Parehong matagumpay sa kanilang karera ang mga komedyanteng sina Ai-Ai delas Alas at Eugene Domingo, ngunit inamin ng dalawa na hindi sila ganoon kaswerte pagdating sa kani-kanilang buhay pag-ibig sa "Tapatan Ni Tunying" ngayong Huwebes (Jan. 2).
Lubos na pinag-usapan ang mga naging relasyon ni Ai-Ai na pawang sa hiwalayan nauwi. Naging laman ng balita ang dalawang beses niyang bigong pagpapakasal lalo na ang kasal nila ng negosyanteng si Jed Salang noong 2013 na tumagal lamang ng 29 araw.
"Kasi sa edad ko, parang hinahabol ko na yung makakasama ko sa pagtanda. Ang sakit kasi sandali lang. Alam mo yung pangarap mo tapos naputol," sabi niya.
Aminado ang 49 anyos na aktres na takot siyang tumanda mag-isa ngunit matapos ang karanasan ay sinasabi nitong marami siyang natutunan. Napagtanto niyang ang kasal ay seryosong bagay na kailangang pag-isipan nang maigi. Makakatulong din daw ang pakikinig sa payo ng mga kaibigan at mga mahal sa buhay.
"Sa katangahan kong ito, ang kasal ay hindi sagot sa pagmamahalan ng isang tao," dagdag niya.
Samantala, lingid naman sa kaalaman ng marami ay hindi pa nakakapasok ang 42 anyos na si Eugene sa kahit anong seryosong relasyon. Mas natuon daw kasi ang kanyang prayoridad sa kanyang propesyon bilang aktres.
"Napabayaan ko siya. Kasi ako yung taong nagsusulat ng plano kada taon. Gaya ng gusto ko ng pelikula na isasali sa film festival, gumawa ng play, ganon ako. Pero napansin ko, hindi ko siya nasulat," pagbabahagi ni Eugene.
Maganda ang naging takbo ng taong 2013 para kay Eugene kung saan nakagawa siya ng anim na pelikula kabilang na ang prequel ng pumatok na "Kimmy Dora" na kabilang sa Metro Manila Film Festival. Handa na ba si Eugene na bigyang pansin naman ang kanyang buhay pag-ibig ngayong taon?
"Na-achieve ko yung mga bagay na lampas pa sa inasahan ko bilang artista. Sinasabi ko nga, sa huli, sa kabila ng tagumpay ko sa karera, gugustuhin ko pa ring magmahal. Sana hindi pa huli ang lahat," sabi niya.
Pag-uusapan din nina Ai-Ai at Eugene ang kanilang pakikipagsapalaran sa showbiz bago pa man nila narating ang rurok ng tagumpay.
Huwag palampasin ang "Tapatan ni Tunying" (TNT) kasama si Anthony Taberna ngayong Huwebes, 4:45 PM sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Para sa updates, sundan ang @TNTunying sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/TNTunying

No comments:
Post a Comment