Monday, July 15, 2013

KIM AT XIAN, BIDA SA 'SELF-HELP' COMEDY FILM NA "BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO"

May movie adaptation na ang best-selling 'self-help' book ni Ramon Bautista na nagbigay kasagutan sa mga pusong nawasak at nasaktan! Ito ang panibagong 20th anniversary offering ng Star Cinema na mainit nang pinag-uusapang comedy at kauna-unahang pelikula ng tambalang Kim Chiu at Xian Lim na "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo" na mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa July 31.

Matapos ang usaping pamilya sa "Four Sisters And A Wedding" at ang kontrobersyal na tuhog-tuhog na kwento ng buhay, pangarap, at pag-ibig sa upcoming drama movie offering ng Skylight Films na "Tuhog" na ipalalabas na ngayong Miyerkules (July 17), panibagong topic na naman ang 'pagkukwentuhan' ng Star Cinema at ng masusugid nitong manonood sa "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo"--moving on after a heartbeak, with a twist! 

Sa ilalim ng direksyon ng blockbuster director na si Bb. Joyce Bernal at script na likha mismo ni Bautista at Carmi Raymundo, ang writer ng box-office hit na "It Takes A Man And A Woman;" ang "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo" ay isang witty but funny 'self-help' movie tampok ang kwento ng masipag ngunit 'ugly duckling' na empleyado na si Sandy Veloso (Kim) at ng mayaman at gwapo niyang boss na si Alex Prieto (Xian).

Mula ang isang kakaibang engkwentro, mapapasok ang mag-amo sa isang kasunduan--tutulungan ni Sandy si Alex na mapatakbo nang maayos ang kanilang kumpanya, samantalang tutulungan naman ni Alex si Sandy na malaman ang 'game of dating and relationships' upang muling makuha ang loob ng ex-boyfriend na si Gardo at nang hindi na ma-heartbroken kahit kailan.

Bukod kina Kim at Xian, tampok rin sa "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo" sina Kean Cipriano, Diane Medina, Jojit Lorenzo, Ryan Boyce, Lilia Cuntapay, Tonton Gutierrez, at ang author mismo ng libro na si Ramon Bautista!

Huwag palampasin ang first movie team-up nina Kim at Xian na magbibigay kasagutan sa mga tanong ng mga pusong wasak at nasugatan, "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo," showing na sa mga sinehan nationwide sa July 31, 2013.

Para sa karagdagang impormasyon at pinakabagong updates tungkol sa "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo," bisitahin lamang ang www.StarCinema.com.ph,http://facebook.com/StarCinema at http://twitter.com/StarCinema.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...