Monday, July 22, 2013

HIGHEST-GROSSING THAI MOVIE NA "PEE MAK," IBIBIDA NI MARIO MAURER SA 'PINAS

Sa pagpapatuloy ng selebrasyon ng dalawang dekada nito sa movie industry, ibabahagi ng Star Cinema sa Pinoy moviegoers ang highest-grossing film of all time sa Thailand at pinakapinag-uusapang horror-comedy sa Asya ngayon, ang "Pee Mak," na pinagbibidahan ng Thai superstar na si Mario Maurer. Ang"Pee Mak" na tinaguriang 'funniest ghost movie' ngayong 2013 ay mapapanood na sa mga sinehan sa Pilipinas darating na August 28 (Wednesday). 
 
Matapos ang isyung pampamilya sa "Four Sisters And A Wedding," tuhog-tuhog na kwento ng buhay, pangarap, at pag-ibig sa drama-comedy movie offering ng Skylight Films na "Tuhog," at usaping 'moving on after a heartbeak' sa upcoming comedy film na "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo" na ipalalabas na sa susunod na Miyerkules (July 31), 'magkikwentuhan' naman ang Star Cinema at ang loyal viewers nito tungkol sa nakakatakot ngunit sobrang nakakatawang kwento ng wagas na pag-ibig na tampok sa sikat na Thai legend nina Pee Mak at ng asawa nitong multo na si Nak (Davika Hoorne).
  
Sa ilalim ng produksyon ng GTH Productions sa Thailand at direksyon ng blockbuster director na si Banjong Pisanthanakun, na siyang nagdirek ng ng box-office horror films tulad ng "Shutter", "4BIA" at "Phobia 2," ang "Pee Mak" ay ipinalabas rin sa iba pang bansa sa Asya kabilang ang Taiwan, Singapore, Cambodia, Indonesia, at Malaysia.
  
Dahil sa bago at naiiba nitong atake sa isang klasik na alamat, agad na umariba sa Thailand box-office ang "Pee Mak" na kumita ng USD 33 million na may sampung milyon na nabentang tickets nationwide.
  
Kasama nina Mario at Thai sweetheart na si Davika sa "Pee Mak" ang 'funny foursome' ng Thailang na sina Nuttapong Chartpong, Pongsatorn Jongwilas, Kantapat Permpoonpatcharasuk at Attharut Khongrasri.
  
Sa ilalim ng distribusyon ng Star Cinemas, huwag palampasin ang pinakasikat ng ghost movie ngayon sa Asya, "Pee Mak" na ipalalabas na sa Philippine cinemas sa August 28, 2013.   

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...