Thursday, July 11, 2013

“ANNALIZA” PUMALO SA PINAKAMATAAS NITONG TV RATINGS

Mas marami pa ang tumututok sa primetime family drama series na "Annaliza," na pinangungunahan ng ngayo'y certified teleserye princess na si Andrea Brillantes, matapos pumalo ang programa sa all-time high national TV rating nito na 20.5% noong Huwebes (July 4), o mas mataas ng 9 puntos sa kalaban nitong "Home Sweet Home" na may 11.4%, base sa datos ng Kantar Media. Ito ang pinakamataas na rating na nakuha ng programa simula nang umere ito noong May 27. Makikita rin sa datos ng Kantar Media na mas malaki ang itinataas ng ratings ng "Annaliza" sa bawat araw, na may minimum na difference na 5% sa ratings, kumpara sa kalabang programa nito sa timeslot. Mas lalo pang umiinit ang kuwento sa darating na linggo dahil sa patuloy na paglalapit ng loob ng tunay na mag-inang Annaliza at Isabel (Denise Laurel). Mas titindi pa nga ang galit ni Stella (Kaye Abad) sa pamilya ni Lazaro (Patrick Garcia) at mas determinado pa siyang ikubli ang katotohanan sa dating kasintahan. Saan hahantong ang galit ni Stella? Hanggang saan kayang titiisin ni Annaliza ang pagmamalupit sa kanya? Ano ang mangyayari sa komprontasyong magaganap sa pagitan nina Isabel at Stella? Huwag palalampasin ang "Annaliza" gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa updates, i-like ang official Facebook page nito sa   https://www.facebook.com/Annaliza2013   o sundan ang @Annaliza2013 sa Twitter at pag-usapan ito gamit anghashtag na #Annaliza.    

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...