Saturday, July 20, 2013

MAYA AT SER CHIEF LILIPAD SA SINGAPORE PARA SA "BE CAREFUL WITH MY HEART WORLD TOUR"

Lilipad patungong Singapore ang cast ng no.1 kilig-serye sa Pilipinas para sa "Be Careful With My Heart World Tour" sa Hulyo 28 (Linggo).

Ang "Be Careful With My Heart World Tour" na gaganapin sa Kallang Theatre, Singapore ay pangungunahan ng mag-sweethearts na sina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap), kasama sina Abby (Mutya Orquia), Nikki (Janella Salvador), Luke (Jerome Ponce), Doris (Tart Carlos) at Sabel (Vivieka Ravanes). Mayroon itong dalawang espesyal na programa, sa ganap na alas-dose ng tanghali at alas-kwatro. Special guest sa "Be Careful With My Heart World Tour" ang ASAP Sessionista member na si Richard Poon.

Samantala, sa pagpapatuloy ng "Be Careful With My Heart," anong pagbabago ang idudulot sa relasyon nina Maya at Ser Chief ng pagpasok sa love story nila ng parents ni Richard? Aprub kaya sa kanila si Maya bilang bagong love ng kanilang anak?

Huwag magpahuli sa mas gumagandang istorya ng favorite noontime habit ng bayan, "Be Careful With My Heart," araw-araw, 11:45am, pagkatapos ng "Minute To Win It," sa Primetanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-'like' ang official Facebook fanpage ng show sa www.facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...