Tuesday, December 31, 2013

AI-AI AT EUGENE, JACKPOT SA CAREER PERO BOKYA SA PAG-IBIG?

Parehong matagumpay sa kanilang karera ang mga komedyanteng sina Ai-Ai delas Alas at Eugene Domingo, ngunit inamin ng dalawa na hindi sila ganoon kaswerte pagdating sa kani-kanilang buhay pag-ibig sa "Tapatan Ni Tunying" ngayong Huwebes (Jan. 2).

Lubos na pinag-usapan ang mga naging relasyon ni Ai-Ai na pawang sa hiwalayan nauwi. Naging laman ng balita ang dalawang beses niyang bigong pagpapakasal lalo na ang kasal nila ng negosyanteng si Jed Salang noong 2013 na tumagal lamang ng 29 araw.

"Kasi sa edad ko, parang hinahabol ko na yung makakasama ko sa pagtanda. Ang sakit kasi sandali lang. Alam mo yung pangarap mo tapos naputol," sabi niya.

Aminado ang 49 anyos na aktres na takot siyang tumanda mag-isa ngunit matapos ang karanasan ay sinasabi nitong marami siyang natutunan. Napagtanto niyang ang kasal ay seryosong bagay na kailangang pag-isipan nang maigi. Makakatulong din daw ang pakikinig sa payo ng mga kaibigan at mga mahal sa buhay.

"Sa katangahan kong ito, ang kasal ay hindi sagot sa pagmamahalan ng isang tao," dagdag niya.

Samantala, lingid naman sa kaalaman ng marami ay hindi pa nakakapasok ang 42 anyos na si Eugene sa kahit anong seryosong relasyon. Mas natuon daw kasi ang kanyang prayoridad sa kanyang propesyon bilang aktres.

"Napabayaan ko siya. Kasi ako yung taong nagsusulat ng plano kada taon. Gaya ng gusto ko ng pelikula na isasali sa film festival, gumawa ng play, ganon ako. Pero napansin ko, hindi ko siya nasulat," pagbabahagi ni Eugene.

Maganda ang naging takbo ng taong 2013 para kay Eugene kung saan nakagawa siya ng anim na pelikula kabilang na ang prequel ng pumatok na "Kimmy Dora" na kabilang sa Metro Manila Film Festival. Handa na ba si Eugene na bigyang pansin naman ang kanyang buhay pag-ibig ngayong taon?

"Na-achieve ko yung mga bagay na lampas pa sa inasahan ko bilang artista. Sinasabi ko nga, sa huli, sa kabila ng tagumpay ko sa karera, gugustuhin ko pa ring magmahal. Sana hindi pa huli ang lahat," sabi niya.

Pag-uusapan din nina Ai-Ai at Eugene ang kanilang pakikipagsapalaran sa showbiz bago pa man nila narating ang rurok ng tagumpay.

Huwag palampasin ang "Tapatan ni Tunying" (TNT) kasama si Anthony Taberna ngayong Huwebes, 4:45 PM sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Para sa updates, sundan ang @TNTunying sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/TNTunying

 

NASH-ALEXA LOVE TEAM, BIDA NA!

Magic, kilig, at kwentong pampamilya ang handog ng Kapamilya tween love team nina Nash Aguas at Alexa Ilacad ngayong Enero 2014 sa pagsisimula ng pinakabagong month-long special ng "Wansapanataym" na pinamagatang 'Enchanted House.'

Mula sa kanilang pagpapakilig sa Kapamilya teen comedy series na "Luv U," bibigyang buhay naman ng Nash-Alexa love team sa 'Enchanted House' ang mga karakter nina Philip at Alice, ang magkaibigang madadamay sa mapait na nakaraan ng kanilang mga magulang. Sa kabila ng kanilang magandang samahan, unti-unting magsisimula ang kaguluhan sa pamilya nina Philip at Alice nang matuklasan ng lahat ang sumpa na ibinigay ng ina ni Philip sa mga magulang ng kanyang kaibigan.

Maaalis pa kaya nina Philip at Alice ang sakit sa puso ng kanilang mga magulang at turuan ang mga itong magpatawad?

Makakasama rin nina Nash at Alexa sa 'Enchanted House' sina Ara Mina, Dominic Ochoa, Nikki Valdez, Candy Pangilinan, Jaime Fabregas, Celine Lim, Brace Arquiza, Marikit Morales, at Aldred Gatchalian. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Reggie Amigo at direksyon ni Erick Salud.

Huwag palampasin ang pagsisimula 'enchanting' fairy tale nina Nash at Alexa ngayong Sabado (Enero 4) sa pinakabagong month-long special ng 2013 Anak TV Seal Awardee "Wansapanataym," pagkatapos ng "Bet On Your Baby" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Sunday, December 29, 2013

Relive the historic Gilas Pilipinas-South Korea game this Tuesday

Due to insistent public demand, Pinoy basketball fans will once again be treated to this year's most historic sports moment – the Gilas Pilipinas versus South Korea game that propelled the team to the 2014 FIBA World Cup. The much-talked about semifinals game will air this Tuesday, December 31 at 8PM on TV5.
 
South Korea had been the Philippines' rival for the dream to reach the World championship or a place in the Olympics in the past. And after years of heartbreaks and frustration, Gilas Pilipinas finally won against the Asian contender and booked one of the three seats to the FIBA World Championship in Spain. The momentous game sent Pinoys crying with tears of joy as the country finally returned to being an Asian powerhouse.

Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes remembered that poignant moment in August.

"It was like a script out of a Hollywood movie. Umiyak ako nung nanalo Talk 'N Text, pero hindi ganito," Reyes said of the moment where he was shown crying on the team's bench after they won.

Sports5, the sports arm of TV5, brought the most comprehensive coverage of the 27th FIBA Asia Championship last August to over 90 Filipino viewers here and to millions more in 41 countries around the world. The heart-stopping game also made TV5 the primetime winner in the ratings game last August.

Friday, December 27, 2013

TOTOONG DRAMA NG MGA MAG-ASAWA, TAMPOK SA “THE LEGAL WIFE”

Mas matapang at mapangahas na family drama ang handog nina Jericho Rosales, Maja Salvador, JC de Vera at Angel Locsin sa pinagbibidahan nilang primetime teleserye sa ABS-CBN na pinamagatang "The Legal Wife." Tampok sa serye ang mga totoong pinagdaraanan ng mga mag-asawa at kung ano ang kaya nilang gawin para sa isa't isa at sa kanilang pamilya. Ang "The Legal Wife" na mapapanood na sa Enero 2014 ay sa ilalim ng direksyon nina Rory Quintos at Dado Lumibao. Pinagsama-sama ng serye ang ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa larangan ng drama kabilang sina Joem Bascon, Ahron Villena, Christopher de Leon, Rio Locsin, at Mark Gil. Huwag palampasin ang full trailer launch ng "The Legal Wife" ngayong Miyerkules (Enero 1), pagkatapos ng "Honesto" sa ABS-CBN Primetime Bida. 

Thursday, December 26, 2013

KATHRYN: MARAMING MERON SI DANIEL NA WALA ‘YUNG IBANG BOYS

Matapos ang pag-amin kamakailan ni Daniel Padilla sa "Buzz ng Bayan" kung gaano siya ka-confident sa 'posisyon' niya sa puso ng kanyang ka-love team, si Kathryn Bernardo naman ang buong tapang na magpapahayag ng nilalaman ng kanyang puso sa "My Only Radio (MOR) 101.9 For Life!" at "MOR TV" (www.MOR1019.com) ngayong Sabado (Disyembre 28).

"Maraming meron si DJ (Daniel) na wala 'yung ibang boys. Hindi siya 'yung typical guy na pa-cute at conscious sa sarili. Very mysterious siya at astig--medyo bad boy nga," ani Kathryn. "Gusto ko 'yung pagiging totoo niya. Prangka siyang tao, pero hindi sa masamang paraan. Kung malungkot siya, malungkot siya. Kung galit siya, galit. Hindi siya showbiz."

Tuklasin ang mas marami pang ekslusibong rebelasyon ni Kathryn tungkol sa kanyang buhay, career, at love life sa pagpapatuloy ng kanyang three-part special sa hit radio morning show na "Sabado Sikat Special" ni DJ China Paps.

Huwag palampasin ang part 2 at part 3 ng "Sabado Sikat Special" ni Kathryn sa Disyembre 28 at Enero 4, mula 9am hanggang 11am sa "MOR TV" sa www.mor1019.com at sa hottest FM radio station sa Mega Manila "MOR 101.9 For Life!" Para sa iba pang updates kaugnay ng "M.O.R. 101.9 For Life!" i-'like' lamang ang Facebook fanpage nito sa www.facebook.com/mor1019 at i-follow ang @MOR1019 sa Twitter.

Wednesday, December 25, 2013

PINAKAMALALAKING BALITA NG 2013, BABALIKAN NI KABAYAN SA ABS-CBN NEWS YEAREND REPORT

Aling mga balita ang pinaka-yumanig sa bansa at sa buong mundo nitong 2013?

Isa-isang sasariwain ni Kabayan Noli De Castro ang mga pinakamalaki at pinakamahalagang balita ng taon sa isang espesyal na yearend report ng ABS-CBN News, ang "Ulo ng Mga Balita" ngayong Linggo ng gabi (Dec 29) sa ABS-CBN.

Babalikan sa special ang naging epekto ng pananalasa ng bagyong Yolanda, ang lindol sa Bohol, ang kontrobersyal na pork barrel scam, ang gulo sa Zamboanga, ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, mga trahedyang kagagawan din ng tao, at ang midterm at barangay elections.

Iaangat din sa Kapamilya Yearender ang mga tagumpay ng Pinoy sa larangan ng sports at international beauty pageants, at iba pang headline news ng 2013.

"Ihahatid namin sa inyong muli ang mga pangyayaring bumandera sa mga pahayagan, radyo, telebisyon at maging sa Internet," sabi ni Kabayan.

Kasama ni Kabayan sa pagtatampok sa "Sa Ulo ng Mga Balita" ang mga mamamahayag na sina Lynda Jumilla, Jorge Carino, Henry Omaga-Diaz, Atom Araullo, Gigi Grande, Maan Macapagal, Jeff Canoy, RG Cruz, Niko Baua, Rico Lucena , TJ Manotoc, at Ginger Conejero.

Huwag palampasin ang "Ulo Ng Mga Balita" sa ABS-CBN Sunday's Best ngayong Linggo (Dec 29) pagkatapos ng "Gandang Gabi Vice."

Thursday, December 19, 2013

LIMANG BEAUTY QUEENS, MAGSASALPUKAN SA KANTAHAN SA “THE SINGING BEE”

Hindi maikakaila ang taglay nilang kagandahan at talino, ngunit may ibubuga rin kaya sila pagdating sa kantahan? Panoorin sa "The Singing Bee" ang pasiklaban ng beauty queens na sina Venus Raj, Precious Lara Quigaman, Mutya Johanna Datul, Joanna Cindy Miranda, at ang kakapanalo pa lang bilang Miss International na si Bea Rose Santiago para sa P1 milyon ngayong Sabado (Disyembre 21). Buong mundo na ang kanilang napahanga dahil sa husay nilang ipinamalas sa sinalihang beauty pageants. Magaling din kaya sila pagdating sa paghula ng tamang lyrics ng kanta? Sino sa kanila ang mananaig at haharap sa defending champion na si Jett Pangan, na nakapag-uwi na ng P40,000 noong nakaraang linggo, sa "Final Countdown" round? Maki-BEErit sa bagong BEEsyo ng bayan na "The Singing Bee" ngayong Sabado kasama sina Roderick Paulate at Amy Perez, pagkatapos ng "It's Showtime" sa ABS-CBN. Para sa updates, i-like at i-follow itosawww.facebook.com/singingbeeabscbn, www.twitter.com/TheSingingBeePH, at www.instagram.com/thesingingbeeph. Ipahayag ang inyong mga opinyon at komento sa programa gamit ang hashtag na #TheSingingBeePH.

ATOM, IKUKUWENTO ANG MATINDING PINAGDAANAN KAY “YOLANDA”

Idedetalye ni Atom Araullo ang kaniyang karanasan habang kumakalap ng balita sa kasagsagan ng pananalasa ng pinakamalakas na bagyo sa daigdig sa espesyal ng dokumentaryong "Yolanda" ngayong Linggo (Disyembre 22) sa ABS-CBN.

"Nasaksihan namin kung gaano kabilis tumaas 'yong tubig. Kasabay noon naiisip namin 'yong libu-libong taong hindi makalikas mula sa kani-kanilang bahay," kwento ni Atom sa kanyang panayam sa programa ni Lynda Jumilla na "Beyond Politics" sa ANC.

Dagdag pa ni Atom, sadyang kakaiba ang lakas ng bagyong Yolanda kaya naman wala talagang kasiguruhan ang kaligtasan ng mga sinalanta kahit pa pinaghandaan nila ang pagdating ng bagyo.

"Makikita mong nagsisitakbuhan 'yong mga tao… Maririnig mo silang tumatangis sa kadiliman, walang kuryente, ang daming bangkay sa paligid, 'yong mga survivors aligaga kung paano ba sila makikipag-ugnayan sa pamilya nila," pagbabagi niya.

Bukod sa pagbabalik-tanaw sa kanyang hindi malilimutang pagbabalita sa Tacloban, ipapakita rin ni Atom sa dokumentaryo ang mga video at mga larawan kaugnay dito na hindi pa naipapakita sa telebisyon.

Maghahatid rin si Atom ng iba't-ibang kwento ng mga biktima na magpapakita kung gaano katibay ang loob ng mga Pilipino sa gitna ng trahedya at kwento ng pagbangon na magpapamalas naman kung paano nagbuklod ang buong mundo para maghatid ng tulong sa mga Pilipino.

Huwag palampasin ang dokumentaryong "Yolanda" ngayong Linggo sa (December 22), pagkatapos ng "Gandang Gabi Vice" sa Sunday's Best ng ABS-CBN.

Wednesday, December 18, 2013

ANDI, EXCITED MAGPASKO SA PILING NG ‘LOVE’ NIYA

Gustong-gusto nang mag-Pasko ng "Galema: Anak ni Zuma" star na si Andi Eigenmann dahil balak niya itong ipagdiwang kasama ang 'most special someone' niya—ang kanyang dalawang taong gulang na baby girl na si Ellie.  

"Hindi na ako makapaghintay na i-celebrate ang Christmas kasama ang aking love, si baby Ellie," masayang pahayag ni Andi. "Dahil sa anak ko, magiging mas masaya na at makahulugan ang holidays ko. Ito ang first Christmas na maaalala niya kaya sobra na akong excited na ilabas siya at magsimula ng bagong Christmas traditions kasama siya." 

Katulad ng ibang Pilipino na humarap ng mabibigat ng pagsubok ngayong taon, mas gusto ni Andi na manatiling positibo sa buhay. 

"Anumang hirap ang pinagdaanan natin nitong mga nakaraang buwan, walang dahilan para hindi natin i-celebrate ang pagdating ni Jesus Christ. Alam dapat nating may 'brighter days' pa ring darating sa ating lahat at hindi dapat tayo humihintong magpasalamat sa Kanya," ani Andi. 

Samantala, patuloy na subaybayan ang mas malalaking rebelasyon sa "Galema: Anak ni Zuma" lalo na ngayong nagsimula nang lumabas ang tunay na kulay ng mga taong nakapaligid kay Galema (Andi). Anong mga bagong masasamang plano ni Zuma (Derick Hubalde) laban sa kanyang anak na si Galema? Anong gagawin ni Morgan (Matteo Guidicelli) para mapatawad siya ni Galema na labis niyang minamahal?  

Huwag palampasin ang "Galema: Anak ni Zuma," tuwing hapon pagkatapos ng "Kapamilya Blockbusters" sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang social networking sites ng programa sa Facebook.com/galemaofficial at Twitter.com/galemaofficial.

MELAI AT JASON, HINDI IIWAN ANG SHOWBIZ KAHIT MAGKAKAPAMILYA NA

Hindi iiwanan nina Jason Francisco at Melissa "Melai" Cantiveros ang showbiz kahit pa maiiba na ang kanilang prayoridad bilang mag-asawa at magulang sa kanilang nalalapit ng isilang na supling.

"Kung bibigyan ako ng pagkakataon, babalik ako ulit siyempre sa showbiz. Pero gusto ko muna alagaan yung baby ko ng mga tatlo o apat na buwan. Gusto ko yung tutok muna ako sa anak ko," pagbabahagi ni Melai kay Anthony Taberna sa "Tapatan Ni Tunying" na mapapanood ngayong Huwebes (Dec 19).

Inaasahan nina Melai at Jason ang pagdating ng kanilang panganay sa Abril.

Samanatala, Isasantabi naman muna ni Jason ang pangarap niyang magkaroon ng malaking pamilya dahil na rin sa pag-aalala sa kalusugan ng kanyang asawa.

"Noong una gusto ko ng malaking pamilya pero noong makadalo ako ng mga seminar bago ikasal, naintindihan ko na hindi pala basta-basta 'to. Gusto ko talaga madaming anak kaya lang iniisip ko din ang kalagayan ng asawa ko," Jason said.

Dahil na rin sa mga pagsubok at hiwalayang pinagdaanan ng kanilang relasyon, naniniwala si Jason na mas matatag na ang samahan nila ni Melai at handang-handa na silang sa pagiging magulang.

Nang tanungin naman si Melai kung magpapakasal pa rin ba siya kung sakaling hindi siya nabuntis, isang diretsahang "Oo" naman ang naging tugon ng komedyana.

"Hindi na ako nagdalawang-isip kasi nga sabi niya sa'kin gusto na niya lumagay sa tahimik. Gusto na rin niya magkaroon ng pamilya. Sabi ko naman sa sarili ko, ako rin gusto ko nang magkapamilya," Melai said.

Nabuo ang pag-iibigan nina Melai at Jason sa kanilang pananatili sa "Pinoy Big Brother" (PBB) house na talaga namang sinubaybayan ng sambayanan. Kaya naman marami ang natuwa nang sa wakas ay nauwi ito sa kasalan kamakailan na ginanap sa General Santos City.

Magbabalik-tanaw rin ang mag-asawa kung paano nga ba nabuo ang matamis nilang pagtitinginan kasanay ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan.

Huwag palampasin ang "Tapatan ni Tunying" (TNT) ngayong Huwebes, 4:45 PM sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Para sa updates, sundan ang @TNTunying sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/TNTunying.

Monday, December 16, 2013

STAR CINEMA, TATAPUSIN ANG TAON SA DALAWANG HIGANTENG PELIKULA

In line sa on-going 20th na anibersaryo nito, patuloy ang Star Cinema sa unwavering commitment nito sa pag-produce ng mga quality films para sa buong pamilya as it culminates 2013 with two giant film entries sa nalalapit na 39th Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre – ang horror film na Pagpag, Siyam Na Buhay at ang hilarious family comedy na Girl, Boy, Bakla Tomboy.

Ang Pagpag, Siyam Na Buhay ay ang unang colaborasyon sa pagitan ng Star Cinema at Regal Films in many years. Inasembol ng pelikulang ito ang hottest young stars ng bansa as led by the reigning teen royalty in the industry na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kanilang biggest and most exciting film to date. Kasama din sa pelikula ang dalawa sa pinaka-talented dramatic actors ng ABS-CBN na sina Shaina Magdayao and Paulo Avelino with the support of Matet De Leon, Dominic Roque, Miles Ocampo, Clarence Delgado, CJ Navato, Michelle Vito, Janus Del Prado, at Marvin Yap.  

Dinirek ni Frasco Santos at sinulat ni Joel Mercado, hango ang Pagpag sa sinaunang Pinoy folklore tungkol sa superstitious belief na hindi dapat dumiretso sa bahay matapos makiramay at bumisita sa isang burol dahil maaring sumunod ang malas at masasamang espiritu.

Ang subtitle ng pelikula, ang Siyam Na Buhay ay kumakatawan sa 9 pinaka-kilalla at laganap na Pinoy superstitious beliefs na kunektado sa kamatayan at mga burol na siyang pinapaniwalaan at sinusunod ng madaming Pilipino hanggang sa mga araw na ito. May kasabihan na labis na kamlasan na hahantong sa kamatayan ang mangyayari sa sino mang lalabag sa alin man sa mga 9 na paniniwalang ito.

Ang mga paniniwalang ito ay: bawal magwalis; bawal maglasing; bawal magpatak ng luha sa ataul; bawal manalamin; bawal maguwi ng pagkain; bawal pumunta sa burol kapag may sugat; bawal hindi magpagpag; bawal magpasan ng ataul; at bawal maghatid.

Sa Pagpag, kahindikhindik na mga pangyayayri ang magaganap sa di inaasahang pagbisita nina Cedric (Daniel Padilla) at ng kanyang mga kaibigan sa isang burol na inayos ni Leni (Kathryn Bernardo). Ang bawat miyembro ng grupo ay lalabag sa mga paniniwala at kasabihan. Lahat din sila ay hindi nag-pagpag sapagkat lahat sila ay dumiretso sa kani-kanilang mga bahay matapos manggaling sa burol. Di namamalayan nina Cedric at Leni na naguwi pala sila ng masama at mapaghiganting espiritu. Isa-isang mamamatay ang mga kaibigan ni Cedric at pamilya ni Lani dahil sa matinding galit ng masamang espiritu.

Ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy naman, ay isang laugh-a-minute family movie na nag-rereunite sa unkaboggable tandem ng Phenomenal Box-Office Superstar na si Vice Ganda at ng box-office director na si Wenn V. Deramas.

A co-production with Viva Films, umiikot ang pelikula sa istorya ng mga quadruplets na ipinaghiwalay sa isa't-isa nuong sila ay mga sanggol pa lamang. Dalawa sa magkakapatid, ang Team Girl-Boy, ay lumipad sa Amerika kasama ang kanilang ama habang ang dalawa naman, ang Team Bakla-Tomboy, ay naiwan sa Pilipinas kasama ang kanilang ina.

Magsisimula ang problema nang madiskubre ng magkapatid na naka-base sa Amerika na isa sa kanila, ang lalaking kapatid ay may sakit sa atay at kailangang mag-undergo ng transplant. Malalaman din nila may mga kapatid sila sa Pilipinas na maaring may liver na mag-mamatch sa kapatid nilag may sakit. Mapipilitan silang umuwi ng Pilipinas at mag-recconek sa kanilang mga kapatid at ina.

Maghaharap-harap ang Team Girl-Boy and Team Bakla-Tomboy sa kauna-unahang pagkakataon at dito na magsisimula ang mga riotous at hilarious events na maaring bumuo sa kanilang nasirang pamilya.

Ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy ay ang pinaka-malaki, most-anticipated, and pianka-heartwarming family movie ng taon as Vice Ganda offers four times the fun and excitement ngayong Pasko.

isang stellar cast led by Diamond Star Maricel Soriano, Joey Marquez, Ruffa Guttierez, Ejay Falcon, JC De Vera, Kiray Celis, JM "Cho" Ibanez, Red Bustamante, and Xyriel Manabat ang makakasama ni Vice sa pelikualng ito.

Ipapalabas ang Pagpag, Siyam Na Buhay and Girl, Boy, Bakla, Tomboy sa mga mainstream cinemas nationwide simula ngayong Disyembre 25.

11 Days in August coffee table book launched in tomorrow’s PBA game

Four months after booking a slot to the FIBA World Cup in Spain, Sports5 and the MVP Sports Foundation will launch tomorrow a special coffee table book titled 11 Days in August: Gilas Pilipinas and the Quest for Basketball Glory, which chronicles the journey of Gilas Pilipinas at the FIBA Asia Championship tournament held in Manila.
 
The book goes on sale tomorrow at the PBA game in SMART Araneta Coliseum starting at 5pm. Gilas Pilipinas players will be available to sign copies of the book.
 
This special limited edition 280-page book recounts the eleven riveting days in August that kept this basketball-crazed nation hooked to the exploits, challenges and triumphs of Gilas Pilipinas on its way to clinching a seat at the FIBA World Championship in 2014.
 
11 Days in August is published by the ADMU616569 Foundation for Sports5 with the help of Smart, PLDT, Meralco & TV5 and is priced at PhP 3,500.00 per copy.

Saturday, December 14, 2013

KAPAMILYA STARS AT PROGRAMS, PINAKAAPRUBADO NG MGA MAGULANG SA ANAK TV AWARDS

Muling namayagpag ang ABS-CBN sa Anak TV Awards dahil aprubado ng mas maraming magulang, guro, non-government organizations at iba pang sektor ng lipunan ang panonood ng mga bata sa Kapamilya programs at pag-idolo sa Kapamilya stars.

Namayagpag ang mga personalidad ng ABS-CBN sa listahan ng male at female Makabata stars ngayong taon na binase sa Boto Ko 'To survey kung saan tinanong ang ilang nakakatanda kung sino sa local TV personalities ang pinakahinahangaan sa kani-kanilang tahanan.
 
Nanguna sa listahan sina Sarah Geronimo at Bernadette Sembrano na kapwa nailuklok na sa Hall of Fame ng Anak TV Awards dahil sa tuloy-tuloy nilang pagkakabilang sa naturang survey sa loob ng walong taon. Kasama naman sa top ten female Makabata stars ang presidente at CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos, sina Angel Locsin, Jodi Sta. Maria, Judy Ann Santos, Karen Davila, Kathryn Bernardo at Kim Chiu.

Sina Anthony Taberna, Coco Martin, Daniel Padilla, Kim Atienza, Noli de Castro, Richard Yap, at Ted Failon ang ilan naman sa mga tinanghal na male Makabata stars at kinilalang mabuting huwaran ng kabataan.

Pagdating sa mga Kapamilya program, pasok ang "TV Patrol," "Be Careful With My Heart," "Matanglawin," "Ina, Kapatid, Anak," "Maalaala Mo Kaya," "Rated K," "Juan dela Cruz," at "It's Showtime" sa listahan ng Most Well-Liked TV Programs sa bansa ngayong 2013.

Ginawaran naman ng Anak TV seal ang mga programang "wholesome" at ligtas panoorin ng mga bata, kabilang ang Kapamilya programs na "Animazing Tales," "Be Careful With My Heart," "I Got It," "Matanglawin," "Ni Hao Kailan," "Salamat Dok," "Wansapanataym," at "Why Not."

Wagi rin ng prestihiyosong Anak TV seal ang regional programs ng ABS-CBN na "Agri Tayo Dito," "Bayanijuan," "Bida Kapampangan," "MagTV na Atin To (Baguio)," "MagTV na Ato Ni (CDO)," MagTV na (Cebu)," MagTV na (Oragon)," "MagTV na Sadya Ta (Davao)," at "Salandigan."

Sa kabuuan ay nakapag-uwi ng 41 parangal ang ABS-CBN mula sa Anak TV Awards, kabilang ang 17 Anak TV Seal.

Ang Anak TV Awards ay taunang iginagawad ng Southeast Asian Foundation for Children and Television para sa mga programa at mga personalidad na ligtas tangkilikin at tularan ng kabataan. Ang awarding ceremony nito ngayong taon ay ginanap sa Soka Gakkai Building sa Timog, Quezon City.

Friday, December 13, 2013

KAPAMILYA STARS, MAGPAPASIKLABAN SA “6TH ASAP THAT’S CHRISTMAS”

Ultimate 'battle of the stars' ang regalo ng "ASAP 18" ngayong Linggo (Disyembre 15) sa tapatan ng galing at talento ng naglalakihang Kapamilya stars sa "6th ASAP That's Christmas."
 
Humanda sa wonderful Christmas treats na ipasasabog ng 'Team Winter 1derland' ni Paolo Valenciano kasama ang kanyang mga miyembro na sina Charice, Sam Milby, Kim Chiu, Kathryn Bernardo, Nikki Gil, Shaina Magdayao, Erich Gonzales, Robi Domingo, Joseph Marco, Empress, Rayver Cruz, Juris, Meg Imperial, at Iza Calzado.
 
Tuloy na tuloy ang pagdiriwang sa show-stopping performances ng 'Team Pa2loy ang Pasko' ni Jericho Rosales kasama ang kanyang teammates na sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Enrique Gil, Julia Montes, Yeng Constantino, Iya Villania, Jovit Baldivino, KZ Tandingan, Janella Salvador, Kean Cipriano, Princess, Sitti, at Bryan Termulo.
 
Kakaibang trip naman dapat abangan sa makapigil-hiningang production number ng 'Team Christmas 3p' na pamumunuan nina Enchong Dee at Maja Salvador kasama ang kanilang group members na sina Vina Morales, Erik Santos, Jed Madela, Aiza Seguerra, Angeline Quinto, Jessy Mendiola, Xian Lim, John Prats, Richard Poon, Nyoy Volante, Sam Concepcion, Jane Oineza, at Bugoy Cariño.
 
Abangan din ang sorpresang hatid ng bawat grupo kasama ang kanilang special guest.
 
Bukod sa "ASAP That's Christmas," mas magiging espesyal ang paunang Pamasko ng ASAP Kapamilya sa TV viewers sa pagbisita ng Teen King at Queen ng Philippine Showbiz na sina Kathryn at Daniel Padilla na parehong bida ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013 entry ng Star Cinema at Regal Films na "Pagpag, Siyam na Buhay."
 
Magdadagdag kulay at kasiyahan rin sa "ASAP 18" ang back-to-back birthday celebrations ng "Maria Mercedes" star na si Jessy at ng "ASAP Sessionista" na si Richard; na susundan ng pagsalubong ng Star Magic family sa "Himig Handog P-Pop Love Songs 2013" finalists na sina Marion Aunor at Wynn Andrada.
 
Hindi rin pahuhuli sa pasiklaban ng talento ang girl group na "Tweens of Pop" na binubuo nina Mika dela Cruz, Noemi Oineza, Angel Sy, at Alexa Ilacad kasama ang Kapamilya primetime leading ladies na sina Kim, Julia, Erich, at Kathryn.
 
Samantala, saksihan din ngayong Linggo ang makatindig-balahibong world-class concert showcase ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano at ng Asia's Nightingale na si Lani Misalucha.
 
Huwag palampasin ang consistent top-rating at palagiang trending sa puso ng buong sambayanan, "ASAP 18," ngayong Linggo, alas-dose ng tanghali sa ABS-CBN.
 
Para sa TV viewers na nais bumili ng ASAP official merchandise, bumisita lamang sa ABS-CBN Store sa ground floor ng ELJ building sa Quezon City, o bumisita sa ABSCBNstore.shopinas.com at MyRegalo.com.
 
Makihang-out nang live kasama ang stars ng ASAP Chill-Out sa pamamagitan ng pag-log on sa ASAP.abs-cbn.com. Makisaya rin sa official social networking accounts ng "ASAP 18″ sa Facebook.com/asapofficial at Twitter.com/ASAPOFFICIAL, at makibalita sa latest happenings sa programa sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #ASAPThatsXmas2013.

EJAY FALCON AT JOSEPH MARCO NAGSANIB PUWERSA SA SAKA SAKA

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsanib puwersa sina Ejay Falcon at Jospeh Marco sa action-packed family drama na Saka Saka.

Ang Saka Saka ay ang maiden offering ng Cinebro – Dinirek ni Toto Natividad ang Saka Saka at ito ang opisyal na entry ng Cinebro sa New Wave Full Feature Film category ng 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang Saka Saka ay kuwento ng dalawang magkapatid na sina Alex Abueg (Falcon) at Abner Abueg (Marco). Nasira ang kanilang buhay at pamilya sa kanilang initiation sa bayolenteng mundo ng mga political assassins o saka sakas. Ipinapakita ng pelikula ang sikretong mundo ng mga saka saka habang ini-explore at ini-interrogate nito ang age-old conflict sa pagitan ng batas at paghihiganti. Ang pelikulang ito ay naka-set sa magkaibang mga backdrops ng tahimik na probinsya at ng fast-paced, modern culture ng Maynila. Ang Saka Saka ay isang family movie na hahamon sa mga manonood na pagisipan ang mga extreme extents na maari nilang gawin upang ipagtanggol at protektahan ang kanilang mga pamilya laban sa opresyon at kurapsyon.      

Magbigigay ang Saka Saka ng insightful na komentaryo sa highly marginalized na social structure sa Pilipinas habang pinapakita nito na may mga tao na gagawin ang lahat  upang maibigay ang mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya kahit na labagin pa nila ang mga prevalent social norms at religious beliefs.  

Para kay Ejay Falcon, na isa sa mga bankable young action stars sa industriya ngayon as evident sa kanyang recent top-rating afternoon series sa ABS-CBN Gold na Dugong Buhay, he has such big shoes to fill dahil napili siya bilang isa sa mga lead actors sa opening salvo ng Cinebro. "Napaka-laking karangalan po para sa akin na maging bahagi ng Saka Saka. Madami nang pong magagaling na action stars ang nauna sa akin at isang malaking paghamon at inspirasyon para sa akin na ipagpatuloy ang kanilang legacy sa silver screen."

Sa kabialng banda naman, ang model turned actor na si Joseph Marco ay very thrilled naman na mag-bida sa kanyang unang full-length feature film. "It's such a wonderful blessing na mabigyan ng oportunidad na makatrabaho sina Direk Toto at Ejay. Ito ang unang pagkakataon na magbibida ako sa isang pelikula at lubos po ang pasasalamat ko sa ABS-CBN at pati na rin sa buong staff at crew at sa mga co-actors ko sa tiwala at suporta na pautoly nilang binibigay sa akin. Napakadami ko pong natutunan at nag-grow po ako bilang isang actor sa paggawa ng pelikulang ito."

Sinulat din ni Toto Natividad ang Saka Saka sa pakikipagtulungan kina Willy Laconsay at Manuel R. Buising. Starring din dito sina Baron Geisler, Toby Alejar, Perla Bautista, Kathleen Hermosa, at introducing sina Akiko Solon at Martin Imperial. Ipapalabas ang Saka Saka sa SM Megamall at Glorietta mula Disyembre 18 hanggang 24.      

Thursday, December 12, 2013

JESSY, UMAMING KASAMA ANG BOYFRIEND SA KOREA

Kumpirmadong nakasama ng Pinay Maria Mercedes na si Jessy Mendiola ang Boyfriend nang huling pumunta ito sa Korea.

Ang Boyfriend ang isa sa pinakasikat na K-pop boyband ngayon at nakapanayam sila ni Jessy kamakailan bilang bahagi ng kanyang Korean adventure sa multi-awarded educational program na "Matanglawin."

Iintrigahin ni Jessy kina Kim Donghyun, Shim Hyunseong, Lee Jeongmin, No Minwoo at kambal na sina Jo Youngmin and Jo Kwangmin kung ano ang hinahanap nila sa isang babae at kung paano nila pinakikitunguhan ang kanilang hindi magkamayaw na fans.

Bukod pa riyan, aalamin din ng aktres sa episode ang sikreto ng mga Koreano sa pagpapanatili ng puti at kinis ng kanilang mga kutis gamit ang tradisyunal at modernong pamamaraan.

Samantala, isang food trip din ang inilaban ni Jessy kung saan susubukan niya ang 10-course meal sa Korea House pati na rin ang iba't ibang uri ng kimchi.

Huwag palalampasin ang ikalawang bahagi ng three-part Korean adventure ng "Matanglawin" ngayong Linggo (Dec 15), 9:30 AM sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, sundan ang @matanglawintv sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/matanglawintv.

CHRISTMAS SPECIAL NG ABS-CBN, MAPAPANOOD NGAYONG “SOLIDARITY WEEKEND”

Mapapanood na ngayong "Solidarity Weekend" (Disyembre 14 at 15) ang katatapos lamang na star-studded solidarity concert ng ABS-CBN na pinamagatang "Kwento ng Pasko: Pag-asa at Pagbangon: The 2013 ABS-CBN Christmas Special."

Ang two-part Christmas special ay bahagi ng espesyal na "Solidarity Weekend" na hangad na makatulong sa pagbangon ng lahat ng mga  Kapamilyang naapektuhan ng mga kalamidad.

Nagsama-sama sa sold-out fundraising concert ang lampas 100 Kapamilya stars na naghanda ng kanilang special production numbers. Ilan sa highlights ng programa ang makatindig-balahibong song numbers ng Kapamilya singers kabilang sina Lea Salonga, Gary Valenciano, Martin Nievera, Lani Misalucha, Sarah Geronimo at Angeline Quinto; nakakikilig na harana ng 'Kapamilya Heartthrobs' na pinangunahan nina Piolo Pascual, Coco Martin at John Lloyd Cruz; 'pasabog number' nina Anne Curtis at Vice Ganda; at ang Beatles' medley ng isang banda mula sa Tacloban na pinatayo, pinasayaw at natatanging nagpa-standing ovation sa lahat ng nasa Araneta Coliseum. Itinampok rin sa concert ang never-before-seen na makabagdamdaming kwento ng calamity survivors at volunteers.

Ang lahat ng kita mula sa 'Kwento ng Pasko' solidarity concert ay ido-donate sa Sagip Kapamilya calamity fund ng ABS-CBN Foundation na patuloy na nagbibigay-tulong sa unti-unting pagbangon ng mga Kapamilyang nasalanta ng mga kalamidad sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Huwag palampasin ang "Kwento ng Pasko: Pag-asa at Pagbangon: The 2013 ABS-CBN Christmas Special" ngayong Sabado at Linggo, sa ganap na alas-9:30 ng gabi sa ABS-CBN.

Bukod sa panonood ng solidarity concert, maaari ring makiisa ang Kapamilya viewers sa "Solidarity Weekend" sa pamamagitan ng pagsusuot ng "Tulong Shirts" at pagpapadala ng 'message of hope' para sa mga Kapamilya na patuloy na bumabangon mula sa mga sinapit na trahedya. Kunan lang ang sarili suot ang "Tulong Shirts hawak ang personal message of hope. I-post ito sa Facebook, Twitter at Instagram gamit ang official hashtag na #TulongPH.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng "Solidarity Weekend" at "TulongPH campaign," bumisita lamang sa ABS-CBNnews.com/TulongPH.


Tuesday, December 10, 2013

PAULO, SABIK SA PAMILYA

Aminado ang "Honesto" star na si Paulo Avelino na sabik na sabik na siyang maka-bonding muli ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang anak.
 
"Sobrang thankful ako sa lahat ng blessings na natanggap ko this year, lalo na sa pagiging part ko ng 'Honesto.' Pero kung may iwi-wish man ako ngayong Pasko, 'yun ay ang magkaroon ng mas mahabang panahon kasama ang family ko. Miss na miss ko na kasi sila," pag-amin ni Paulo.

"Masaya pa rin naman ang Christmas ko kasi kasama ko ang pamilya ko sa set, lalo na si Honesto," pahayag ng award-winning actor kaugnay ng kanyang anak sa top-rating Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na si Raikko Mateo.

Samantala, tiniyak ni Paulo na mas kakapit pa ang viewers sa kwento ng "Honesto" dahil lubusan nang magbabalik ang ala-ala ng kanyang karakter na si Diego.

Paano magbabago ang buhay ni Diego kapag naalala na niya ang lahat at kapag nalaman niya na anak niya si Honesto? Kaya ba niyang talikuran at isumbong sa mga awtoridad ang mga kasalanan ng tatay niyang si Hugo (Joel Torre)?

Huwag palampasin ang napapanahong kwentong nagbabahagi sa kahalagahan ng katotohanan at katapatan, "Honesto," gabi-gabi, pagkatapos ng "TV Patrol" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, at videos, mag–log on sa official social media accounts ng "Honesto" sa Facebook.com/Honesto.TV atTwitter.com/Honesto_TV.

NASH AGUAS, BIBIDA SA 'MMK'

Anak na handang gawin ang lahat para sa kanyang ina ang karakter na gagampanan ng Kapamilya teen star na si Nash Aguas sa family drama episode ng "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado (Disyembre 14). Mula pagkabata ay naging pangarap na ni Christian (Nash) na pasayahin ang kanyang nanay na si Liezel (gagampanan ni Ara Mina) na labis na nalugmok sa kalungkutan matapos iwan ng kanyang asawa. Nagsumikap si Christian na maging mahusay na mag-aaral at kalauna'y naging miyembro pa ng isang orchestra—isang karangalang inakala ni Christian na lubusang makapagbabalik ng mga ngiti ng kanyang ina. Anong uri ng kalungkutan ang bumabalot sa isang tao para kitilin ang sariling buhay? Paano kinakayang maging malakas ng isang anak para sa isang ina na suko na sa mga pagsubok ng buhay? Mapapanood rin sa "MMK" ngayong Sabado sina Deydey Amansec, Archie Alemanya, Eva Darren, Casey de Silva, Jeffrey Hidalgo, Elaine Quemuel, at Jessette Prospero. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel C. Naval, panulat nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio, at pananaliksik ni Agatha Ruadap. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producer na si Lindsay Anne Dizon. Huwag palampasin ang panibagong family drama episode ng "MMK" ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" ang Facebook.com/MMKOfficial.

Friday, December 6, 2013

“ASAP 18,” MAY ENGRANDENG ‘POP-PASKO’ SA TV VIEWERS

Isang buwang punong-puno ng saya, sorpresa at pagmamahal ang
mapapanood sa '2013 December Blast' special ng "ASAP 18" na
katatampukan ng 'ASAP That's Xmas,' 'ASAP Gives Back,' 'ASAP Diyes Is
It,' at 'ASAP Pop Viewers' Choice Awards' na gaganapin na ngayong
Linggo (Disyembre 8).

Bukod sa sa paggawad ng parangal sa mga nanalo sa kategoryang Pop
Music, Pop Movies, Pop Astig, at Pop Kapamilya TV, magdadagdag
kasiyahan rin sa Linggo ang Miss Universe 2013 3rd runner-up na si
Ariella Arida; "Galema" lead stars na sina Sunshine Cruz, Sheryl Cruz,
at Derrick Hubalde; Teen King ng Philippine Showbiz na si Daniel
Padilla; at box-office star na si Vice Ganda.

Astig na tribute ang handog ng ASAP mainstays na sina Bamboo, Yeng
Constantino, KZ Tandingan, at Piolo Pascual para sa OPM legendary band
na Juan dela Cruz sa pangunguna ng vocalist nito na si Mike Hanopol;
habang isang special musical treat naman ang inihanda nina Lani
Misalucha, Klarisse de Guzman, at Morisette Amon para sa musika ng
Jukebox Royalty na si Didith Reyes. Mayroon ding kaabang-abang na
Christmas treat ang international singer-songwriter na si David
Pomeranz kasama sina Juris, Nikki Gil, at Martin Nievera.

Nag-uumapaw na kilig ang mararamdaman ng viewers sa special
performance ng 'KimXi' love team nina Kim Chiu at Xian Lim; at sa
kaabang-abang na production number ng Kapamilya teen stars na sina
Julia Barretto, Janella Salvador, Jane Oineza, at Ella Cruz kasama ang
pinakabagong Star Magic teen boy group na 'Gimme 5' na pangungunahan
ni Nash Aguas.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang sayawan at kantahan sa "ASAP 18"
center stage sa bonggang birthday celebration para sa Kapamilya
leading lady na si Shaina Magdayao.

Abangan din ang ultimate concert experience na ihahatid nina Charice,
Erik Santos, Jed Madela, at ng ASAP Sessionistas; na susundan ng
lumalagablab na dance showdown nina Enrique Gil, Enchong Dee, Maja
Salvador, John Prats, Iya Villania, Empress, at Cristine Reyes sa
'Supahdance.'

Huwag palampasin ang consistent top-rating at palagiang trending sa
puso ng buong sambayanan, "ASAP 18," ngayong Linggo, alas-dose ng
tanghali sa ABS-CBN.

Para sa TV viewers na nais bumili ng ASAP official merchandise,
bumisita lamang sa ABS-CBN Store sa ground floor ng ELJ building sa
Quezon City, o bumisita sa ABSCBNstore.shopinas.com at MyRegalo.com.

Makihang-out nang live kasama ang stars ng ASAP Chill-Out sa
pamamagitan ng pag-log on sa ASAP.abs-cbn.com. Makisaya rin sa
official social networking accounts ng "ASAP 18″ sa
Facebook.com/asapofficial at Twitter.com/ASAPOFFICIAL, at makibalita
sa latest happenings sa programa sa pamamagitan ng pag-tweet ng
hashtag na #ASAPPopPasko.

Thursday, December 5, 2013

TV5 gives full dose of Juan Direction this Saturday

The growing fan base of TV5's Juan Direction gets a big treat this
Saturday as Fil-Brit hotties Henry Edwards, Brian Wilson, Charlie
Sutcliffe, Daniel Marsh and Michael McDonnell embark on another Pinoy
adventure while two of them cross over to Killer Karaoke Pinoy Naman
and try out Michael V's wacky singing challenges.

Not just another eye candy, Juan Direction boys are winning the hearts
of TV audiences and netizens across all ages because of their wit,
sense of adventure, and their love for their Filipino roots. In their
NEWS5 socio-experimental show, they provide a unique how-to guide to
appreciating Pinoy culture, from the eyes of half-Filipinos.

This Saturday, Juan Direction goes to Brian's hometown in Cavite to
showcase the sights and cuisine the province is known for. And since
Cavitenos are known to be fearless fighters, the boys will treat us to
a mixed-martial arts showdown featuring Yaw Yan, also called "Sayaw ng
Kamatayan" (Dance of Death). This adventure will set off a quest to
find an anting-anting (lucky charm) to protect one in fights.

Also this Saturday, Daniel and Henry will face another challenge in
Killer Karaoke Pinoy Naman, this time attempting to sing a song while
getting electric shocks and taking an involuntary bath. The two will
compete with fellow celebrity guests Iwa Moto, Nadine Samonte, Wilma
Doesnt, and Mark Neumann in the game show hosted by Michael V.

It's a Saturday full of adventure, music, and laughter for the boys.
Will Daniel and Henry finish their songs despite the challenges? Who
among Juan Direction will survive the Yaw Yan sparring? Who will find
an anting-anting? Find out this Saturday on Killer Karaoke Pinoy Naman
at 8:30pm, back-to-back with Juan Direction at 9:30pm, only on TV5!

FIRST KISS NG “LUV U” TEEN SA ILALIM NG MISTLETOE NGAYONG PASKO

Ngayong buwan na ng Disyembre, naghahanap ang mga teen ng "LUV U" ng
mga paraan para magkaroon ng kakaibang klaseng kilig pagdating ng
holiday season. Ngayong Linggo (Disyembre 8), magkakaroon tuloy ng
first kiss ang isa sa mga estudyante ng paaralan dahil sa pagsabit ng
mistletoe habang nasa loob ng paaralan.

Panahon na ba na para magbati at tuluyan nang magsama sina Benj (Nash
Aguas) at Lexie (Alexa Ilacad)—o may iba pa sa mga teen ang
makakatanggap ng halik ngayong Pasko?

Ispesyal din ang Disyembre para sa mga bata ng Kapamilya network.
Ngayong Linggo rin, mapapanood ang kids ng "Goin' Bulilit" sa kanilang
pagbisita sa nakakaaliw at nakakatuwa na Manila Ocean Park. Huwag
palampasin ang kanilang mga cute na sketch tungkol sa mga field trip
at family tour sa kanilang "undersea" adventure.

Gawing masaya ang weekend para sa buong pamilya kasama ang mga cast ng
"LUV U" at "Goin' Bulilit". Ang "LUV U" ay mapapanood pagkatapos ng
"ASAP 18" at ang "Goin' Bulilit" ay mapapanood naman pagkatapos ng "TV
Patrol Weekend" sa ABS-CBN.

BAGO MAG-ISANG DIBDIB, MELASON MAGTATAMBAL SA DANCESPORT

Bago maglakad sa altar ang real-life sweethearts na sina Melai
Cantiveros at Jason Francisco, haharapin muna nila ang isang matinding
hamon ng pagbabago na susubok sa kanilang samahan sa "I Dare You"
ngayong Sabado (Dec 7) sa ABS-CBN. Sa loob ng isang buwan, matututunan
ng Melason ang pagsayaw ng iba't ibang tradisyunal na Latin dances sa
ilalim ng multi-awarded na dancesport coach na si Belinda Adora. Kapag
nagwagi sila sa isang totoong dancesport competition ay mabibigyan ng
suporta at makakapagpagawa ng sariling dance studio ang Belinda
Adora's Step Kids, isang grupo ng kabataan na tinuturuan ni Belinda ng
dancesport para mapalayo sa bisyo at kumita. Kahit na hindi biro ang
kapalit nito ay hindi tumitigil sa kulitan nina Melai at Jason sa
gitna ng matinding pagsasanay. Ngunit maidaan kaya nila sa tawanan at
biruan ang dance steps na ituturo sa kanila? Makakasama ng Melason sa
hamon ng pagbabago ang aktres na si Kiray Celis at taekwondo superstar
na si Japoy Lizardo na ang makakapareha ay mga bata mula sa Step Kids.
Ang hamon para kay Japoy ay ang palalambutin ang katawan niyang
sinanay sa disiplina ng taekwondo, habang ang kay Kiray naman ay ang
palakasin ang loob ng kanyang partner na hindi bilib sa sarili. Kapag
napagtagumpayan nila ang hamon at manalo ng first place sa kumpetisyon
ay mabibigyan ni Japoy ng bonggang 18th birthday party ang kanyang
partner at si Kiray naman ay scholarship at pangkabuhayan package sa
kanyang partner. Huwag palampasin ang "I Dare You Season 2" kasama
sina John Prats, Deniesse Aguilar, Robi Domingo, at Melai Cantiveros
ngayong Sabado (Dec 7), pagkatapos ng "MMK" sa ABS-CBN. Para sa
updates tungkol sa programa, i-like lang ang
facebook.com/IDAREYOUSEASON2 o i-follow ang@IDareYouS2 sa Twitter at
@idareyouofficial sa Instagram. Makisabay sa diskusyon online habang
nanonood ng episode sa pamamagitan ng pag-tweet gamit ang hashtag na
#IDareYouMelason.

JESSY MENDIOLA, SINORPESA PARA SA KANYANG IKA-21 KAARAWAN

Sinorpresa ng cast, staff at miyembro ng kanyang fans club si Jessy
Mendiola kamakailan sa set ng kanyang primetime serye na "Maria
Mercedes" para ipagdiwang ang kanyang ika-21 kaarawan.

Laking gulat ng Pinay Maria Mercedes nang biglang sumambulat sa kanya
ang mga katrabaho at masugid na tagahanga sa inaakala niyang next
location ng kanyang kukunang eksena.

"Nagulat talaga ako. Masaya ako kasi halos lahat ng taong mahal ko
nandoon," sabi ni Jessy.

Nang tanungin kung ano ang kanyang birthday wish, hiniling ng
Kapamilya actress na magkaroon lang ng maayos na kalusugan. Inamin
niya ring hind naging madali ang taong ito para sa kanya.

"Madami akong naranasan na problema kung saan natuto ako. Hindi naging
madali pero masasabi ko namang pinatatag ako nito. Pero sa kabila
noon, mabait talaga ang Diyos at binigyan niya rin ako ng blessings na
lubos kong ipinagpapasalamat. Iba talaga itong taon na 'to. Hindi ko
makakalimutan."

Kabilang sa ipinagpapasalamat ni Jessy ay ang patuloy na pagtangkilik
at pagtaas ng ratings ng kanyang serye na "Maria Mercedes" sa buong
bansa at lalo na sa Metro Manila. Tumabo rin sa takilya rin ang
kanyang ikalawang pelikula under Star Cinema kasama sina Pokwang at
Enchong Dee na "Call Center Girl."

Kamakailan ay naging trending topic din si Jessy online sa loob ng
isang buong araw dahil sa viral video ng kanyang ineendorsyong fast
food chain kung saan natulala at natameme sa kanyang ganda ang UAAP
superstar na si Jeric Teng.

Marami na ring nakapilang projects si Jessy, kabilang na ang pelikula
kasama si John Lloyd Cruz, at kaliwa't kanan ang requests sa kanya
para sa mga event at out-of-town shows.

Talaga namang maganda ang takbo ng showbiz career ni Jessy pero nang
tanungin tungkol sa kanyang lovelife, ang maikling sagot niya ay "wala
eh. Nag-aantay pa rin."

Present sa birthday surprise ang Business Unit Head na si Ruel Bayani,
director Rechie Del Carmen, production manager Riza Ebriega, executive
producer Des Juan, cast na sina Vina Morales, Devon Seron, Yogo Singh,
Jason Abalos, at Tess Antonio, at ang official fans club ni Jessy na
Jessylicious.

Gabi-gabi pa ring napapanood si Jessy sa mas tumitinding kwento ng
"Maria Mercedes." Hindi na nga paawat si Mercedes sa paghihiganti kay
Malvina (Vivian Velez) at isa-isa niyang kinukuha ang lahat dito.
Tuluyan na ba si Mercedes na lalamunin ng galit at poot? Paano siya
maiisahan ni Malvina lalo pa't nalaman niya na kahinaan pa rin ng
dalaga ang anak nitong si Luis (Jake Cuenca)?

Huwag palalampasin ang inaabangang pagbangon ni "Maria Mercedes" gabi
gabi, pagkatapos ng "Got to Believe" sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Para sa updates, sundan ang @MariaMercedesPH sa Twitter at i-like ang
www.facebook.com/MariaMercedesOfficial sa Facebook. Ipahayag ang
inyong opinion sa show gamit ang hashtag na #MariaMercedes.

‘KATHNIEL MAGIC’ CLICK NA CLICK SA VIEWERS!

Kabataan man o young-at-hearts, wagas kung kiligin sa mga romantic na
eksena nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa top-rating primetime
TV series ng ABS-CBN na "Got To Believe."

Patunay ng lakas ng 'KathNiel magic' sa mga manonood ay ang
gabi-gabing pagwawagi ng programa sa ratings game at pagiging trending
topic sa Twitter.

Noong Miyerkules (Disyembre 4), humataw ng 27.9% national TV ratings
ang "Got To Believe." Base sa datos mula sa Kantar Media, tinalo nito
ang dalawang katapat na serye sa GMA na Adarna (14.6%) at Genesis
(12.2%). Naging no.1 nationwide trending topics sa Twitter nang
magkakasunod na gabi ang mga hashtag na #G2BByYourSide,
#G2BGoodbyeIsNotForever, #G2BBestDayEver, at #G2BBeforeILetYouGo dahil
sa mga nakakakilig at nakakaiyak na bonding moments nina Chichay
(Kathryn) at Joaquin (Daniel).

Sa pagpapatuloy ng fairytale nina Chichay at Joaquin, tiyak na wala
nang bibitiw sa pagtutok dahil mas titindi pa ang 'kilig factor' sa
mga susunod na linggo. Paano babaguhin ng 'magical dust' ang mga buhay
nina Chichay at Joaquin? Anong gagawin nina Juliana (Carmina
Villarroel), Jaime (Ian Veneracion), Mama Bear (Manilyn Reynes) at
Papa Bear (Benjie Paras) sa sandaling malaman nila na childhood
sweethearts ng mga anak nila ang isa't isa? Ito na ba ang simula ng
happy love life nina Chichay at Joaquin o hudyat ng pagdating mas
malaking pagsubok?

Patuloy na damahin ang kakaibang magic ng pag-ibig sa most romantic
series ng 2013, "Got To Believe," gabi-gabi, pagkatapos ng "Honesto"
sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon,
pictures, o videos, mag-log on lamang sa www.got2believe.abs-cbn.com
at sa official social media accounts ng programa sa
www.facebook.com/G2B at www.twitter.com/G2BGottobelieve.

Wednesday, December 4, 2013

WYNN ANDRADA, BAGONG ACOUSTIC HEARTTHROB NG STAR RECORDS

Para sa lahat ng umiibig ang kauna-unahang solo album ng pinakabagong
acoustic heartthrob ng Star Records na si Wynn Andrada.

Nakilala si Wynn ng publiko bilang singer-songwriter na isa sa 12
finalists sa songwriting competition ng ABS-CBN na "Himig Handog P-POP
Love Songs 2013."

"Punong-puno po ng love ang first album ko. Para po ito sa lahat ng
umiibig, gustong maramdamang mahalin o magmahal, at sa mga napapangiti
ng simpleng feeling ng pagiging in-love," ani Wynn. "Alay ko po ito sa
lahat ng sumuporta sa akin sa 'Himig Handog' dahil kung hindi dahil sa
kanila, hindi matutupad ang pangarap kong maging isang recording
artist."

Tampok sa self-titled album ni Wynn ang song entry niya sa "Himig
Handog" na "Tamang Panahon," "Sana Kahit Minsan," "Ako'y Sa'yo, Ika'y
Akin," "Sa May Bintana," "Akin Ka Na Lang," at ang carrier single
niyang "Dito Ka Lang Sa Puso Ko." Bahagi rin ng album ang minus one
versions ng lahat ng tracks.

Ito ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P199 lamang.
Maaari na ring ma-download ang tracks nito sa iTunes, www.amazon.com,
www.mymusicstore.com.ph at www.starmusic.ph.

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang Facebook fanpage ng Star
Records sahttp://www.facebook.com/starrecordsphil o sundan ang
@starrecordsph sa Twitter.

Tuesday, December 3, 2013

ABS-CBN, HINDI PA RIN NATITINAG SA TV RATINGS

Mas tinututukan pa rin ng mga Pilipino ang mga programa ng ABS-CBN
kaya naman muli itong nanguna sa national TV ratings noong Nobyembre
sa average audience share na 44%, o 11 puntos ang lamang nakuha ng GMA
na 33%, base sa datos ng Kantar Media.

Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na
kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Mas marami at
eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen,
na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area.
Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon
sa Pilipinas, habang umano'y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen
dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.

Patuloy ang pamamayagpag ng ABS-CBN sa primetime (6PM-12MN) sa average
audience share nitong 48%, o 16 puntos na mas mataas kumpara sa 32% ng
GMA. Ito ay dahil na rin sa mga de-kalidad na teleserye ng istasyon,
kabilang na ang "Honesto" na nanguna sa listahan ng pinakapinanoood na
programa sa buong bansa noong nakaraang buwan sa average national TV
rating na 28.9%.

Malaki rin ang lamang ng Primetime Bida ng ABS-CBN sa iba pang panig
ng bansa gaya na lamang sa Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa
labas ng Mega Manila) kung saan humataw ito sa average audience share
na 51% kumpara sa 33% ng GMA; sa Visayas kung saan pumalo ito sa 65%,
o higit tatlong beses ang laki sa 20% ng GMA; at sa Mindanao kung saan
nagtala ito ng 62% kontra sa 23% ng GMA.

Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito
may pinakamaraming nanonood kung kaya't importante ito sa advertisers
na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino
sa buong bansa.

Bukod sa primetime ay tinalo rin ng ABS-CBN ang mga kalabang network
sa iba pang timeslot. Sa umaga (6AM-12MN), nagtala ito ng average
audience share na 37% laban sa GMA na may 33%.

Ang early afternoon (12NN-3PM) block naman nito ay may 41% kumpara sa
37% ng GMA. Dahil na rin ito sa noontime time show na "It's Showtime"
na siksik sa nakakaaliw na pakulo, kaya naman muli nitong tinalo ang
"Eat Bulaga" sa ratings noong Nobyembre.

Labing-isang puntos naman ang agwat ng Kapamilya Network sa late
afternoon (3PM-6PM) block sa average audience share na 43% kontra sa
32% ng GMA.

Ang "TV Patrol" pa rin ang pinaka-pinagkakatiwalaan pagdating sa
balita dahil sa TV rating of nitong 27.5% na muling dinaig ang "24
Oras" ng GMA na may 17.2% lang. Ito rin ang pumangalawa sa listahan ng
pinaka-pinanoood na programa sa buong bansa noong nakaraang buwan.

Umakyat naman sa ikaapat na pwesto ang "Bet On Your Baby" (26.2%) ni
Judy Ann Santos mula sa ikapito noong Oktubre.

Kabilang din sa top 15 na pinakasubaybayang mga programa noong
nakaraang buwan ay ang "Wansapanataym," "Got To Believe," "Annaliza,"
Maalaala Mo Kaya," "Goin' Bulilit," "Rated K," "TV Patrol Weekend,"
"Be Careful With My Heart," at " Maria Mercedes."

May 26 na TV networks, ad agencies, at pan-regional TV networks ang
kasalukuyang naka-subscribe sa ratings services ng Kantar Media na
kilala sa buong mundo bilang isang kumpanyang sumusukat at
nananaliksik ng mga manonood ng telebisyon. Kabilang sa subscribers
nito ang ABS-CBN, NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates,
720ConsumerConnect, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mindshare, MEC,
Maxus, Universal McCann, Wellmade Manufacturing Corporation, Brand
Ideas, and MPG Havas. Naka-subscribe rin sa kanila ang pan-regional
networks tulad ng CSM Media Inc., Fox International Channels, Star HK,
Discovery, AXN, HBO, MTV, Sony Pictures Television International,
Celestial Tiger, and A&E Television Network. Sa nasabing mga ahensya
at kumpanya, naka-subscribe sa parehong urban at rural TV audience
measurement surveys ang ABS-CBN, Brand Ideas, MPG Havas, at
720ConsumerConnect.

Sa pangalawang magkasunod na taon, muling lumabas sa isinagawang
survey ng kilalang entertainment blog na LionHearTV kamakailan na mas
pinagkakatiwalaan ng manonood ang Kantar Media kumpara sa AGB Nielsen.
Mula sa 220 respondents, 84% ang pumabor sa Kantar Media, habang 18%
lamang ang naniniwala sa AGB Nielsen.

ONLINE AUDITIONS NG “PBB,” BUKAS NA!

Sa tingin mo ba ay karapat-dapat kang maging housemate ni Kuya?

Kung oo, patunayan ito sa isang one-minute video kung saan kailangan
mong ipaliwanag kung bakit ikaw na ang hinahanap na housemate ng
"Pinoy Big Brother" para sa susunod na regular at teen editions nito.

Bukas ang online auditions ng "PBB" hanggang Enero 15, 2014. Para sa
kumpletong detalye ng mechanics sa paggawa ng video at kung paano ito
i-submit kalakip ang audition form, bisitahin lang
angwww.pinoybigbrother.com.

Libu-libo na ang sumabak sa nationwide auditions ng sikat na reality
show sa Davao at kamakailan sa Cebu, kung saan naging bahagi ito ng
Bida Kapamilya Audition Caravan kasama ang "The Voice of the
Philippines Kids" at "Maalaala Mo Kaya."

Masasabing nagbigay ng pag-asa ang nasabing event lalo't ilan sa mga
nag-audition sa "PBB" at "The Voice" ay pawang mga nasalanta ng
bagyong Yolanda sa Samar at Leyte. Hindi lang nag-audition ang ilan sa
kanila kundi nagbahagi rin ng kwento ng kanilang buhay sa "MMK" story
gathering booth.

Nagpakita naman ng suporta ang former PBB housemates na sina Beauty
Gonzalez, Paul Jake Castillo at Season 4 Big Winner na si Slater
Young, na pawang galing Visayas, pati na si Deniesse Aguilar sa mga
auditionee. Nagsilbi ring online correspondent sa nasabing event sina
Deniesse at Beauty.

Para sa announcement ng mga susunod na audition, sundan lang ang
@PBBabscbn at @thevoiceabscbn, sa Twitter, at i-like ang facebook.com/
OfficialPinoyBigBrotherAbsCbn at facebook.com/thevoiceabscbn.

BABANGON NA SI “MARIA MERCEDES”!

Wala nang makapipigil pa sa pagbangon ni Mercedes (Jessy Mendiola) mula sa pang-aapi at pangaagrabyado nina Malvina (Vivian Velez) sa kanya at sa kanyang pamilya sa mas lalo pang tumitinding kwento ng hit primetime serye na "Maria Mercedes." Para makapaghiganti, lihim na nagpakasal sina Mercedes st Santiago (Ariel Rivera) nang sa gayon ay magkaroon ng karapatan si Mercedes na maging heredera ng kumpanya. Agad na sinanay ang ngayo'y si Mrs. Maria Mercedes Alegre-Del Olmo sa iba't ibang larangan para ihanda siya sa bago niyang papel bilang Presidente at CEO ng San Carmelo Industries, ang posisyong matagal ng inaasam ni Malvina. Sa kanyang bagong kapangyarihan at yamang angkin, mas palaban na si Mercedes at mas determinado na mapagbayad si Malvina sa pagpaslang sa kanyang kapatid na si Guillermo (Marx Topacio). Paano bubuwelta si Mercedes kay Malvina? Paano magbabago ang pagkatao ni Mercedes ngayong nilamon na siya ng poot at galit? Ano ang naghihintay sa kanya sa oras na mawala si Santiago? Mahanap niya pa kaya sa kanyang puso ang puwang para umibig muli? Huwag palalampasin ang inaabangang pagbangon ni "Maria Mercedes" gabi gabi, pagkatapos ng "Got to Believe" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @MariaMercedesPH sa Twitter at i-like ang www.facebook.com/MariaMercedesOfficial sa Facebook. Ipahayag ang inyong opinion sa show gamit ang hashtag na #MariaMercedes.

“MMK,” MAGSISILBING TULAY PARA BUUIN ANG ISANG PAMILYA

Tunghayan ngayong Sabado (Disyembre 7) kung paano magsisilbing tulay ang TV viewers para makamit ng isang pamilya ang kanilang Christmas wish na muling mabuo at makapagsimula ng kanilang bagong buhay. Itatampok sa "Maalaala Mo Kaya" ang kwento ng pamilyang ito na winasak ng karahasan at naging mitsa  ng pagkakahiwalay ng 13 magkakapatid. Bibida sa upcoming family drama episode ng "MMK" sina Xyriel Manabat at Valerie Concepcion na kapwa gaganap bilang si Judith, ang isa sa magkakapatid na mas nagdusa sa buhay nang ipaampon ng kanyang magulang sa ibang pamilya. Sa kabila ng lahat ng pagsubok, paano magagawa ni Judith na lumaban sa buhay at patuloy na magpursigeng pagbuklurin ang minsang masaya nilang pamilya? Tampok rin sa "MMK" sina Pinky Amador, Chanda Romero, Cherry Lou, Neil Coleta, Andrea del Rosario, Marissa Sanchez, Ron Morales, Queenie Sulit, Rez Cortez, Alfred Labatos, Myrtle Sarrosa, Eslove Briones, Gerald Pesigan, Jao Mapa, Shane Hermogenes at Bianca Bentulan. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando, panulat nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio, at pananaliksik ni Agatha Ruadap. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producer na si Cathy San Pablo. Huwag palampasin ang makabuluhang episode ng "MMK" ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" ang Facebook.com/MMKOfficial.

KAMANDAG NI “GALEMA” MAS PATOK SA HAPON!

Pinatikim agad ng "Galema: Anak Ni Zuma" ang lakas ng kamandag nito sa bago nitong katapat na programa sa hapon. Base sa datos mula sa Kantar Media noong Lunes (Disyembre 2), panalo pa rin sa timeslot nito ang fantaserye nina Andi Eigenmann at Matteo Guidicelli sa ABS-CBN taglay ang 11.8% national TV ratings, kumpara sa kasisimula pa lamang na "GMA Blockbusters" na nakakuha lamang ng 7.7%. Ang pagtutuos ba nina Galema at ng ama niyang ni Zuma (Derick Hubalde) at ang pag-amin ng dalaga tungkol sa tunay niyang pagkatao ang magiging susi sa mas paglalim ng relasyon nila ni Morgan (Matteo) o ito pa ang magiging hudyat ng pagtatapos ng kanilang magandang ugnayan? Paano babaguhin ng pagsulpot ng isang mahiwagang bagay ang tadhana ni Galema? Patuloy na tuklasin ang naiibang kamandag ni "Galema: Anak ni Zuma," tuwing hapon pagkatapos ng "Kapamilya Blockbusters" sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang social networking sites ng programa sa Facebook.com/galemaofficial at Twitter.com/galemaofficial.

Monday, December 2, 2013

ABS-CBN LAUNCHES COMMUTER SAFETY MOBILE APP “PASAHERO”

ABS-CBN launched Thursday (Nov 28) a free mobile app that Filipino
commuters can use to record, plot, and broadcast details of their trip
and notify family and friends of any danger encountered on the road.

Developed by ABS-CBN's Digital Media Division and powered by
ABS-CBNnews.com, the "PasaHero" app is available on iOS devices and
can be downloaded from the iTunes store.

The app's "My Trip" feature employs GPRS to track a trip from start to
end using an Internet-map based system, record the device's current
location, and track the duration and distance of the trip.

Alerts and updates on a user's trip can also be shared through SMS and
social media.

Users can choose to "Begin" a trip that will require them to key in
relevant information about the trip, including the mode of
transportation, the vehicle's plate number and color, and a photo of
the vehicle. These details will then be posted on the users' Twitter
or Facebook accounts.

The app also has a "Panic" button that users can use when they
encounter any danger or feel threatened. If activated, the button
sends details of the user's exact location to a customized list of
emergency contacts.

The "Panic" button can also be used to record audio and video files on
the device when the passenger feels threatened.

After its first day of availability, "PasaHero" was already the number
one Utility App on Apple's App Store and placed number six on the
overall app charts in the Philippines.

The next update of "PasaHero," meanwhile, will include a feature that
can be used to contact relevant agencies for assistance.

"PasaHero," which has a download size of 19.7MB, requires iOS 6.0 or
later for compatibility. The app is compatible with iPhone, iPad, and
iPod touch, and is optimized for iPhone 5. The app will be available
on Android devices this December.

JULIA AT ENRIQUE, MAGTATAMBAL SA “MIRA BELLA”

Simula na ngayong linggo ang taping para sa pinakabagong primetime
teleserye ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television na "Mira
Bella" na magtatampok sa kauna-unahang pagtatambal nina Julia Barretto
at Enrique Gil. Tampok rin sa serye nina Julia at Enrique sina Sam
Concepcion, Pokwang, Mylene Dizon, John 'Sweet' Lapus, at Gloria Diaz.
Ang "Mira Bella" ay sa ilalim ng direksyon nina Jerome Pobocan, Erick
Salud, at Jojo Saguin. Para sa karagdagang updates, mag-log on lang sa
www.abs-cbn.com, o sundan ang abscbndotcom sa Twitter.

“TULONG SHIRTS” NG ABS-CBN, ALAY SA MGA SURVIVOR NG IBA'T IBANG KALAMIDAD

Padami na nang padami ang mga establisyementong nakikiisa sa
pagpapalaganap ng "Tulong Shirts" na alay sa mga naapektuhan ng
trahedya at karahasan sa iba't ibang bahagi ng bansa kabilang ang mga
survivor ng super bagyong Yolanda, lindol sa Bohol, at digmaan sa
Zamboanga.

Maari ng bumili ng "Tulong Shirts" sa Ayala malls, Festival Mall, Sta.
Lucia East Grand Mall, mga piling branch ng G Stuff, Mossimo, National
Bookstore, Dakki Direct Selling, Sportshouse, Toby's Sports, Gold's
Gym, Tomato, Mercato Centrale, Karatworld, Boardwalk, Bacolod Chicken
Inasal, at sa ABS-CBN Audience Entrance sa ABS-CBN Complex, Lopez
Drive, Quezon City.

Maaari ring bumili sa Internet sa pamamagitan ng
ABSCBNstore.shopinas.com, Lazada.com.ph, atZalora.com.ph.

Nagkakahalaga ng P250 ang bawat isang "Tulong Shirt." Ang kikitain
mula sa "Tulong Shirts" ay ido-donate sa Sagip Kapamilya calamity fund
ng ABS-CBN Foundation.

Para sa kumpletong listahan ng authorized dealers ng "Tulong Shirt,"
bisitahin lang ang http://www.abs-cbnnews.com/tulongph.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...