Monday, August 26, 2013

ALBUM NI JURIS, MABENTA SA SINGAPORE

Namamayagpag ngayon sa Singapore ang platinum-selling at award-winning recording artist ng Star Records na si Juris. Patunay dito ang pagiging no. 1 kamakailan ng international album niyang "Dreaming of You" sa listahan ng top jazz albums sa HMV, ang sikat na record bar label sa Singapore. Naungusan ni Juris sa HMV jazz chart ang mgakilalang Singaporean singer at maging ang international singer na si Norah Jones. 

Mabenta rin ang album ng 'Soothing Voice of Asia' sa Internet. Isa ang "Dreaming Away" sa top albums sa iTunes Thailand at isa sa featured albums sa iTunes Asia.

Ang "Dreaming of You" ay co-produced ng Star Records at ng kilalang Singaporean music company na S2S. Bahagi ng 12-track album ang mga nakaka-in love na revival ng mga all-time classic ballads gaya ng "Again" ni Janet Jackson, "Everything I Do (I Do It For You)" ni Bryan Adams, "I Honestly Love You" ni Olivia Newton John, "Do You Know Where You're Going To" ni Diana Ross, "I Love You Goodbye" ni Celine Dion, "Don't Say Goodbye," "Say You Love Me," "If Wishes Came True,"  "If You And Me," "Wishes" at ang carrier single na "Dreaming of You" na orihinal na inawit ng yumaong Latin singer na si Selina.

Ang "Dreaming of You" album ni Juris ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P350 lamang. Maaari na ring ma-download ang tracks nito sa iTunes, Amazon.com atMyMusicStore.com.ph.

 

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records sahttp://www.facebook.com/starrecordsphil o sundan ang @starrecordsph sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...