Anak na handang gawin ang lahat para sa kanyang ina ang karakter na gagampanan ng Kapamilya teen star na si Nash Aguas sa family drama episode ng "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado (Disyembre 14). Mula pagkabata ay naging pangarap na ni Christian (Nash) na pasayahin ang kanyang nanay na si Liezel (gagampanan ni Ara Mina) na labis na nalugmok sa kalungkutan matapos iwan ng kanyang asawa. Nagsumikap si Christian na maging mahusay na mag-aaral at kalauna'y naging miyembro pa ng isang orchestra—isang karangalang inakala ni Christian na lubusang makapagbabalik ng mga ngiti ng kanyang ina. Anong uri ng kalungkutan ang bumabalot sa isang tao para kitilin ang sariling buhay? Paano kinakayang maging malakas ng isang anak para sa isang ina na suko na sa mga pagsubok ng buhay? Mapapanood rin sa "MMK" ngayong Sabado sina Deydey Amansec, Archie Alemanya, Eva Darren, Casey de Silva, Jeffrey Hidalgo, Elaine Quemuel, at Jessette Prospero. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel C. Naval, panulat nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio, at pananaliksik ni Agatha Ruadap. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producer na si Lindsay Anne Dizon. Huwag palampasin ang panibagong family drama episode ng "MMK" ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" ang Facebook.com/MMKOfficial.
No comments:
Post a Comment