Ilelevel-up na ng ABS-CBN ang usapang showbiz simula ngayong Linggo
(Oktubre 20) sa paglulunsad ng kauna-unahang fully-interactive
entertainment talk show sa bansa—ang "Buzz ng Bayan," kung saan
aktibong bahagi sa usapan ng mga host ang TV viewers at studio
audience.
Bilang bahagi ng patuloy na selebrasyon ng ika-60 anibersayo ng
telebisyon sa Pilipinas, bibigyan ng bagong kahulugan ng "Buzz ng
Bayan" ang tradisyonal na showbiz talk show format at pinagsama-sama
ang tatlo sa pinakamahuhusay at nirerespetong TV hosts sa bansa na
sina 'King of Tallk' Boy Abunda, Carmina Villarroel, at Janice de
Belen.
Tampok sa "Buzz ng Bayan" ang tatlong pangunahing segments: ang 'Top
News Items' na bukas sa anumang reaksyon ng mga manonood kaugnay ng
iba't ibang isyu sa bansa; 'Opinions' na magbabahagi ng kuro-kuro nina
Boy, Carmina at Janice tungkol sa mga pinakamaiintrigang usapin sa
showbiz; at ang 'Panel Discusion,' kung saan may celebrity guests at
panelists na magbibigay ng kanilang matatapang na pananaw kaugnay sa
isang partikular na paksa.
Ang "Buzz ng Bayan" ay likha ng mga producer ng iba pang award-winning
ABS-CBN talk shows tulad ng "Gandang Gabi Vice," "E-Live," "SNN,"
"Showbiz Inside Report," at "The Buzz."
Sumama na sa makabuluhang usapan at huwag palampasin ang pagsisimula
ng pinakabagong showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN na "Buzz ng
Bayan" ngayong Linggo, alas-kwatro ng hapon, pagkatapos ng "Luv U."
Para sa updates tungkol sa "Buzz ng Bayan," mag-log on lamang sa
ABS-CBN.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
No comments:
Post a Comment