Saturday, July 20, 2013

INA KAPATID ANAK SHOES SA CLN STORES

Sa kakatapos pa lamang na hit teleseryeng "Ina Kapatid Anak", naging mga fashion icon ang dalawang bida nito na sina Maja Salvador at Kim Chiu. Ngayon, pwede na silang tularan ng mga fan at mga fashionista gamit ang koleksyon ng Memorata—na ginamit din nina Maja at Kim sa teleserye.

Ang Memorata ay resulta ng isang partnership ng paboritong retail brand na Celine (CLN) at ng ABS-CBN. Nanggaling ang inspirasyon ng kolesksyon ng Memorata sa "Ina KapatidAnak."

Bukod sa mga sapatos na ipinakita sa "Ina Kapatid Anak", ang Memorata Shoe Collection ay mayroon ding Wedding Collection at mga sapatos na pang-eskwela—kaya pwedeng pwede ito sa lahat ng mga babae, bata man o matanda.

Ang Memorata Shoe Collection ay maaaring bilhin sa CLN o kaya online sa Zalora (www.zalora.com.ph) at Lazada (www.lazada.com.ph).

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...