Hinangaan ng maraming TV viewers at netizens sa Twitter at Facebook
ang kauna-unahang fully-interactive entertainment talk show ng ABS-CBN
na "Buzz ng Bayan," kung saan hindi lamang artista ang kasama sa
usapan kundi maging ang mga ordinaryong Pinoy.
Pahayag ng Twitter user na si @teejay3117, "Mas binibigyang-saysay ng
#BuzzNgBayan ang panonood ko ng TV tuwing Linggo. Sa wakas, naririnig
na rin ng bayan ang iba pang kakaiba ngunit makabuluhang ideya. Ang
husay!"
Para naman kay @itsmejane26, "Wow! Ganda ng #BuzzNgBayan. Hindi lang
para sa mga artista pati sa mga ordinaryong tao din. Congrats po.
Galing!" Ito ay sinegundahan ni @imjohannaperez, "Maganda ang
#BuzzNgBayan ha! Diretso sa isyu at nakikisalamuha sa tao ang mga
host. Exciting pa topics nila!"
Umani rin ng papuri ang unang episode ng "Buzz ng Bayan" mula sa mga
celebrity kabilang ang aktres na si Ruffa Gutierrez, na isa sa
celebrity guests noong Linggo. Tweet niya, "Bravo to #BuzzNgBayan!
Marami akong natutunan mula sa taos-pusong usapan ngayon."
Tinalakay sa "Buzz ng Bayan" ang pagkaipit ng "Banana Split" cast at
staff sa lindol sa Bohol, relasyon ni Freddie Aguilar sa isang
dalagitang 16-anyos, kontrobersyal na hiwalayan nina Luis Manzano at
Jennylyn Mercado, at ang mga seryosong epekto ng pag-aaway ng
mag-asawa sa isang ordinaryong pamilya. Ginamit bilang case study sa
diskusyon ang kasalukuyang sigalot sa pagitan ng mag-asawa na sina
Claudine Barretto at Raymart Santiago.
Makialam at sumama na sa makabuluhang usapan nina Boy Abunda, Carmina
Villarroel at Janice de Belen; mga panauhing artista, at 'Bayan
Buzzers' sa "Buzz ng Bayan" tuwing Linggo, alas-kwatro ng hapon,
pagkatapos ng "Luv U." Para sa updates tungkol sa "Buzz ng Bayan,"
i-like ang Facebook.com/BuzzNgBayanOFFICIAL at i-follow ang
@BuzzNgBayan sa Twitter.
No comments:
Post a Comment