Tuesday, July 23, 2013

KIM AT XIAN, EXCITED NA SA COMEDY MOVIE NILANG "BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO"

Palabas na sa susunod ng Miyerkules (July 31) ang pinakaaabangang comedy film ng Star Cinema at kauna-unahang pelikula ng tambalang Kim Chiu at Xian Lim na "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo."
 
Bilang bahagi ng year-long celebration ng 20th anniversary ng Star Cinema, kapwa excited na sina Kim at Xian sa nalalapit nang showing ng film adaptation ng best-selling 'self-help' book ni Ramon Bautista at idinerek ng blockbuster director na si Bb. Joyce Bernal.
 
"Masaya at excited kami ni Xian sa kwento ng movie namin kasi sobrang kakaiba siya at talagang nakakatawa. We guarantee na ibang klaseng acting ang io-offer ng pelikula namin sa moviegoers," pahayag ni Kim na aminadong ginawa ang lahat para mabigyang hustisya ang kwento ng best-selling book. "Sana maraming matawa at maraming mainspire kasi ako mismo natawa sa sarili ko. Iba 'yung role ko dito. Ang layo-layo sa lahat ng nagawa kong pelikula. Hitsura ko pa lang malayo na!"
 
Dagdag ni Xian, ang kakulitan ng "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo" ay dama nila ni Kim on- and off-screen. Aniya, "It's our third project together and this is our first movie together so s'yempre mas open na kami sa isa't isa, so more kulitan than seryoso. Of course, serious kami while filming pero pagkatapos ng take, kulitan naman."
 
Sa ilalim ng panulat at screenplay ni Irene Emma Villamor, ang "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo" ay isang witty but funny 'self-help' movie tampok ang kakaibang kwento ng masipag ngunit heartbroken na empleyado na si Sandy Veloso (Kim) at ng mayaman at gwapo niyang boss na si Alex Prieto (Xian).
 
"Yung character kong si Sandy, 24 year-old virgin siya na makulit at masipag sa trabaho. Sa sipag niya, 'employee of the month' siya sa office from January to December, walang sablay," ani Kim. "Ang taas ng confidence ni Sandy. Hindi niya alam na sa paningin ng ibang tao pangit pala siya pero sobra kung magmahal si Sandy."
 
Sa gitna ng planong pagmo-move on ng karakter ni Kim matapos makipagbreak sa kanya ng boyfriend na si Gardo (Kean Cipriano), biglang iikot ang buhay niya dahil sa pag-eeksena ng role ni Xian, ang dominanteng boss ni Sandy na si Alex.
 
"Dahil siya ang pinakamagaling na empleyado, susuyuin ko si Sandy rito na tulungan akong ayusin ang problema ng nalulugi naming recording business," kwento ni Xian. "Being a guy who gets what he wants, it's interesting to discover kung papaano mapapapayag ni Alex na tulungan siya ni Sandy, who just came from a heart break."
 
Ayon kina Kim at Xian, hindi lamang hahalakhak ang viewers habang nanonood, marami rin daw na life lesson na matututunan sa "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo."

Ayon kay Kim, hindi lang pang-lovers ang pelikula nila dahil tulad ng iba pang hindi malilimutang 'pakikipagkwentuhan' ng Star Cinema sa loyal viewers nito sa loob ng dalawang dekada, ang mga karakter nina Sandy at Alex ay may mga kwentong makaka-relate at kapupulutan ng aral ng buong pamilya.
 
"Bukod sa tatawa sila nang tatawa, mare-realize nila sa 'Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo' na we don't have to please everybody. Kung may tao man na magugustuhan ka, magugustuhan ka niya bilang ikaw lang--no more, no less," ani Kim.
 
"Sa movie namin, matututunan ng moviegoers kung bakit hindi sila dapat matakot magmahal at kung bakit hindi kailangang madaliin ang love dahil darating at darating naman 'yun kapag para sa atin. I believe in destiny. What's meant to be, is meant to be," ayon kay Xian.
 
Bukod kina Kim at Xian, tampok rin sa "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo" sina Pokwang,  Mylene Dizon, Freddie Webb, Kean Cipriano, EJ Jallorina, Cholo Barretto, Marnie Lapus, Cheska IƱigo, Cecil Paz, Diane Medina, Sarah Gaugler, Jojit Lorenzo, Ryan Boyce, Lilia Cuntapay, Tonton Gutierrez, Angeline Quinto at ang author mismo ng libro na si Ramon Bautista!
 
Huwag palampasin ang first movie team-up nina Kim at Xian na magbibigay kasagutan sa mga tanong ng mga pusong wasak at nasugatan, "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo," showing na sa mga sinehan nationwide sa July 31, 2013.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...