Saturday, October 26, 2013

FACE THE PEOPLE BRINGS TIN-TIN BERSOLA-BABAO TO TEARS

Less than two weeks following their pilot episode, the emotions are already high on the set of TV5's social reality talk program, Face The People.

Hosted by Gelli De Belen and Tin-tin Bersola-Babao, Face The People puts common people with controversial issues on the spotlight to help them make the crucial decision that will most affect their life. Case subjects are seated on the iconic "silya de konsensya" to face a diverse group of a hundred people with strong views on the issue at hand.

Handling a show like this can be very emotional, and this upcoming Wednesday, Tin-tin Babao will not be able to hide her sentiments on-cam as she bursts into tears. As she and Gelli prepare for their extro spiels, and while the camera is still rolling, the Face the People staff surprises Tin-tin by giving her a birthday special. The host will celebrate her birthday on October 30.

Surprised and extremely touched by the gesture, Tin-tin cries as she thanks the staff for "taking care of her". In a separate interview, Tin-tin shared that it is her first time to do a show with this format and she welcomed this change in her career, thanking TV5 for "the trust".

This week, Face The People looks into the case of a man who falls in love with his house help on Monday, and the story of a security guard torn between the woman he loves and the woman who gave him a child on Tuesday.

On Wednesday, just before Tin-tin's birthday special, Face The People will feature the story of a 51-year-old bouncer who discovers that he's into men and falls in love with his 24-year-old colleague.

Face The People airs daily, 4:30PM, and is part of the beefed-up Everyday, All The Way programs of TV5.

1M JACKPOT SA 'BET ON YOUR BABY,' INUWI NI YOUTUBE RAP SENSATION DELLO

Ang kauna-unahang milyonaryo sa "Bet On Your Baby" ay ang YouTube sensation at kilalang fliptopper na si Wendell "Dello" Gatmaitan na nanalo noong Sabado (Oktubre 26) ng gabi. Hindi inakala ni Dello na sa isang iglap ay magiging milyonaryo ang kanyang pamilya matapos siyang umabot sa jackpot round na "Basagin Ang Baboy" kasama ang kanyang maybahay. Sa unang subok ay binasag niya ang piggy bank na naglalaman ng P50,000 habang ang piggy bank na may P60,000 naman ang nabuksan niya sa ikalawang subok. Swerteng nahulaan ni Dello ang piggy bank na naglalaman ng 1 milyon sa pangatlong subok na huli rin niyang tiyansa. Sa umpisa pa lamang ng show ay sinabi na ng mag-asawa na kung sakaling mapanalunan nila ang jackpot ay ilalaan nila ito sa pag-aaral ng kanilang anak. Palaging tutukan ang "Bet On Your Baby" tuwing Sabado sa ABS-CBN pagkatapos ng "TV Patrol Weekend". Para sa mga update, i-like ang "Bet On Your Baby" sa Facebook ( www.facebook.com/betonyourbabyph ) at sundan ang @betonyourbabyph sa Twitter o ang betonyourbabyphilippines sa Instagram. Patuloy din na pag-usapan ang game show gamit ang hashtag na #BetOnYourBaby. 

Thursday, October 24, 2013

JERON AT JERIC TENG, MAY PAG-ASA KAYA KAY JESSY MENDIOLA?

Balitang-balita ang paghanga ng magkapatid na basketbolista na sina Jeron Teng ng De La Salle University Green Archers at Jeric Teng ng University of Santo Tomas Growling Tigers kay Jessy Mendiola, ang Pinay Maria Mercedes.

Umabot ito kay Jessy sa pamamagitan ng social media na siya namang ikinatuwa ng dalaga.

"Nameet ko na sila once noong Kris TV tapos biglang eto nalilink kami. Nakaka-flatter siya na siguro nakaka-awkward din ng konti kasi siyempre pag nagkita kami uli di ba alam mo na crush ka nila. Pero nakakatuwa naman na inamin nila in public na hinahangaan nila ako," sabi ni Jessy.

Hindi pa uli nagkikita sina Jessy at ang  magkapatid ngunit nakapag-usap naman sila sa Twitter at via phone patch kamakailan nang hiningan ng "Minute To Win It" ng mensahe si Jessy para sa dalawa, na siyang studio players sa mga oras na iyon.

Nang tanungin kung maari siyang ligawan ng isa sa magkapatid, sagot ni Jessy ay "ligaw agad? Hindi ba pwedeng friends muna? Bukas naman ako sa pakikipagkaibigan. Mukha naman silang mababait pero sa ngayon, ang focus ko talaga ay trabaho at di ko priority ang love life."

Bago sina Jeron at Jeric, una ng nagpahayag ng paghanga kay Jessy si Sam Milby at "Maria Mercedes" leading man niya na si Jake Cuenca. Tulad ng kanyang karakter sa kanyang primetime soap, talaga namang kinahuhumalingan at pinag-aagawan din si Jessy ng mga kalalakihan sa loob at labas ng showbiz.

"Siguro isa nga yun sa pagkakapareho talaga namin ni Mercedes. Pero kumpara sakin, mukhang mas magaling ata siya pagdating sa boys," biro ni Jessy. "Ako kasi minsan hindi ko talaga alam paano magre-react kapag may magsasabi sakin na crush ako ni ganito o ni ganyan."

Tila malayo pang mamili si Jessy sa mga admirer niya pero mukhang may nakakalamang na sa puso ng karakter niya bilang si Mercedes sa pagiging mas malapit nito kay Luis (Jake Cuenca). Saan hahantong ang kanilang pagkakaibigan? Tuluyan na bang mahuhulog ang loob niya sa isa't isa? Paano na sina Clavio (Jason Abalos) at Misty (Nikki Gil) na umaasa sa pag-ibig nila?

Huwag palalampasin ang tamis at pait ng buhay at pag-ibig ni "Maria Mercedes" weeknights pagkatapos ng "Got to Believe" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @MariaMercedesPH sa Twitter at i-like ang www.facebook.com/MariaMercedesOfficial sa Facebook. Ipahayag ang inyong opinion sa show gamit ang hashtag na #MariaMercedes.

ENRIQUE, PALILIGUAN ANG FANS SA CONCERT!

Foam party ang isa sa pinakamalaking highlight ng concert ng Hari ng Dance Floor na si Enrique Gil.

"Sa gabing 'yon, hindi lang tayo maliligo ng pawis sa kasasayaw. Parang sabay-sabay din tayong nasa shower dahil may foam party na siguradong magpapasaya sa ating lahat," kwento ni Enrique kaugnay ng isa sa major production numbers niya sa "King of the Gil" concert niya na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Nobyembre 29 (Friday).

Ayon kay Enrique, bibigyan rin niya ng 'moment' sa Big Dome ang mga kaibigan niya. "Lahat ng guest ko katulad nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario at Julia Montes, may 'time to shine.' Gusto kong mag-enjoy lahat tayo, hindi lang dahil sa music at dance moves ko, kundi pati sa bonding namin ng friends ko," aniya.

Magpapasaya rin sa "King of the Gil" concert ni Enrique sina Angel Locsin, Kim ChiuRico Blanco, Gloc9, Young JV, Arjo Atayde, Ejay Falcon, Aaron Villaflor, at dance groups na Streetboys at G-Force.

Samantala, may maagang concert treat si Enrique ngayong Sabado (Oktubre 26) sa pagpapatuloy ng 'Sabado Sikat Special' niya sa "My Only Radio" (M.O.R.) 101.9 For Life" at "MOR TV" (www.MOR1019.com). Mas kilalanin si Enrique sa kanyang eksklusibong video interview sa kanya ni DJ China Paps.

Huwag palampasin ang "King of the Gil" concert sa Smart-Araneta Coliseum sa Nobyembre 29. Mabibili na ang tickets sa Ticketnet outlets at sa Ticketnet.com.ph o tumawag sa 9115555.

Abangan din ang mga rebelasyon ni Enrique sa "Sabado Sikat Special," ngayong Sabado at sa Nobyembre 2, mula 9am hanggang 11am sa "MOR TV" sa www.mor1019.com at sa hottest FM radio station sa Mega Manila "MOR 101.9 For Life!" Para sa iba pang updates kaugnay ng "M.O.R. 101.9 For Life!" i-'like' lamang ang Facebook fanpage nito sa www.facebook.com/mor1019 at i-follow ang @MOR1019 sa Twitter.

HALAGA NG KATAPATAN, IBIBIDA NI “HONESTO” SA PRIMETIME TV

Gabi-gabi nang ipapaaalala sa buong sambayanan ang kahalagahan ng katapatan sa pamamagitan ng teleseryeng napapanahon, ang "Honesto," na magsisimula na sa ABS-CBN ngayong Lunes (Oktubre 28).

Ang "Honesto" ay iikot sa istorya ng batang si Honesto (Raikko Mateo), ang bunga ng pagmamahalan nina Diego (Paulo Avelino) at Fina (Maricar Reyes). Dahil sa kakaibang katangian na taglay ng pamilya ng kanyang ina, namana ni Honesto ang pamumula ng kanyang ilong sa tuwing siya ay nagsisinungaling.

Paano paghihiwalayin at pagtatagpuin ng katotohanan ang mga pamilya at pusong nasaktan dahil sa kasinungalingan? Mabubura ba ng kabutihan at busilak na kalooban ang lahat ng kasakiman sa mundo?

Pagbibidahan ito ng award-winning and seasoned actors tulad nina Paulo, Eddie Garcia, Janice de Belen, Angel Aquino, Nonie Buencamino, Joel Torre, Melissa Ricks, at Joseph Marco. Ipinakikilala rin ang pinakabagong Kapamilya child star na si Raikko.

Kukumpleto sa powerhouse cast nito sina Malou Crisologo, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Michael Conan, Josh Ivan Morales, at Janna Agoncillo. Kasama rin sina Maricar at Spanky Manikan para sa kanilang natatanging pagganap.

Ang "Honesto" ay sa ilalim ng direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Darnel Joy Villaflor. Ito ay ang pinakabagong obra ng Dreamscape, ang grupong lumikha ng matagumpay na inspirational drama series na "May Bukas Pa" at "100 Days To Heaven," phenomenal teleseryeng "Walang Hanggan," at ng malapit nang magtapos na "Juan dela Cruz."

Nagsimula na kamakailan sa social media ang panawagan para sa katapatan sa pamamagitan ng pagkuha ng mga litrato ng iba't ibang personalidad na naka-pose katulad ni Honesto at pag-post nito sa Facebook fan page ng programa sa Facebook.com/Honesto.TV. Ang mga manonood na nais sumuporta sa panawagan ni Honesto ay maaring makisama sa nasabing kampanya.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng kwentong tapat at totoo, "Honesto" ngayong Lunes na pagkatapos ng "TV Patrol" sa ABS-CBN Primetime Bida.

Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, at videos, mag-log on sa official social media accounts ng "Honesto" sa http://facebook.com/Honesto.TV at www.twitter.com/Honesto_TV.

Wednesday, October 23, 2013

DICK AT AMY, MGA KAPAMILYA MULI

Balik Kapamilya sina Roderick Paulate at Amy Perez  matapos silang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN kahapon (Oktubre 22) kasabay ng pag-anunsyo ng kanilang balik-tambalan bilang host ng patok na musical game show "The Singing Bee" simula Nobyembre. 

Bakas din sa mukha ng matalik na magkaibigan ang tuwa dahil makalipas mahigit walong taon ay muli silang magkakatrabaho. 

"Pakiramdam namin, si Mamang, 'yong mommy ni Kuya Dick, pinapanood niya kami mula sa langit at ginawan niya pa talaga ng paraan na magkasama kami ulit," kwento ni Amy. 

"Pakiramdam ko nakauwi na ako matapos ang ilang taon. Iba talaga 'yong pakiramdam ng umuwi at muling makita ang pamilya mo," pahayag ni Dick.

Pinakapumatok ang tandem nina Dick and Amy sa noontime show na Magandang Tanghali Bayan (MTB) kaya naman marami ang nasasabik sa pagbabalik ng tambalan. Siniguro ng dalawa na kakaibang entertainment ang ihahatid nila linggu-linggo sa "The Singing Bee" kung saan buong pamilya ang maaaring makisaya. 

"Ito 'yong show na masaya. Masaya kaming hosts at masaya rin ang mga manonood kasi mapapakanta at mapapahula talaga sila. Napaka-interactive nito. May mga maiinis kapag mali ang lyrics ng contestant. Maganda ang vibes ko sa show na ito," sabi ni Dick. 

"Tayong mga Pinoy kilalang magaling at mahilig kumanta. Sa kahit anong problema na dumarating sa atin ang parating solusyon ay kumanta kaya papatok 'to," dagdag ni Amy. 

Bukod sa "The Singing Bee," magiging bahagi rin si Amy ng morning show na "Umagang Kay Ganda" at magbabalik din sa radyo sa AM station na DZMM. 

Dumalo rin sa pirmahan ng kontrata sina (L-R) ABS-CBN business unit head Reily Santiago, News and Current Affairs head Ging Reyes, president and CEO Charo Santos, broadcast head Cory Vidanes at TV production head Laurenti Dyogi.

GENIUS DOG ADOPTS A BOY IN DREAMWORKS ANIMATION’S “MR. PEABODY AND SHERMAN”

From DreamWorks Animation, makers of global hit franchise films such as "Shrek," Madagascar" and "How to Train Your Dragon" comes another high-flying adventure film "Mr. Peabody and Sherman" (3D) – an endearing story about a man's best friend and his adopted boy.
 
"Mr. Peabody and Sherman" is about to take the world in a wild ride through history as the world's smartest dog, Mr. Peabody and his adopted human son, Sherman embark on an outrageous iconic adventure of all time.
 
Aboard the WABAC (pronounced "way back") machine that Mr. Peabody invented, the father and son tandem go around the world back and forth in time when the natural course of history is about to be altered.   Emmy Award Winner Ty Burrell ("Modern Family") voices Mr. Peabody  and Max Charles who recently appeared in "The Amazing Spiderman" lends voice to Sherman.  

Mr. Peabody is a business titan, inventor, scientist, Nobel Laureate, gourmand, two-time Olympic medalist and genius…who also happens to be a dog and faces his biggest challenge yet – being a parent since this is the first time that he will have to deal with outside influences, including girls.  Taking a modern twist for the new generation, the movie takes us to temple runs across Egypt where Sherman's friend Penny (voiced by Ariel Winter) decides to stay forever in Egypt that forces Mr. Peabody to save the day and history as well.

Directed by Rob Minkoff ("The Lion King," "Stuart Little"), "Mr. Peabody and Sherman's" voice cast also includes Stephen Colbert, Leslie Mann, Patrick Warburton, Stanley Tucci, Allison Janney, Mel Brooks, Lake Bell, Zach Callison and Dennis Haysbert.

                A DreamWorks Animation and 20th Century Fox presentation, "Mr. Peabody and Sherman" will open worldwide March 2014 in cinemas (3D and 2D).

“BATTLE OF THE YEAR” – EXPLOSIVE, INSPIRING DANCE MOVIE

An all-star American dance crew competes against the most talented teams from across the globe for the most coveted title in hip hop culture in Columbia Pictures' "Battle of the Year," an explosive and inspiring dance movie from director Benson Lee.

Inspired by Lee's award-winning documentary, Planet B-Boy, "Battle of the Year" showcases the exhilarating realm of competitive dancing with unprecedented depth and insight, as some of the world's most elite teams ignite the screen with an astonishing display of athleticism, power and grace.

To be shown exclusively at Ayala Malls Cinemas nationwide starting Nov. 6, "Battle of the Year" stars Josh Holloway (TV's "Lost"), Laz Alonso ("Fast and Furious 6"), Josh Peck ("Red Dawn"), Caity Lotz (TV's "Mad Men") and Grammy®-winning recording artist Chris Brown ("Stomp the Yard") as Rooster.

The film also stars a crew of real life b-boys including Jon "Do Knock" Cruz, Jesse "Casper" Brown, Ivan "Flipz" Velez, Joshua Lee "Milky" Ayers, Richard "Lil Adonis" Maguire, David "Kid David" Shreibman, Sawandi Wilson, Anis Cheurfa, Steve Terada, Gil "Gillatine" Brace-Wessel, Sammy "SamO" Soto, Richie "Abstrak" Soto and Luis Rosado.

Battle of the Year is an international dance crew tournament that attracts all the best teams from around the world, but the Americans haven't won in fifteen years. Los Angeles Hip Hop mogul Dante (Alonso) wants to put the country that started the Sport back on top. He enlists his hard-luck friend Blake (Holloway), who was a championship basketball coach, to coach his team. Armed with the theory that the right coach can make any team champions, they assemble a Dream Team of all the best dancers across the country. With only three months until Battle of the Year, Blake has to use every tactic he knows to get twelve talented individuals to come together as a team if they're going to bring the Trophy back to America where it started.

B-boying is the innovative and athletic dance form that originated on the streets of New York City during the 1970s and became one of the four cornerstones of hip-hop culture, along with emceeing, graffiti and DJing. Dubbed "break dancing" by the media, b-boying achieved overwhelming visibility in popular culture. Its luster eventually faded in the U.S., even as it continued to flourish around the world, as director Lee Benson discovered in his award-winning 2007 documentary, Planet B-Boy. Today, the basic moves first developed over 30 years ago have evolved into a highly sophisticated and acrobatic form of dance that can be legitimately compared to top-flight Olympic gymnastics.

Battle of the Year (or BOTY) is a real life event that takes place each year in France, attracting crews from around the world. "The competition has been going on for over 20 years," says producer Amy Lo, who also collaborated with Lee on his documentary. "It's a global event that attracts thousands of people. You can't imagine the energy."

Although the film's storyline is strictly fictional, it is deeply infused with the spirit of the documentary, using elements of different dancers' experiences to craft a classic story. "A brilliant coach has fallen on hard times and a hip hop executive wants him to put together the best dance crew in the world," says producer Tripp Vinson. "The world of b-boying tends to be about the individual and the coach teaches them to become a team so that they can compete in the Battle of the Year."

"Battle of the Year" is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.

BILLY, VHONG, COLEEN, NAGPAKA-HI TECH SA “IT’S SHOWTIME”

Pinamangha nina Billy Crawford, Vhong Navarro, at Coleen Garcia ang madlang people matapos ang kanilang makulay at makinang na dance number na bahagi pa rin ng Magpasikat Week ng "It's Showtime" hosts sa pagdiriwang ng ikaapat na anibersaryo ng Kapamilya noontime show.

Tinawag na "world-class" ng mga hurado ang performance ng tatlo sa kanilang paghataw at paggalaw na may laser lights at special effects.

Bago pa nito, nagpatawa at umarte rin sina Billy at Vhong habang nakahiga, at umeksena kasama si Coleen sa isang parody ng pelikulang "She's The One."

Noong Martes (Oct 22) naman, napanganga rin sa bilib nina Karylle, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz ang mga hurado at kahit ang kapwa nila hosts sa makulay ngunit tila magulo nilang performance kung saan sila pinaniwala nila ang madlang people na kumakanta sila sa wikang Hindi.

Ngunit nailadlad na ang totoong "magic" nang i-replay nang pabaliktad ang kanilang performance upang ipakita na theme song pala ng "It's Showtime" ang kanilang kinakanta.

Nakatanggap rin ang number ng maraming papuri mula sa netizens sa social media na inilarawan itong matalino, kakaiba, at mahusay.

Patindi na nga nang patindi ang mga pasabog na binibigay ng bawat team kaya't inaabangan din ang performances nina Vice Ganda at Kuya Kim Atienza (Huwebes), at Anne Curtis and Jhong Hilario (Biyernes).

Huwag palampasin ang Magpasikat Week ng 'unkabogable' barkada ng "It's Showtime," 12:30 PM sa ABS-CBN. Abangan din ang pag-aanunsyo ng nagwaginig pares o group sa Sabado (Oct 26), 12NN. Para sa updates ng programa, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter at @itsshowtimeofficial_ig sa Instagram o i-like angwww.facebook.com/itsShowtimena

 

AiAi vs Cherry Pie in 'Moomoo Knows Best'

Mas titindi na ang kompetisyon sa pagitan ng mga karakter nina AiAi delas Alas at Cherry Pie Picache ngayong Sabado (Oktubre 26) sa pagpapatuloy ng "Wansapanataym Presents Moomoo Knows Best." Ngayong tunay at matapat na esperitista na si Joanna (AiAi), muling susubukin ang kanyang kabutihan sa pagpasok ng mapanira niyang karibal na si Lavender (Cherry Pie). Matuloy pa ba ni Joanna ang pagbabagong-buhay niya sa gitna ng panggugulo ni Lavender? Anong tulong ang ibibigay sa kanya ng kaibigan niyang multo na si Kwatzy (Izzy Canillo)? Kasama nina AiAi, Izzy, at Cherry Pie sa "Wansapanataym Presents Moomoo Knows Best" sina Carla Martinez, Marco Gumabao, Jojit Lorenzo, at Michelle Vito. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Arlene Tamayo at direksyon ni Erick Salud. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Halloween special nina AiAi, Cherry Pie, at Izzy ngayong Sabado sa storybook ng batang Pinoy, "Wansapanataym," 6:45pm, pagkatapos ng "TV Patrol Weekend" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang@abscbndotcom sa Twitter.

Halloween Special: MGA “GOIN’ BULILIT” NAKULONG SA HAUNTED HOUSE, MGA TEEN NG “LUV U” NAGTAKBUHAN

Ngayong papalapit na ang Halloween, ang mga ispirito ay nagsilabasan at nagpakita sa mga bata ng "Goin' Bulilit" at mga teen ng "LUV U" at ito'y mapapanood sa Linggo (Oct 27).

Dalawang horror story ang tampok sa darating na Linggo. Ang una ay nagsimula kasama ang mga batang sina Bugoy, Clarence, Harvey at Carl ng "Goin' Bulilit". Naglaro sila ng basketball, at dumating pa ang mga kaibigan nila na sina Belinda, Chacha at Brenna. Sa pagka-intense ng kanilang laro, nahagis ang bola sa isang lumang bahay na katabi ng basketball court.

Dahil wala namang nakatira sa bahay na iyon, nagdesisyong pumasok ang barkada para kunin ang bola—pero pagpasok nila ay nagulat sila nang makita ang isang bata at ang kanyang yaya.

Malalaman nila na abandoned pala ang bahay dahil nasunog ito dati, at sa sunog ay may naiwang dalawang tao sa loob—isang bata at ang kanyang yaya.

Sa pangalawang istorya naman ay bumisita ang mga estudyante sa isang ospital para dalawin ang kanilang principal. Si Principal Spencer (Smokey Manaloto) kasi ay nagkaroon ng isang nakapagtatakang sugat na nanggaling sa kagat ng isang pulubi.

Isa sa mga bumisita sa kanya ay si Rocky (Igiboy Flores). Nang makita nito ang kagat ay naisip niya na baka hindi lamang pulubi ang gumawa, kundi isang zombie.

Ang ibang mga teen naman, kasama sina Lexie (Alexa Ilacad) at Benj (Nash Aguas) ay dumating sa ospital pero hindi nahanap ang kwarto ni Principal Spencer. Naligaw sila at napadpad sa abandoned wing ng ospital. Nakasalubong ng grupo ang isang batang pasyente na naghahanap ng kalaro. Nang humindi sila dito, biglang hinabol ng pasyente ang mga magkabarda.

Paano kaya magtatapos ang dalawang horror story ng mga bata at teen? Makatakas kaya silang lahat, o maiiwan na sila ng tuluyan sa panahon ng Halloween?

Alamin sa "Goin' Bulilit" at "LUV U" ngayong Linggo (Oct 27) sa ABS-CBN. Mapapanood ang "Goin' Bulilit" pagkatapos ng "TV Patrol Weekend" at ang "LUV U" pagkatapos ng "ASAP 18".

Tuesday, October 22, 2013

JANE OINEZA, MULING MAGPAPALUHA SA “MMK”

Sasabak muli sa isang heavy drama episode ng "Maalaala Mo Kaya" ang
Kapamilya teen star na si Jane Oineza. Gagampanan niya ang karakter ni
Nene, isang 17-anyos na dalagitang nagrebelde sa magulang, nabuntis
nang maaga, at pilit nilalayo ang sarili mula sa kanyang pamilya.

Kasama ni Jane sa "MMK" ngayong Sabado (Oktubre 26) sina Joey Marquez,
Mickey Ferriols, Christian Vasquez, Belle Mariano, Justin Gonzales,
Chris Guttierez, Marnie Lapuz, at Jerome Ventinilla.

Higit na kinilala ang husay ni Jane sa pag-arte dahil sa markado
niyang pagganap sa 'Manika' episode ng "MMK" noong 2012, kung saan
gumanap siya bilang isang menor de edad na ginahasa ng amain sa harap
ng kanyang ina. Ang role na ito ang nagbigay-daan upang makamit niya
ang best actress nomination mula sa prestiyosong 2013 New York
Festivals (NYF) World's Best Television and Film.

Ang upcoming "MMK" episode ay sa ilalim ng direksyon ni Nick Olanka,
panulat ni Mary Rose Colindres at pananaliksik ni Akeem Jordan Del
Rosario.

Huwag palampasin ang "MMK" tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng
"Wansapanataym" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa
MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" ang
Facebook.com/MMKOfficial.

“BUZZ NG BAYAN," PINAPURIHAN NG TV VIEWERS

Hinangaan ng maraming TV viewers at netizens sa Twitter at Facebook
ang kauna-unahang fully-interactive entertainment talk show ng ABS-CBN
na "Buzz ng Bayan," kung saan hindi lamang artista ang kasama sa
usapan kundi maging ang mga ordinaryong Pinoy.

Pahayag ng Twitter user na si @teejay3117, "Mas binibigyang-saysay ng
#BuzzNgBayan ang panonood ko ng TV tuwing Linggo. Sa wakas, naririnig
na rin ng bayan ang iba pang kakaiba ngunit makabuluhang ideya. Ang
husay!"

Para naman kay @itsmejane26, "Wow! Ganda ng #BuzzNgBayan. Hindi lang
para sa mga artista pati sa mga ordinaryong tao din. Congrats po.
Galing!" Ito ay sinegundahan ni @imjohannaperez, "Maganda ang
#BuzzNgBayan ha! Diretso sa isyu at nakikisalamuha sa tao ang mga
host. Exciting pa topics nila!"

Umani rin ng papuri ang unang episode ng "Buzz ng Bayan" mula sa mga
celebrity kabilang ang aktres na si Ruffa Gutierrez, na isa sa
celebrity guests noong Linggo. Tweet niya, "Bravo to #BuzzNgBayan!
Marami akong natutunan mula sa taos-pusong usapan ngayon."

Tinalakay sa "Buzz ng Bayan" ang pagkaipit ng "Banana Split" cast at
staff sa lindol sa Bohol, relasyon ni Freddie Aguilar sa isang
dalagitang 16-anyos, kontrobersyal na hiwalayan nina Luis Manzano at
Jennylyn Mercado, at ang mga seryosong epekto ng pag-aaway ng
mag-asawa sa isang ordinaryong pamilya. Ginamit bilang case study sa
diskusyon ang kasalukuyang sigalot sa pagitan ng mag-asawa na sina
Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Makialam at sumama na sa makabuluhang usapan nina Boy Abunda, Carmina
Villarroel at Janice de Belen; mga panauhing artista, at 'Bayan
Buzzers' sa "Buzz ng Bayan" tuwing Linggo, alas-kwatro ng hapon,
pagkatapos ng "Luv U." Para sa updates tungkol sa "Buzz ng Bayan,"
i-like ang Facebook.com/BuzzNgBayanOFFICIAL at i-follow ang
@BuzzNgBayan sa Twitter.

Monday, October 21, 2013

RYAN AT ERUPTION, SUMAYAW NANG PATIWARIK SA MAGPASIKAT WEEK NG “IT’S SHOWTIME”

Sumayaw patiwarik ang hosts ng "It's Showtime" na sina Ryan Bang at
Eric 'Eruption' Tai sa kanilang pasabog na pagtatanghal nitong Lunes
(Oct 21) para sa Magpasikat Week bilang bahagi ng selebrasyon ng
ikaapat na anibersaryo ng Kapamilya noontime show.

Ipinamalas din ni Eruption ang kanyang husay sa pagtugtog ng piano
habang sumayaw si Ryan ng ballet sa saliw nito.

Ang Magpasikat Week ay taunang tradisyon at pasiklaban ng hosts ng
"It's Showtime" kung saan ang winning team ay makakakuha ng P100,000
para sa kanilang napiling charity.

Lalabanan nina Ryan at Eruption ang kapwa hosts na sina Karylle, Jugs
Jugueta, at Teddy Corpuz (Martes),Vhong Navarro, Billy Crawford, at
Coleen Garcia (Miyerkules), Vice Ganda and Kuya Kim Atienza (Huwebes),
and Anne Curtis and Jhong Hilario (Biyernes).

Nagkagulatan man ang hosts sa kanilang pagpapareha na naging resulta
ng isang bunutan, inaasahang magkakaroon sila ng kanya-kanyang pasabog
at gimik sa performances na isang buwan nilang pinaghandaan.

Bago pa man ang pasiklaban ng hosts, itinanghal na grand winner ng
Pinoy Halo-Halo ang 11 anyos na Filipino-Chinese na si Francis Ryan
Lim para sa makatinding-balahibong pagkanta niya ng "Listen." Nagwagi
rin siya ng P300,000 matapos labanan ang iba pang global Pinoys sa
talent competition.

Panalo naman bilang first runner-up ang Filipino-Korean na si Seongki
Min at second runner-up ang Filipino-Taiwanese na si Chelsea Tenzin
Lee. Nag-uwi sila ng P200,000 at P100,000.

Huwag palampasin ang Magpasikat Week ng 'unkabogable' barkada ng "It's
Showtime," 12:30 PM sa ABS-CBN. Abangan din ang pag-aanunsyo ng
nagwaginig pares o group sa Sabado (Oct 26), 12NN. Para sa updates ng
programa, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter at
@itsshowtimeofficial_ig sa Instagram o i-like ang
www.facebook.com/itsShowtimena

Friday, October 18, 2013

“BUZZ NG BAYAN" NINA BOY, CARMINA AT JANICE, EERE NA SA LINGGO!

Ilelevel-up na ng ABS-CBN ang usapang showbiz simula ngayong Linggo
(Oktubre 20) sa paglulunsad ng kauna-unahang fully-interactive
entertainment talk show sa bansa—ang "Buzz ng Bayan," kung saan
aktibong bahagi sa usapan ng mga host ang TV viewers at studio
audience.

Bilang bahagi ng patuloy na selebrasyon ng ika-60 anibersayo ng
telebisyon sa Pilipinas, bibigyan ng bagong kahulugan ng "Buzz ng
Bayan" ang tradisyonal na showbiz talk show format at pinagsama-sama
ang tatlo sa pinakamahuhusay at nirerespetong TV hosts sa bansa na
sina 'King of Tallk' Boy Abunda, Carmina Villarroel, at Janice de
Belen.

Tampok sa "Buzz ng Bayan" ang tatlong pangunahing segments: ang 'Top
News Items' na bukas sa anumang reaksyon ng mga manonood kaugnay ng
iba't ibang isyu sa bansa; 'Opinions' na magbabahagi ng kuro-kuro nina
Boy, Carmina at Janice tungkol sa mga pinakamaiintrigang usapin sa
showbiz; at ang 'Panel Discusion,' kung saan may celebrity guests at
panelists na magbibigay ng kanilang matatapang na pananaw kaugnay sa
isang partikular na paksa.

Ang "Buzz ng Bayan" ay likha ng mga producer ng iba pang award-winning
ABS-CBN talk shows tulad ng "Gandang Gabi Vice," "E-Live," "SNN,"
"Showbiz Inside Report," at "The Buzz."

Sumama na sa makabuluhang usapan at huwag palampasin ang pagsisimula
ng pinakabagong showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN na "Buzz ng
Bayan" ngayong Linggo, alas-kwatro ng hapon, pagkatapos ng "Luv U."
Para sa updates tungkol sa "Buzz ng Bayan," mag-log on lamang sa
ABS-CBN.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Thursday, October 17, 2013

MGA KAPAMILYA COMEDY SHOW NA ‘BANANA SPLIT’ AT ‘TODA MAX’, DOUBLE CELEBRATION SA PAGDIWANG NG KANILANG ANIBERSARYO

Maghahatid ng dalawang laughtrip na selebrasyon ang mga comedy show ng
Kapamilya network na "Banana Split" at "Toda Max", simula ngayong
Sabado (Oct 19), kung saan handog nila ang isang malaking weekend na
punung-puno ng tawanan kasama ang ilan sa mga paboritong artista.

Matapos ang mga kaganapan sa kanilang pagpunta ng Bohol, ang
pagmamahal ng cast at crew ng "Banana Split" sa paghahatid ng saya sa
mga tao ay buong-buo pa rin, lalo't five at still alive ang kanilang
gag show.

Ngayong Sabado,magbibigay ng isang performance na siguradong
magbabalik ng ngiti ang "Banana Split" cast at crew sa "Banana Split:
Extra Scoop", kung saan mapapanood ang paboritong mga gag at sketch.

Isa namang matagalang selebrasyon ang hatid ng "Toda Max" sa papalapit
na pagdiwang nito ng pangalawang anibersaryo sa Philippine TV.
Mag-uumpisa na ngayong Sabado rin ang isang month-long na countdown,
at kasama nina Vhong Navarro, Angel Locsin at Ai-Ai delas Alas sa
kick-off episode ang ilan sa mga pinakamahuhusay na artista galing sa
music scene na sina Bassilyo, Tutti Karingal, Callalily at Chicosci.

Sariling "Banda Rito, Banda Roon" ang mapapanood sa "Toda Max", at ang
mga taga-Beverly Gils ay magbubuo ng grupo para makasali dito. Maiisip
ni Justin (Vhong Navarro) na kumuha ng mga band member mula sa Beverly
Gils para lumaban sa iba pang mga bandang nagmumula sa mga karibal na
barangay.

Huwag palampasin ang "Toda Max" ngayong Sabado (Oct 19) na eere nang
back-to-back sa "Banana Split: Extra Scoop" pagkatapos ng "I Dare
You". Kumpletuhin at gawing mas masaya ang weekend kasama ang buong
pamilya at ng mga Kapamilya comedy shows ng ABS-CBN Channel 2.

SAM CONCEPCION, SASABAK SA HEAVY DRAMA SA "MMK."

First time na bibida sa "Maalaala Mo Kaya" (MMK) ang singer at MYX video jock na si Sam Concepcion. Mapapasabak siya ngayong Sabado (Oktubre 19) sa matinding drama sa episode kung saan bibigyang buhay niya ang karakter ni Carlos. Si Carlos ay isang matalinong estudyante na nagpupursigeng pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho upang makamit ang pangarap na maka-graduate at makapagtrabaho. Ngunit paano kung ang pamilyang inspirasyon mo para magtagumpay ang siya mismong walang bilib sa iyo? Kasama ni Sam sa upcoming "MMK" episode sina Maliksi Morales, Yam Concepcion, Rio Locsin at Jestoni Alarcon. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Raz de la Torre, panulat ni Benjamin Benson Logronio at pananaliksik ni Agatha Lee Ruadap. Huwag palampasin ang "MMK" tuwing Sabado pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" ang Facebook.com/­MMKOfficial.

Monday, October 14, 2013

Martin Escudero acting prowess tested again in TV5’s HIV-themed series, POSITIVE

After being recognized for his award-winning portrayal as Remington in
the independent film, Zombadings I: Patayin sa Shokot si Remington,
highly acclaimed actor Martin Escudero returns to the small screens to
play yet another challenging and controversial role as a person who is
diagnosed positive with HIV in TV5's daring move to discuss one of the
most relevant yet silenced issues we face today.

POSITIVE revolves on the story of Carlo – a young and successful
professional who lives his almost perfect life as an Operations
Manager of a Business Process Outsourcing (BPO) company and as a
family man happily married to his pregnant wife, until he was
diagnosed positive of HIV. He begins tracing his steps backward, from
his times as a promiscuous teenager who lives a life of party and
drugs, to know where he got the disease.

Martin Escudero will play the lead.

Upon hearing that he would be playing as someone who lives with HIV,
Martin welcomed the role with enthusiasm.

"First time kasi that a whole series is dedicated to the life of
someone with HIV. It's an interesting series and it's a challenging
role, so I really have to prepare for it." said Martin.

Expecting the heavy drama scenes from the role he is about to portray,
Martin voluntarily submitted himself to workshops organized by the
AIDS Society of the Philippines (ASP) in order to know more about the
disease and to fully embody his character. Other casts, staff and crew
also joined the workshops to fully immerse themselves to the situation
and to accurately portray HIV for the series.

After knowing how the disease is transmitted, the rising numbers of
HIV/AIDS cases, and spending time hearing the stories directly from
persons living with HIV (PLHIV), Martin Escudero volunteered to get
tested for HIV.

"I wanted to get tested. Marami kasing natatakot magpa-test for HIV.
So I want to get tested to fully understand the feeling, para magamit
ko sa role ko bilang si Carlo" said Martin.

Martin won Best Actor both in last year's Gawad Tanglaw awards and
ENPRESS Golden Screen awards for his role as Remington in Zombadings
1: Patayin sa Shokot si Remington. Besides Positive, Martin is also
doing another independent film, this time international.

Positive is set to air on Thursday, October 7, and part of TV5's
stronger primetime block.

TV5 Strengthens News and Information Block

NEWS5, TV5's news and information arm, reaffirms its commitment to
provide quality public affairs programs from early morning to late
night by introducing its own line-up of new shows that are all in line
with the Kapatid Network's "Everyday All the Way" campaign.

Starting October 14, Kapatid viewers will be starting their day right
as Good Morning Club introduces its new segments. Grace Lee greets
viewers at 6:00 via "Good Morning Grace!" At 6:10am, Erwin Tulfo and
Martin Andanar will provide relevant information in "Good Morning
Sir". Cheryl Cosim, Tuesday Vargas, Twink Macaraig and Grace Lee will
exchange opinions as they tackle various issues and concerns on "Good
Morning Girls" at 7:00am. Christine Bersola-Babao will give a
15-minute pep-talk about motherhood as she hosts "Good Morning Moms"
from 7:45am to 8:00am. With these new segments offering essential
information in a "bite-size" structure, Good Morning Club provides
customized servings of reliable information for the viewers'
consumption every day.

Further, NEWS5 strengthens its position as a credible source of
information by introducing the KBO Block (Karunungan, Balita, Opinion)
offering a unique mix of informative and educational shows every
night.

Every Monday at 10pm, Paolo Bediones will try to dissect, refute and
prove certain commonly known facts in Demolition Job. Cheryl Cosim
will be scrutinizing and discussing the hard stories behind cold
statistics on Numero every Tuesday, also at 10pm. Wednesdays will see
Atty. Teresa Licaros tackling the plights and concerns of Overseas
Filipino Workers in Dayo at 10:30pm. EveryThursday at 10pm, Lourd
DeVeyra will give his own brand of history lessons and trivia in
History. Paolo Bediones returns everyFriday at 10:30pm on Astig to
talk about the science behind sports to prove that "Sa Sports, Walang
Tsamba."

And before TV5 viewers call it a night, NEWS5 will deliver
comprehensive back-to-back must-see programs starting with Pilipinas
News, anchored by Paolo Bediones, Cheri Mercado and Jove Francisco at
10:30pm on Mondays, Tuesdays and Thursdays and at11pm on Wednesdays
and Fridays. Pilipinas News is followed by Reaksyon, which will
feature NEWS5 Head Luchi Cruz-Valdez and her touching interviews with
different people.

With the introduction of this new line-up of NEWS5's shows for new and
information, TV5 will surely create new habits for its viewing public
where they can start and end their day tuning in to the Kapatid
Network "Everyday All The Way."

TV5 Goes “Everyday All the Way”

Get ready to change the way you see television as TV5 goes "Everyday
All the Way" with exciting new entertainment and public affairs
programs that will air from Monday to Friday, morning to evening,
starting this October 14.

TV5 starts the day right with the launch of the must-see segments of
Good Morning Club which will provide essential information to the
public in a "bite-size" structure for every viewer's consumption. The
new segments include Grace Lee's "Good Morning Grace!" from 6:00am to
6:10am; Erwin Tulfo and Martin Andanar's "Good Morning Sir" from
6:10am to 7:00am; Cheryl Cosim, Tuesday Vargas, Twink Macaraig and
Grace Lee's "Good Morning Girls" from 7:00am to 7:45am; and Christine
Bersola-Babao's "Good Morning Moms!" from 7:45am to 8:00am.

Gelli De Belen and Christine Bersola-Babao team up for the first time
in Face the People, where they will assist their guests in settling
personal issues with the help of the audience. This airs every weekday
afternoon from 4:30pm to 5:30pm.

Moreover, TV5's new primetime block will now start with the newest
barangay-serye on television, "Madam Chairman", top-billed by no less
than Megastar Sharon Cuneta herself and marking her first time ever to
star in a teleserye. Completing the cast of MadamChairman are Jay
Manalo, Ciara Sotto, Bayani Agbayani, Cita Obrero, Hermes Magpantay,
Fanny Serrano, and TV5's Artista Academy finalists Akihiro Blanco and
Shaira Mae Dela Cruz. Madam Chairman airs weeknights at 7:00pm.

Every night, viewers will surely be inspired with the quest of Ogie
Alcasid in finding love and joy after a loss in the new drama
seriesThe Gift, which airs at 7:30pm.

Another first is Aga Muhlach's foray in game show hosting as he
introduces to Pinoys the fun-filled Let's Ask Pilipinas, the local
franchise of the US hit Let's Ask America. Let's Ask Pilipinas takes
advantage of modern Internet technology as contestants get to play in
the comforts of their home. By participating through video calls on
their computers, tablets or mobile phones, they get a chance to win
P500,000. Let's Ask Pilipinas airs from 8:00pm to 8:30pm, Mondays to
Fridays.

Starting October 17, Thursdays take on a new meaning as TV5 offers the
never-before-done back-to-back airing of two weekly 1-hour primetime
series of Positive and For Love or Money, which will be aired at
8:30pm and 9:30pm, respectively. Positive bravely tackles the issue of
the rising HIV cases in the country. It is a compelling drama where
Martin Escudero plays the role of call center agent who, after being
tested positive for HIV, goes on a life-changing journey through his
past to trace the person who got him infected. For Love or Money, on
the other hand, brings back heartthrob Derek Ramsay on television as
he stars with TV5 drama princess Ritz Azul and timeless beauty Alice
Dixson in a captivating story of love and sacrifice.

Further, NEWS5, TV5's news and public affairs arm, strengthens its
commitment to be the credible source of information by introducing the
KBO Block of Knowledge, Information and Opinion where viewers can now
look forward to various informative and educational shows every night
starting at 10:30pm.

On Mondays, Paolo Bediones will try to dissect, refute and prove
certain commonly known facts in Demolition Job. Cheryl Cosim will be
scrutinizing and discussing the stories and facts behind relevant
statistics in Numero, which airs every Tuesday. For Wednesdays, Lourd
De Veyra gives his own brand of history lessons and trivia in History.
Thursdays will see Atty. Teresa Licaros tackling the plights and
concerns of Overseas Filipino Workers in Dayo. Paolo Bediones returns
every Friday on Astig to talk about the science behind sports.

And before TV5 viewers call it a night, Paolo Bediones, Cheri Mercado
and Jove Francisco deliver a comprehensive 25-minute news program in
Pilipinas News at 10:50pm, followed by Reaksyon at 11:15pm, featuring
NEWS5 Head Luchi Cruz-Valdez and her touching interviews of different
people.

Lastly, TV5 introduces a social experiment involving "half-local but
full-global" Fil-Brits in Juan Direction, where YouTube sensations
Brian Wilson, Daniel Marsch, Michale McDonnell, Charlie Sutcliffe and
Henry Edwards showcase the daily lives of the Filipino people. Juan
Direction airs every Saturday from 10:00pm to 10:30pm beginning on
October 12.

With this remarkable line-up of new shows, TV5 now has a complete menu
of program offerings to satisfy every viewer's cravings for tasteful
entertainment programming and relevant news and public affairs
information all week long. Indeed, those who made the switch and saw
how "Weekend Do It Better" on TV5 will be delighted to know that they
will be enjoying more innovative shows from the Kapatid Network
"Everyday All the Way" starting this October.

Monday, October 7, 2013

DINGDONG-BEA AT ENRIQUE-LIZA, MAGSASAMA SA “SHE’S THE ONE” NG STAR CINEMA NA PALABAS NA SA OCT. 16

Bilang bahagi ng celebration ng 20th anniversary ng Star Cinema,
inihahandog nito ang dalawang exciting at bagong inaabangan na screen
pairings sa "She's The One".

Nakatakdang ipalabas sa October 16 sa higit na 120 theaters
nationwide, ang "She's The One" ay magtatampok sa two-time Best Actor
winner na si Dingdong Dantes sa kanyang unang pakikipagtambal sa
Kapamilya screen sweetheart na si Bea Alonzo sa isang napapanahong
kuwento tungkol sa dalawang mag-best friend na mapapasok sa isang
medyo complicated at di-inaasahang romantic situation.

Inaasahang magiging mas exciting pa ang pelikulang ito dahil
makakasama nila Dingdong at Bea ang isa pang bagong screen tandem na
binubuo ng tinaguriang "Next Ultimate Leading Man" na si Enrique Gil
at ang Star Magic 2013 discovery at emerging 'It Girl' na si Liza
Soberano, na kapwa may importanteng roles dito.

Para sa kanilang unang pagtatambal, naghanap ang Star Cinema ng isang
fresh and exciting concept na nakita nila sa "She's The One" sa
panulat nina Charlene Sawit- Esguerra, Anton C. Santamaria, Roumella
Nina Monge at ng award-winning screenwriter at Creative Director ng
Star Cinema na si Vanessa Valdez. Hitik ito sa mga elements na naging
tatak na ng mga hit romance movies ng Star Cinema, gaya ng
di-malilimutan na dialogue at pick-up lines na binigyan ng bagong
twist para sa social media-driven generation.

Idinirek ni Mae Czarina Cruz, ang "She's The One" ay tungkol sa isang
long-time friendship na puwedeng biglang magbago dahil sa isang
di-inaasahang pangyayari—at dahil dito, ang dalawang magkaibigan ay
mapipilitan na i-evaluate ang feelings nila para sa isa't isa sa
panahon na ito ng Facebook, Twitter at viral videos.

Isa itong kuwento ng pagkakaibigan, at ng mga "Eureka moments" na
magpapa-realize sa iyo na ang taong matagal nang nasa tabi mo ay siya
na pala ang inaantay mo na "the one".

Nang malaman ni Bea na magiging katambal niya sa "She's The One" si
Dingdong ay na-excite ito. Bago si Bea, nakatrabaho ni Dingdong ang
mga top Kapamilya leading ladies na sina Kris Aquino (Segunda Mano),
Angel Locsin at Angelica Panganiban (One More Try). Ito ang unang
pagsasama nila ni Bea na lubos na natuwa at siya ang napili para sa
project na ito.

"Matagal ko na siya (Dingdong) gustong makatrabaho because I've heard
a lot of good things about him," sabi ni Bea.

Si Dingdong naman ay umaming nagulat dahil matapos ang dalawang sunod
na pelikula sa bakuran ng Star Cinema, ay di niya inaasahan na
mabibigyan siya ng pagkakataon na gumawa ng isa pa. Ayon sa aktor,
"sobrang gaan" katrabaho si Bea dahil "sobrang bait" nito.

Ito ang unang sabak ni Dingdong sa romance genre pagkatapos ng mga
ginawa niya sa Star Cinema na horror movie at heavy drama.

"I'm so happy that I was given the chance to do this movie, and much
more when I found out that I'll be working with Bea and Enrique," sabi
ni Dingdong. "I guess nandoon 'yung excitement namin pareho ni Bea,
for us to portray roles in this kind of a movie about best friends and
love."

Nag-enjoy daw siya sa paggawa ng "She's The One" kaya't hindi na rin
ito makaantay sa pagbubukas ng movie sa October 16. "I think I can
speak for myself, umpisa pa lang na sobrang excited na excited na ako
dito and siguro 'yun din ang naging dahilan kung bakit nagiging
maganda 'yung resulta ng samahan namin oscreen."

Dahil sa bigat ng casting at magandang storyline, tinatayang ang
"She's The One" ay magiging major movie event ng 2013—kaya't huwag
nang pahuhuli sa pagbubukas nito sa October 16.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...