV seal ang regional programs ng ABS-CBN na "Agri Tayo Dito," "Bayanijuan," "Bida Kapampangan," "MagTV na Atin To (Baguio)," "MagTV na Ato Ni (CDO)," MagTV na (Cebu)," MagTV na (Oragon)," "MagTV na Sadya Ta (Davao)," at "Salandigan."

Sa kabuuan ay nakapag-uwi ng 41 parangal ang ABS-CBN mula sa Anak TV Awards, kabilang ang 17 Anak TV Seal.

Ang Anak TV Awards ay taunang iginagawad ng Southeast Asian Foundation for Children and Television para sa mga programa at mga personalidad na ligtas tangkilikin at tularan ng kabataan. Ang awarding ceremony nito ngayong taon ay ginanap sa Soka Gakkai Building sa Timog, Quezon City.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...