Balik Kapamilya sina Roderick Paulate at Amy Perez matapos silang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN kahapon (Oktubre 22) kasabay ng pag-anunsyo ng kanilang balik-tambalan bilang host ng patok na musical game show "The Singing Bee" simula Nobyembre.
Bakas din sa mukha ng matalik na magkaibigan ang tuwa dahil makalipas mahigit walong taon ay muli silang magkakatrabaho.
"Pakiramdam namin, si Mamang, 'yong mommy ni Kuya Dick, pinapanood niya kami mula sa langit at ginawan niya pa talaga ng paraan na magkasama kami ulit," kwento ni Amy.
"Pakiramdam ko nakauwi na ako matapos ang ilang taon. Iba talaga 'yong pakiramdam ng umuwi at muling makita ang pamilya mo," pahayag ni Dick.
Pinakapumatok ang tandem nina Dick and Amy sa noontime show na Magandang Tanghali Bayan (MTB) kaya naman marami ang nasasabik sa pagbabalik ng tambalan. Siniguro ng dalawa na kakaibang entertainment ang ihahatid nila linggu-linggo sa "The Singing Bee" kung saan buong pamilya ang maaaring makisaya.
"Ito 'yong show na masaya. Masaya kaming hosts at masaya rin ang mga manonood kasi mapapakanta at mapapahula talaga sila. Napaka-interactive nito. May mga maiinis kapag mali ang lyrics ng contestant. Maganda ang vibes ko sa show na ito," sabi ni Dick.
"Tayong mga Pinoy kilalang magaling at mahilig kumanta. Sa kahit anong problema na dumarating sa atin ang parating solusyon ay kumanta kaya papatok 'to," dagdag ni Amy.
Bukod sa "The Singing Bee," magiging bahagi rin si Amy ng morning show na "Umagang Kay Ganda" at magbabalik din sa radyo sa AM station na DZMM.
Dumalo rin sa pirmahan ng kontrata sina (L-R) ABS-CBN business unit head Reily Santiago, News and Current Affairs head Ging Reyes, president and CEO Charo Santos, broadcast head Cory Vidanes at TV production head Laurenti Dyogi.

No comments:
Post a Comment