Tuesday, July 16, 2013

“GGV” NI VICE GANDA, HINDI MATIBAG-TIBAG!

Patuloy na nagre-reyna sa time slot nito ang comedy variety talk show ni Vice Ganda sa ABS-CBN na "Gandang Gabi Vice." Patunay dito ang pinakahuling datos mula sa Kantar Media noong Linggo (Hulyo 14) kung kailan guest ni Vice ang "The Voice of the Philippines" coach at Black Eyed Peas member na si Apl.de.ap at ang sikat na hip-hop artist na si Abra. Muling nanguna sa timeslot nito ang "GGV" taglay ang 19.7% national TV ratings, o mas mataas ng limang puntos sa katapat nitong programa sa GMA na "Imbestigador" na nakakuha lamang ng 14.6%. Mula nang umere noong 2011 at sa kabila ng iba't ibang shows na inilaban dito, consistent top-rater ang "GGV" na sa labis na pagkapatok sa TV viewers at sa netizens ay tinagurian nang 'trending capital of the Philippines' dahil sa pagiging top trending topic ng show at ng mga guest nito sa sikat na microblogging site na Twitter. Tutukan ngayong Linggo (Hulyo 21) ang panibagong pasabog ni Vice at ng kanyang mga espesyal na bisita sa "Gandang Gabi Vice," 9:30pm, pagkatapos ng "The Voice of the Philippines" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...